45th Death: Unveil

400 25 0
                                    

THIRD PERSON

"SHANE, saan ka ba nanggaling?" medyo iritadong tanong ni Trisha. "Alam mo naman siguro kung ano ang sitwasyon natin di ba?"

"Alam ko. Pero alam mo rin naman sigurong hindi ako pwedeng tumunganga na lang at magtago?" sarkastikong wika ni Shacyne. "Kailangan kong makihalubilo sa iba para hindi ko makalimutang tao ako na buhay pa at humihinga. Kung mananatili ako rito at magtatago ay wala ng pinagkaiba ang bahay na 'to sa pasilidad na 'yon."

Natigilan si Trisha sa narinig at nagbaba ng tingin. "S-sorry."

"Alam kong nag-aalala ka pero 'wag mo sanang kalimutan kung sino ako at kung ano ang ginawa nila sa pamilya ko. Sapat na ang galit sa puso ko para mag-ingat at hindi magpahuli sa kanila. Makakaasa kang hindi nila ako magagamit sa kahit sino." Tipid na ngumiti si Shacyne at nilingon si Dexter na kanina pa nakikinig at nanonood sa kanila. "Magpapahinga na ako."

Wala ng nagawa ang dalawa kundi ang panoorin na lang ang papalayong si Shacyne. Anim na buwan na ang nakakalipas mula ng makatakas sila sa organisasyon. Nasa loob pa rin sila ng Vista Onse dahil may mga tauhan ang organisasyon sa mga hangganan kaya hindi sila makalabas. Wala silang pagpipilian kundi ang manatili sa Vista Onse at iwasang makasalubong ang mga ito sa daan.

Lumipas pa ang mga araw at mas naging kapansin-pansin ang madalas na pag-alis ni Shacyne. Hindi nila magawang magtanong dito dahil sila nito binibigyan ng pagkakataon.

Marahas na napabuga ng hangin si Shacyne pagpasok pa lamang niya sa bahay ng pamilya nila. Dito siya madalas na pumupunta para alalahanin ang mga magulang niya. Hindi naman niya nakakalimutan ang mga ito pero ang mga aral na itinuro nila, oo. Unti-unti na niyang nakakalimutan ang mga 'yon dahil binabalot na ng matinding galit ang puso niya. Nawawalan na siya minsan ng kontrol at alam niyang delikado 'yon kaya naisipan niyang dalawin ang bahay nila. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang alalahanin ang mga hindi magandang pangyayari sa bahay na 'to dahil mas lalo lang no'ng dinadagdagan ang galit niya.

"Who are you?" wika ng isang lalaki mula sa likod niya.

Alam niyang malapit lang 'to sa kanya kaya hindi siya nagsalita at siniko ang sikmura nito bago siya humarap para suntukin ito sa mukha. Halatang nagulat 'to sa ginawa niya kaya kinuha niyang pagkakataon 'yon para atakehin ulit ito ngunit tinampal lang nito ang kamay niya. Medyo nagulat siya roon ngunit mabilis din siyang kumilos para sipain 'to. Mabilis nitong hinuli ang paa niya at mas itinaas pa kaya mariin siyang napapikit at hinintay ang pagbagsak niya sa sahig. Oo nga at flexible siya pero noon 'yon bago pa siya maratay sa kama ng ilang taon.

"Are you waiting for my kiss?" aroganteng wika ng lalaki.

Napamulat ng mga mata si Shacyne sa narinig. Nagsalubong ang kilay niya sa lapit ng pagmumukha nito sa kanya. Ang isang kamay nito ay nasa likod niya na siyang umaalalay para hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Sa halip magpasalamat ay inabot niya ang buhok nito para sabunutan kasabay ng pagbagsak nila sa sahig. Agad siyang gumulong at punagsasabunutan 'to dahil sa iritasyon niya. Nang magsawa ay sinampal pa niya 'to ng isa.

"Pervert."

"Huh? Ako pa? E sino ba rito ang nasa ibabaw ko?" sarkastikong wika ng lalaki na hindi man iniinda ang mga ginawa niya. "Hoy, ang bata-bata mo pa ang wild mo na ha?"

Sa halip humingi ng tawad ay sinuntok pa ni Shacyne sa dibdib ang lalaki bago umalis sa tiyan nito an kinauupuan niya. Tumayo siya at pinagpagan ang narumihang damit na para bang walang nangyari.

"Fuck. Masyado ka namang mapanakit." reklamo ng lalaki na bahagyang napangiwi nang tumayo ito. "Ano bang problema mo? Tinatanong ka lang, nanakit ka na. Ano bang ginagawa mo rito? Matagal ng walang nakatira rito at kung interesado ka naman, pasensya na bata pero kami ang bibili ng bahay na 'to."

CIEATHحيث تعيش القصص. اكتشف الآن