6th Death: Waves

764 47 0
                                    

6th Death
Waves

SHACYNE

"DEATH and dead?" Tyrone asked confusedly.

"Kamatayan at patay." sagot ko gamit ang tono na para bang ang bobo niya sa paningin ko. Well, ganoon naman talaga siya. "Sila ang pumapatay at patay na rin sila. Karamihan sa kanila ay tulad n'yo na pumasok dito ng hindi nag-iisip. Mga tao sila noon na namatay dahil pinatay ng mga naunang creatures at muling nabuhay para pumatay. Humihinga lang sila pero patay na ang mga 'yan. Titigil lang ang mga 'yan kapag tuluyan ng napatay. Yes, you have to kill them."

"K-kill? Papatayin namin sila?" Nanlalaki ang mga mata ni Lailanie. "B-bakit?"

I rolled my eyes irritatedly. "Ganyan ba kayo katanga at kailangan ko pang isubo sa inyo ang lahat? Malamang kayo ang papatayin n'yan kung hindi n'yo sila mauunahan! Anong gusto n'yo? Ako na lang ang pumatay para sa inyo? Ano kayo, sinusuwerte?!"

Hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa sobrang irita sa kanila. Nakakabobo silang kausap! Hindi agad madaling umintindi ang mga kingina! Nakakahigh blood ang mga tanga!

"Sorry naman ha?! Ngayon lang kami nakapasok dito at malay ba naming may mga ganitong nilalang dito!" singhal ni Lailanie.

"Tss. Imposibleng hindi n'yo naririnig ang mga haka-haka sa labas? Sa pagkakaalala ko, kumalat ang isang balita at nagpasalin-salin sa iba't ibang bersyon. Gayon pa man, sinigurado ng tanga na 'yon na kakalat 'yon para maging babala sa mga tao. 'Yon nga lang ay may mga gaya n'yong tanga na nahumaling pa sa mga istorya at pumasok dito tapos hindi naman pala kayang pumatay ng mga patay na." Nagkibit ako ng balikat. "Kung hindi n'yo kaya, sumalangit nawa na lang ang inyong kaluluwa."

Naglakad na ako palabas ng unit pero tumigil ako nang may mapansin. Nilingon ko si Jeremy na paluha na.

"They should be thankful to you. I'll kill for your group only for a week. Pagkatapos ng isang linggo, bahala na kayo." walang emosyong wika ko.

His face lightened and he immediately ran towards me. Itinapon niya ang sarili sa akin at niyakap ako.

"Thank you, Ate!"

"Tss. Don't thank me 'cause I'm the one who's gonna train you to kill. Maghanda kayo dahil ayaw ko ng mahihina." Umalis ako sa pagkakayakap niya. "At magsisimula na kayong palakasin ang stamina n'yo ngayon."

Bumalik kami sa unit ko at gumawa ako ng listahan ng mga gagawin nila ngayong umaga. Wala akong pakialam kung hindi pa nagsi-sink in sa kanila ang mga nakita nila dahil ang mahalaga ay makapag-umpisa na sila. Hindi naman ang mga nilalang dito ang maga-adjust para sa kanila.

"What's this?" Rasharzi asked while examining the piece of paper that I gave to him.

"Papel, malamang." I answered as a matter of fact. Hindi ko akalain na bulag ang lider nilang 'to. Napaatras ako nang samaan niya ako ng tingin. Anong problema ng isang 'to?

"Tss." He hissed.

"Wag kayong lalabas ng unit. Kapag may nangyari, gamitin mo 'to." Ibinigay ko ang isang caliber 45 sa kanya. "Marunong ka namang gumamit n'yan hindi ba? Just pull---"

"Alam ko, hindi ako tanga."

"Pero pumasok dito?" bulong ko na narinig niya kaya sinamaan ako ng tingin. "Aalis na 'ko. 'Wag n'yong babuyin ang unit ko."

"Saan ka pupunta, Ate?"

"Sa labas, papatay. Gusto mong sumama?" Huli na para bawiin ko ang sinabi dahil lumiwanag na ang mukha niya.

"Sige!"

"No, Jeremy!" kontra ni Alliah.

"Delikado, Jeremy!" segunda ni Lailanie.

Pero mukhang kahit anong kontra pa nila ay hindi na magbabago pa ang isip nitong bata. Oo, bata dahil asal bata naman siya na marunong lang magluto.

"Sigurado naman akong hindi ako papabayaan ni Ate Shane." Ngumiti siya ng matamis bago lumingon sa akin. "Hindi ba?"

"I won't. Unless you do something stupid."

"Tara na!" He pulled me towards the door. Siya ang nagbukas ng pintuan pero sa halip na lumabas ay nagtago sa likuran ko at itinulak ako.

Napailing na lang ako at nauna ng maglakad habang nakakapit siya sa braso ko. Jusko, parang gusto kong magsisi na isinama ko siya.

"ATE, okay lang ba talagang kunin nating lahat 'to?" Jeremy asked with food in his mouth.

Nagtanong pa e kinakain na nga niya.

"Yeah, you can get whatever you want without paying anything." naiiling na sagot ko habang abala sa paglalagay ng mga pagkain sa basket.

Nasa isang convenience store kami at nangunguha ng pagkain. Marami namang convenience store dito at may mall pa. Marami kaming pwedeng pagkuhaan ng pagkain, damit at iba pang pangangailangan nang walang binabayarang kahit isang sentimo. Kanino naman kasi kami magbabayad 'di ba?

Napalingon ako sa paligid nang makarinig ng mahihinang pag-ungol. Walang ingay akong humakbang palapit kay Jeremy at tinakpan ang bibig niya. Sinenyasan ko siyang 'wag gagawa ng kahit anong ingay bago ko siya pakawalan. Hinawakan ko siya sa braso na dala pa rin ang mga kinuha namin.

"Ate, ayon." bulong ni Jeremy at itinuro ang isang buntot na nakalabas sa dulo ng shelf. Gumagalaw-galaw pa iyon hudyat na buhay ang katawan no'n.

Anong klase ng nilalang ito at may buntot?

"Wag kang aalis dito." bulong ko at iniwan siya roon. Inilabas ko ang katana at mabilis na pinutol ang buntot na 'yon. Naiirita ako sa panay na paggalaw nito.

Malakas na itinulak ng nilalang ang shelf na pinagtataguan niya kaya lumantad na siya sa akin.

Punyemas! Anong klaseng nilalang 'to?!

Ang hirap i-describe ng itsura ng nilalang na ito. Ang ulo niya ay iilang hibla na lang ng buhok ang mayroon, buto't balat na rin ang mukha niya, nangingitim ang labi at wala na ring kilay. Ang katawan naman niya ay katawan pa rin naman ng tao pero bakat na bakat na roon ang ribcage niya. Napadako ang tingin ko sa binti niya na puno ng maiitim na balahibo hanggang sa buntot niyang itim na ngayo'y putol na.

Hindi ko talaga alam kung anong klase ng nilalang ang kaharap ko. Hindi ko malaman kung saan ko siya ihahambing.

Napaatras ako nang malakas niya akong itulak. Tumama ang likod ko sa glass wall at sa lakas niyon ay nabasag iyon kaya tumilapon ako sa labas. Dahil sa ingay ay nakuha namin ang atensyon ng mga nilalang na malapit sa lugar. Agad akong tumayo at tinakbo ang lugar na kinaroroonan ni Jeremy. Hinawakan ko siya at mabilis na hinila para tumakbo. Hawak niya pa rin ang dalawang basket. Kinuha ko ang isa para mas mapabilis kami.

"Umakyat ka sa hagdanan na 'yon." Ininguso ko ang hagdan na nasa labas ng building. Iyon 'yong ginagamit kapag emergency. "Ako na muna ang bahala sa mga pagkain. Iaabot ko na lang kapag nakaakyat ka na."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Pagkaakyat niya ay agad ko namang pinatay ang malalapit sa akin. Isa-isa kong inihagis sa kanya ang mga basket at nagpatuloy sa pakikipaglaban. Pinutulan ko sila ng ulo para mas mapadali ang trabaho ko.

Pero kingina. Nagtawag pa ng mga kasama ang mga bobo! Paano ba nakakapag-usap ang mga gunggong na 'to?!

Sa likod lang naman nila ay ang tila rumaragasang alon ng iba't ibang nilalang!

CIEATHWhere stories live. Discover now