28 Death: Ten Seconds

479 34 1
                                    

SHACYNE

"MGA tanga ba kayo?" iritadong bulalas ko dahil nagtutulakan pa sila kung sino ang unang lalabas. "Wala namang nilalang sa labas kaya anong problema n'yo?"

Wala naman akong nararamdamang ibang presensya sa labas kaya wala namang problema. Utak lang talaga nila ang problema.

"Ako na ang mauuna." presinta ni Kelly Ann na ikinatuwa ko naman.

Hindi kami makakaalis dahil sa umiiral na namang kaduwagan ng mga ito. Nairap ako sa kawalan ng pag-asa ng mga ito. Kami na nga ni Kelly Ann ang may dala ng gamit, kami pa ang pauunahin nila? Ang gagaling talaga ng alam!

Oo nga at sugatan sila pero hindi naman ibig sabihin noon ay hahayaan ko na silang walang gawin. Hindi pa naman sila ganoon kalubha at kayang-kaya pa nilang lumaban pero kung umasta ay dinaig pa nila ang baldado! Hindi rin ako makakapayag na mawala ang mga pagkaing dala-dala namin. Kung sila siguro ang mawawala, pwede pa. Kailangan din naming dagdagan nang dagdagan ang mga pagkain sa halip na bawasan nang bawasan.

Mabilis akong napalingon kay Rasharzi nang mahina siyang umubo. Tumaas ang kilay ko dahil halatang-halata na pinigilan niya iyon. Lumapit ako sa kaya nang hindi niya napapansin at inilapat ang kamay sa likod niya. Sa kanilang lahat ay alam ko na kung sino ang special case at iyon ay walang iba kundi ang isang ito. Confirmed. May tama sa likod ang lalaking ito.

Lumingon siya sa akin at ngumiti na para bang ayos lang ang lahat. Nagsalubong ang kilay ko at walang pasabing diniinan ang pagkakahawak sa likod niya.

"A-aray! Cyne naman!" malakas na daing niya kaya napalingon sila sa amin.

"Anong Cyne naman? E kung tinatanggalan kaya kita ng dila kasi wala namang kwenta 'yan?!" Tiningnan ko ang kamay at hindi na nagtaka nang makitang may dugo iyon. Hindi iyon halata dahil nakaitim na pang-itaas siya.

"May iba kasi akong paggagamitan." Nakakalokong ngumisi siya.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya at ibinaba lang ang mga bag na dala ko.

"Dito lang kayo at 'wag munang lalabas." 'Yon lang ang sinabi ko at mabilis ng lumabas. Nakita ko si Kelly Ann na may tulak-tulak na dalawang push cart. Nasa ibabaw ng mga iyon ang mga bag na dala niya kanina.

"O, bakit lumabas ka?" tanong niya at tumigil sa harapan ko.

"Van." sagot ko at mabilis na nilapitan ang pinakamaayos na sasakyan sa paningin ko. Sumakay ako sa driver seat at nakitang wala ang susi ng sasakyan. At dahil wala 'yon ay kailangan kong gumawa ng paraan. Tss. Mabuti na lang talaga at marami akong alam.

Matapos kong pagkiskisin ang dalawang wire ay nag-start na ang engine. Minaneho ko iyon palapit sa entrance ng building. Oo sa entrance talaga dahil tangina lang, hiyang-hiya na ako sa kanila. Hinayaan kong nakabukas ang makina bago bumaba at muling pumasok sa loob.

"Where did you go?"

"Wag ka ng magtanong." Inirapan ko siya at inalalayan. "Lumabas na kayo."

Naramdaman siguro nila na wala ako sa mood para sa katangahan nila kaya walang tanong-tanong na sumunod sila.

"Sakay, mga kaibigan! Pang-pituhan 'to kaso anim lang tayo!"

Napailing na lang ako sa kaingayan ni Kelly Ann. Sa passenger seat ko pinaupo si Rasharzi bago umikot sa driver seat. Nakita ko pa si Kelly Ann na nakatayo sa tabi ng mga push cart na wala ng laman. Malamang na naisakay na niya iyon sa sasakyan.

"Sa bubong ako. Baka may kalaban e."

Tinanguan ko na lang siya bilang pagsang-ayon bago sumakay sa sasakyan. Nakarinig naman ako ng kalabog sa bubong na sigurado akong siya ang may gawa.

"Fuck!" mura ni Tyrone nang biglang sumulpot si Kelly Ann sa harapan.

Nakabaliktad siya dahil nasa bubong ang katawan niya at ulo lang niya ang nakalawit sa unahan. Nakangiting kumaway lang siya sa amin bago umalis doon. Maya-maya lang ay sumigaw na naman si Tyrone at ka-duet pa talaga niya si Jeremy nang biglang may tumagos na espada sa gitna nila. Tumawa lang si Lailanie samantalang napailing na lang ako.

"Para kayong mga baklush!" sigaw ni Kelly Ann matapos hugutin ang espada niya. "Okay! Ready na me, lucky me!"

Napabuntong-hininga ako at sinulyapan si Rasharzi na kapansin-pansin ang malalalim na paghinga. Napailing ako at mabilis na lang na nagmaneho. Naririnig ko pa ang mga sigaw ni Kelly Ann sa labas na hindi ko pinansin. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang isang ito dahil baka bigla na lang siyang bawian ng buhay.

"Hoy!" sigaw ko kasabay nang malakas na pagtama ng kamay ko sa tiyan niya. "Wag kang matulog!"

Hindi siya nagsalita at hinawakan lang ang kamay ko. Hindi ko na lang din binawi para mas mabilis ko siyang mahampas oras na tulugan niya ako.

"Shane! May mga bwisita you! Bente uno po sila!"

"Magmaneho kayo rito." utos ko at nilingon si Rasharzi. "Ilang kilometro na lang ang layo ng ospital dito. 'Wag na 'wag kang matutulog kung ayaw mong mawala ulit ako."

"I won't. I promise." Nanghihina man ay nagawa pa rin niyang ngumiti at pisilin ang kamay ko. "Mag-ingat ka."

Hindi ko itinigil ang sasakyan at binuksan lang ang bintana sa tabi ko. Dala ang espada ko ay doon ako dumaan palabas matapos siguraduhing na kay Tyrone na ang kontrol ng sasakyan. Hinawakan ako ni Kelly Ann para hindi ako tumilapon dahil sa pag-andar ng sasakyan. Nang makakuha ng balanse ay doon ka pa lang pinagmasdan ang mga Dos na naghihintay sa amin na kulang isang kilometro ang layo.

"Shane, nand'yan 'yong alaga mo."

"Hindi ako nag-aalaga ng tatlo ang ulo." wika ko habang tinatanaw ang nag-iisang aso na tatlo ang ulo.

"Sabagay." Nagkibit-balikat siya.

"Isa pa, napakapangit naman niyan para maging alaga ko." Napangiwi ako sa itsura ng aso. Maitim iyon gaya ng sa uling at sobrang payat ng katawan. "Sa ulo yata napunta 'yong taba niya. Para na siyang masusubsob sa bigat noon."

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago tingnan ang palad ko. Iisang paraan lang ang alam ko para mas mabilis silang maglaho sa paningin ko.

"Wag, Shane. 'Wag mong gagamitin." Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. "Kailangan ka pa ng jowabels mo."

Tinitigan ko siya. Gusto ko sanang itanong kung paano niya nalaman pero mas pinili kong 'wag na lang. Alam ko naman kasing lagi niya akong pinagmamasdan kaya malamang na nakita na niya ang ilan sa mga sikreto ko. Hindi rin naman siya bobo para hindi maintindihan ang katauhan ko.

"Sige, hindi ko gagamitin." Tumaas ang sulok ng labi ko. "Pero kailangang mapatay natin sila sa loob ng sampung segundo."

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon