Chapter 4: Wet

9.9K 352 36
                                    

"What did you do to him?"

Nagulat nalang ako nang bigla akong sinalubong ng galit na galit na si Talia kinabukasan sa may pathway sa loob ng university. Hila-hila niya si Tyrone. Nagsitinginan tuloy samin ang mga dumadaang estudyante.

"Ha? Wala." tanggi ko at tinignan si Tyrone na may pasa sa labi. Hinihigit niya naman si Talia paalis.

"Anong kaguluhan 'to." rinig kong boses ni Ken na paparating na.

"Kakasuhan ko kayong lahat ng physical injury." sigaw ni Talia.

Tsk! Nakakahiya na. Marami ng estudyante ang nakikiusyoso samin.

"Aba! Nagsumbong pala ang bading." kantyaw ni Ken.

"Anong sabi mo?" Susugod sana si Tyrone pero pinigilan siya ni Talia.

"Siguro kailangan mo ng malaman ang totoo, total nandyan naman na si Talia."

Binuksan ni Jiro ang cellphone niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" nagugulahang sabi ni Talia.

"Ayan." biglang hinarap ni Jiro kay Tyrone ang screen ng cellphone niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang video. 'Yun yung time na nakita namin si Talia sa isang bar. Kinuhanan pala ni Jiro ng video si Talia na nakikipaghalikan sa isang lalake.

"Kitams." si Ken.

"No, hindi 'yan totoo." sabay lingon niya kay Tyrone. Si Tyrone naman, umigting ang panga sa napanood.

"Matagal na 'yan, please maniwala ka sakin." pagmamakaawa ni Talia.

"May date yan kung kailan nangyari oh." tinuro pa ni Ken ang cellphone na hawak ni Jiro.

Tinanggal ni Tyrone ang kamay ni Talia sa braso niya at tinalikuran na kami.

"Kayong lahat!." dinuro kami ni Talia. "Hindi pa tayo tapos!" nangangalaiti niyang sabi at tinalikuran na kami at hinabol si Tyrone.

Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko.

"What the fuck bro! Navideohan mo pala." sabi ni Eros kay Jiro.

"Pre, nakapaghiganti ka na." masayang sabi ni Ken sabay akbay sakin.

"Baka magkabati pa 'yun." sabi ko.

"Tsk! Malabo." nakangising sabi ni Ken.




Sa mga sumunod na araw, napansin ko nga na hindi na magkasama si Talia at si Tyrone. Mukhang break na nga. Nakakasalubong ko minsan si Tyrone na walang ekspresyon.

Ngayon alam niya na ang pakiramdam na lokohin.

Sa sumunod pang araw, hindi ko na nakita pa si Talia, ang usap-usapan ng mga classmate kong chismosa, buntis daw. Kwento kase ng kaibigan ni Talia na nagpaalam na raw itong magda-drop out na.

Dumating na ang araw ng engagement party ng kapatid ko. Nakasuot kami ng formal dress. Ako at si papa ay naka-itim na tuxedo at ang mga kapatid ko ay nakagown. Pumasok na kami sa mala-mansyong bahay ng pamilya ni Calvin. Doon sa malawak na garden nila ang venue. Sa gilid ay may malaking swimming pool. Marami-rami na ang tao sa pagkarating namin.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang pormal na engagement party.

Heto ako, parang naboboring. I-invite ko sana ang mga kaibigan ko kaso wag na, nandito pala si Tyrone. Speaking of the devil.. nasaan siya?

Luminga-linga ako.

"Sino hinahanap mo kuya?" tanong ng kapatid kong si Claire.

"Baka kase may kakilala ako." palusot ko.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now