37th Death: Captured

415 24 0
                                    

Hi~ Sorry for the looong update. To angelfrncsco_~ Sorry if this took too long but I hope you like it. Keep reading and always be safe, everyone. ❤

AILEE

"Napakarami naman nilang dala." puna ko habang inilalagay sa kamay ang mga tangkay ng eco bag na kaya kong buhatin. My gosh this is so heavy naman...

I pouted at binuhat ang mga 'yon. Mabuti na lang at naibalanse ko ang sarili dahil kung hindi ay baka nakipaghalikan na ako sa lupa. And that's so disgusting! Malapit na ako sa pintuan ng bahay nang may biglang sumulpot sa may pintuan.

"Tita Lee." bati ni Lerine na ikinangiti ko.

"Hi, cutie!" I greeted flashing my sweetest smile. "How's life outside this dead city huh?"

"Ganoon pa rin po. People are still cruel and greedy."

"Hindi na mababago 'yan." Mahina akong tumawa bago siya nag-aalalang tiningnan. "May problema ba?"

"None, Tita." She avoided my gaze kaya ang ibig sabihin noon ay nagsisinungaling siya. "Nandito lang ako para kumustahin kayo."

"We're fine, cutie. Hindi kami mamamatay, okay?"

"I know that, Tita. Hindi kayo pababayaan ng nanay ko." Ngumiti siya at naglaho na lang na parang bula. Kung gaano siya kabilis sumulpot at ganoon din siya kabilis umalis.

Napailing na lang ako. Sigurado akong may nangyayari sa kanya at ayaw lang niyang sabihin. Napanguso ako sa isiping iyon. Oh gosh. Please be careful wherever you are and whatever's happening out there, Lerine.

Pumasok na lang ako sa loob. Dumiretso ako sa basement at nakita si Keann na nakikipaglaro sa mga bata na gising pa.

Dapat ay nagpapahinga na siya sa mga oras na ito. Ibinaba ko na lang sa isang mesa ang mga dala. Marami pa ang nasa sasakyan pero mamaya ko na lang sila babalikan. Wala namang ibang kukuha noon dahil wala ng ibang tao bukod sa amin. Mawawala lang iyon kapag may lumusob na mga kalaban.

"Why don't you take a rest?" tanong ko nang makalapit kay Keann. Naupo ako sa tabi niya at pinanood din ang mga bata na hyper pa rin kahit gabi na.

"Nagpapaalis lang ng pagod."

"Maniwala sa 'yo." sarkastikong wika ko. "Wag ako, Kelly Ann. Maloloko mo ang lahat pero hindi ang ganda ko. Ano bang bumabagabag sa 'yo?"

"Bukod sa pagiging GGSS ay tsismosa ka pa ring talaga." Inirapan niya ako bago siya tumayo. "Tara."

"Duh. Sa 'yo ako natuto." I playfully rolled my eyes bago tumayo at magreklamo. "Kakaupo ko lang e. Saan ba tayo pupunta?"

"Sa labas, maghahakot." 'Yon lang ang sinabi niya at nauna na siyang maglakad.

"Masyado naman siyang masipag." bulong ko at saka nakasimangot na sumunod sa kanya. Hindi ko nakita ang mga kasama niya at hindi na rin nagtanong pa. Ipapakilala naman niya sa akin ang mga iyon kung dapat kong makilala.

Lumabas kami sa basement at dumiretso sa salas ng bahay. Pabagsak siyang nahiga sa mahabang sofa.

"Hindi ka tatangkad n'yan." puna niya nang nanatili akong nakatayo. "Mangangalay ka lang."

"Akala ko ba'y maghahakot tayo?" Pinameywangan ko siya. "Bakit nahiga ka d'yan?"

"Bakit? 'Di ba pwedeng mamaya?" Inirapan niya ako na bahagyang ikinaawang ng labi ko. She raised her brow at me. "Atat ka rin no?"

Aba't! Sapakin ko kaya siya ng isa?! Padabog akong naupo sa isa pang mahabang sofa. "Hoy, siguraduhin mong maganda ang sasabihin mo dahil masyado akong naiintriga."

CIEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon