Chapter 16: Body

7.5K 289 91
                                    

Para akong lumulutang sa ere sa mga sinabi ni Tyrone.

Fvck!

Sinabi niya bang gusto niya ako?

"Dwayne, kanina ka pa namin hinahanap, akala ko pa naman nakahanap ka na ng chics at dinala sa hotel." rinig kong sabi ni Ken.

Parang nagising na ang diwa ko sa pagkatulala.

Inakbayan ako ni Eros at Jiro sa magkabilang balikat.

"Ba't kayo magkasama?" bulong ni Jiro.

Hindi ko naman alam ang sasagutin ko.

Nabaling ang tingin ko kay Ken na parang nakikipag angasan kay Tyrone. Si Tyrone naman, nakatingin sa gilid. Hinigit na nila ako at muli akong lumingon kay Tyrone na nakatingin na samin.

Malakas parin ang kabog ng dibdib ko. Para parin akong lumulutang nang pauwi na kami sakay sa kotse ni Jiro.

Habang nakahiga na sa kama, paulit-ulit na nagfaflashback ang mga nangyari. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang natutuwa pa ako. Napangiti pa ako ng wala sa sarili. Iba na 'to. Nainlove na yata ako sa kapwa ko lalake, ugh!




Sa sumunod na araw, wala pang pasok ay inanyayaan ako ng mga tropa ko na mag gym kami. Parang tumaba daw sila this holiday season sa dami nilang nakain.

Wearing my usual gym outfit na jersey shirt, short and rubber shoes ay nagdrive na ako gamit ang motor ng mga alas singko ng umaga sa napag usapan namin na gym. Madalas din naman namin 'tong pinupuntahan para mag workout. Ito'y malapit lang sa school.

May nag pop up naman na message sa messenger ko nang papasok na ako sa gym.

Tyrone Enriquez: San ka pupunta?

Kumalabog ang puso ko. Luminga-linga ako sa paligid.

Sa gym. -reply ko.

Tyrone Enriquez: Nasa gym ako, natanaw lang kita

Luminga ako, may mga gym din akong nakikita sa paligid.

Ok. -reply ko.

Pumasok na ako ng gym at nakita agad sina Eros, Jiro at Ken na nagwowork out na.

"Ang tagal mo naman bro." sabi ni Eros na nag t-threadmill. Si Ken naman ay nagbubuhat ng maliit na dumb bell ganun din si Jiro.

Binaba ko na ang duffle bag ko, saka ko naalala na baka sumunod dito si Kendra, nagtext pala 'yun kagabi na gusto niyang mag workout, sabi ko na mag g-gym kami, nagtanong siya kung saan at binigay ko naman ang pangalan nitong gym.

Nagsimula na ako sa pagwork out. Nag streach muna ako para hindi mabigla ang katawan ko. Bigla namang dumating si Kendra, nakatanktop na suot at leggings at sapatos.

Nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko sa sumunod na pumasok na si Tyrone. Nakasando siya na white, black short at rubber shoes.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Ken.

"Edi, mag g-gym." sagot ni Jiro.

Umirap si Kendra kay Tyrone at lumapit sakin matapos niyang makausap ang gym instructor.

"Nakakainis naman! Talagang sinusundan niya ako." inis na sabi ni Kendra.

Napangisi nalang ako. Sino ba talaga ang sinusundan niya?

Kinausap din ni Tyrone ang gym instructor at pagkatapos ay nilapag niya na ang duffle bag niya sa tamang lalagyan. Bigla akong napaiwas nang tiningnan niya ako habang nag i-streach ako. Parang hindi na ako mapakali. Hindi nagtagal ay nag threadmill na kami ni Kendra. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na nagpupull-up na siya. Tagaktak na agad ang pawis niya.

Ang sunod na ginawa namin ay bicycle. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nagbubuhat na siya ng dumb bell. Mariin ang labi niya habang binubuhat ng isang kamay niya ang katamtamang laki ng isang dumb bell.

"Uy, nakikinig ka ba?" tanong sakin ni Kendra.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Ang sabi ko, patingin kung may abs ka." aniya at bigla nalang niyang tinaas ang damit ko.

"May konting abs, infairness." aniya.

Lumipat na kami sa iba't-iba pang gym equipments.

Panay naman ang kwento ni Kendra habang nagbubuhat ako ng katamtamang laki ng dumb bell. Tumaas ang kilay ko nang makita si Tyrone na naghubad ng damit. Aba! Lumitaw na ang abs niya, kung dati hindi pa masyadong visible, ngayon kita na. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Tsk! Pangit ng katawan." rinig kong singhal ni Ken.

"Infairness, naman sa kanya." sabi ni Kendra.

Ang ginawa ni Tyrone ay ang deadlift. Hindi ko namalayang pinapanood ko na pala siya. Buong pwersa niyang inangat ang barbell. Nagflex ang mga muscles niya sa likod at braso. Nakita ko ang pagngisi niya sakin sa repleksyon ng salamin. Umiwas naman agad ako ng tingin at inabala ang ginagawa ko.

Matapos ang isang oras ay natapos na din kami sa mga workouts, syempre iniskip ko yung mga heavy gym equipment. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mag exercise. Habang nagpupunas ng pawis ay kinuha sakin ni Kendra ang tuwalyang ginagamit ko at pinunasan ang pawis sa likod ko.

"Sana all!" sigaw ni Eros at nagtawanan sila.

"Dapat pala, nagdala din ako ng chics." sabi naman ni Ken.

Umirap na lang ako sa kanila at natanaw ko si Tyrone na kalalabas lang ng cr. Laglag ang panga kong pinagmasdan ang bawat kilos niya, nagpupunas ng buhok gamit ang isang kamay at pagkatapos ay nagbihis ng t-shirt. Uminom siya sa tumbler niya, nakita ko ang pag alon ng adam apple niya.

Isang sulyap ni Tyrone sakin bago lumabas ng gym.

Muli kong naalala ang sinabi niya nung New year's eve. Gusto niya ba talaga ako? O pinagtitripan niya lang ako? Medyo lasing din siya ng mga oras na 'yun eh.

Tumunog ang messenger ko sa duffle bag ko at binasa ang bagong mensahe.

Tyrone Enriquez: Parang pinagnasaan mo ang katawan ko kanina ah.

Bigla ko namang tinago ang cellphone ko dahil biglang umupo sa tabi ko si Kendra.

Uminit ang pisngi ko sa mensahe ni Tyrone.

Tumunog ulit ang phone ko, at mabilis na binasa ang message.

Tyrone Enriquez: Sayo ko lang ipapatikim ang katawan ko, kaya don't worry.

Mabilis kong ibinulsa ang cellphone. Uminit na ang buong sistema ko.

"Ba't namumula ang mukha mo?" puna sakin ni Kendra.

"Huh? Talaga?" takang sabi ko at tumango siya.

"May gusto kase 'yan sayo, kaya nagba-blush, haha!" tawa ng gagong si Ken. Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko. Lakas talaga mangtrip ng isang 'to.

"Ikaw nga dyan, may crush kang bakla eh." bwelta ko, at nagtawanan naman kaming lahat.

"Anong bakla pinagsasabi mo!?" Ayan, pikon na ang gago.

"Joke lang." natatawang sabi ko.

"You like me? Then I like you too," sabi ni Kendra sa mahinang boses.

***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now