Chapter 30: Bottom

6K 263 53
                                    

"Pinagpalit mo na ako agad?" malungkot na tanong niya.

Tumango ako.

"Ikaw nga ang mabilis nakapagpalit? babae pa, ano pang ginagawa mo pa dito?"

Napasinghal naman siya.

"Pinapaselos lang kita, effective pala." ngumisi siya.

"Hoy, hindi ako nagseselos, kahit pa yan gumawa kayo nung babae ng kababalaghan, wala na akong pakealam!"

"Wala namang nangyari samin tulad ng iniisip mo."

"Umalis ka na nga! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo kahit kailan!" pangtataboy ko sakanya.

Tumango naman siya ng dahan-dahan, tumalikod at lumayo na sakin.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Niccolo na may dalang malalaking bayabas.

"Ayoko." sabi ko kay Niccolo nang pinapaahon niya ako sa tubig upang kumain ng bayabas.

Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata na umahon na si Tyrone at lumapit doon sa matandang lalake na nagbubuhat ng kahoy na pangsiga. Binuhat na ni Tyrone yung mga kahoy at tinatanong ang matanda kung saan dadalhin.

"Ang gentleman niya ah." sabi ni Niccolo. Lumapit na siya sakin nang matapos ng kumain.

"Bet mo?" tanong ko.

"Di ko siya bet, dahil may iba akong bet."

Nakatanaw lang ako kay Tyrone hanggang mawala na siya sa paningin ko. Parang pinipiga naman ang puso ko dahil yata sa mga sinabi ko sakanya. Tama naman ang ginawa kong pangtataboy sakanya pero bakit ang sakit?


Gabi nang nandito na ako sa bahay ni lola. Natutulala ako minsan.

"Malapit na ang birthday mo, anong gusto mong ihanda natin?" tanong ni Lola habang kumakain kami.

"Kahit ano La," walang gana kong sagot.

"Nagdadalawang-isip pa ang mama mo kung pupunta sila rito sa birthday mo." aniya.

Naisip ko naman, kung pumunta nga sila rito ay makikita nila si Tyrone.

Mga alas-nuwebe nang makatanggap ako ng text ni Niccolo na inaanyayahan nila ako sa inuman. Dahil sa naboboring ako ay pumayag naman ako at nagpaalam kay Lola.

Sa bahay ng isa sa kateammate ko na si Rex ang inuman.

"Oh, ayan na pala si Dwayne." si Niccolo at pinapasok na ako.

Parang napatalon naman ako sa gulat. Nagtama ang aming mga mata ni Tyrone.

Anong ginagawa niya dito?

Tumabi ako kay Niccolo at inakbayan niya ako.

"Dwayne, si Tyrone nga pala, kaibigan ko." pakilala ni Rex kay Tyrone. Tumango naman ako.

"Naalala mo siya? Yung nakasabay natin kanina magswimming sa ilog?" mahinang tanong sakin ni Niccolo. Tumango lang ako.

Sa ilang minuto ay hindi ako tumitingin kay Tyrone, pero ramdam ko ang titig niya, samin ni Niccolo. Nakakailang shot narin ako ng alak. Tahimik lang ako habang sila ay nagkakatuwaan sa kinukuwento ni Rex, hanggang mapunta ang usapan nila kay Tyrone.

"Nagbabakasyon ka lang ba rito? O dito ka na for good?" tanong sakanya ni Carla. Napasulyap na ako kay Tyrone, katabi niya nga pala si Carla na nakakawit sa braso niya.

Nagkibit-balikat naman si Tyrone. "Hindi ko alam kung dito na ako mamamalagi."

"Bakit di ka sure?" tanong naman ni Mina na malagkit ang tingin kay Tyrone.

"May.. sinusundan kase ako dito?"

"Sino?"

"Yung ex ko."

Para yatang nahihirapan na akong huminga dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Ay, di ka pa nakakamove-on?"

"Hindi pa eh." si Tyrone at pasimpleng sulyap sakin. Umiwas ako ng tingin at uminom nalang ng isang shot.

"Ay, wala pala akong pag asa. Sayang naman.." malumbay na sabi ni Carla, at nagtawanan naman ang iba.

"Nahopia ka noh! Haha!" tukso sakanya ni Niccolo.

"Sino? Baka kilala namin."

Muntik pa akong masamid sa iniinom ko ng tubig.

Wag mo akong ituturo, kundi patay ka sakin.

"Ah, eh baka lalo siyang magalit sakin, kaya secret nalang."

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Habang tumatagal ay parang nararamdaman ko ng nalalasing ako kaya sumingit ako sa usapan nila na aalis na ako.

"Hatid na kita." Tumayo agad si Niccolo.

Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila nang hindi tinitingnan si Tyrone.

"Wag mo na akong ihatid." sabi ko kay Niccolo nang makalabas na kami sa bahay ni Rex.

"Tss! Hatid na kita." Inakbayan niya ako.

Nang makalabas na sa gate ay natanaw ko si Tyrone na na nasa pinto. Mariin ang titig samin. Inirapan ko siya at sumabay na kay Niccolo sa paglalakad.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako ng bahay, at nagpasalamat kay Niccolo sa paghatid sakin.




Kinabukasan ng hapon nagkayayaan na maglaro ng volleyball. Pumayag naman ako. Namiss ko kaya maglaro ng volleyball. Nakita ko naman agad sila sa gilid ng court na hinihintay na matapos ang laro ng basketball.

"Hoy! Kami naman, kanina pa kayo." si Mina na halatang naiinip na.

Napasecond look naman ako sa isang lalake na naglalaro. Kung saan-saan talaga 'to sumusulpot. Topless siya, kaya naman parang naglalaway na si Carla.

"Parang si Tyrone lang ang pinakamagaling sainyo oh." pang aasar ni Carla sa mga kalalakihan na naglalaro.

Nagtama naman ang mga mata namin ni Tyrone habang nagdidribol siya, naliligo na siya ng pawis niya, at tinapon niya na ang bola sa ring. Shoot.

Napahiyaw naman ang dalawa na si Mina at Carla.

"Ang galing naman ni Papa Tyrone."

Napairap nalang ako at umupo sa bench sa tabi ni Niccolo.

Natapos naman ang laro at panalo ang grupo ni Tyrone.

Nag ayos naman sila Rex ng net at nagsimula na din kaming maglaro.

Parang naconscious naman ako habang naglalaro. Kita ko kase sa gilid ng aking mga mata na nakatitig sakin si Tyrone. Natapos din naman ang laro na kami ang panalo, si Niccolo ang bumuhat sa team namin. Laro-laro lang naman, walang pustahan.

Huminto na ako sa paglaro dahil pagod na ako, itong sina Niccolo, parang walang kapaguran, naglalaro na naman. 

Umupo ako sa bench habang nagpupunas ng pawis gamit ang towel.

"Anong ginawa niyo kagabi huh?" Napatalon ako sa gulat nang umupo sa tabi ko si Tyrone. Nakasuot na siya ng damit pang itaas.

"Huh?"

"Nung hinatid ka ni Niccolo, may nangyari ba?" tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi makapagsalita.

"Siya ba 'yung pinalit mo sakin?" tanong niya na naman. Samantalang ako, parang walang maisagot.

"Mas daks ba siya kaysa sakin?"

"Tsk!" Inirapan ko siya.

Sana.

"Kahit ikaw na ang maging top satin, basta bumalik ka lang sakin." aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Magpapa-bottom ang gago.



***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now