Chapter 19: Pink

6.6K 276 49
                                    

•Credits to the rightful owner of the video at the multimedia.



***



"A-anong sabi mo?"

Pumiglas ako sa pagkakaakbay niya.

"Tayo na," aniya.

"Anong tayo na? Agad-agad?"

Pumamulsa siya at tinitigan ako. "Anong gusto mo, ligawan pa kita?"

Napaiwas naman ako sa titig niya, hindi ko alam ang sasabihin. Nauubusan na naman ako ng mga salita.

"Bigyan kita ng bulaklak at chocolates?" nanunuyang tanong niya.

"Hindi na uso 'yun." aniya pa.

"Ang sabihin mo, hindi ka lang marunong manligaw." nakangising sabi ko at tinalikuran na siya.

Hinigit niya naman ang kamay ko. Nagulat ako nang nilapit niya ang kanyang mukha sakin at akmang hahalikan. Tinampal ko agad ang mukha niya. Napatingin ako sa paligid. Buti nalang walang nakatingin samin.

"Tayo na kasi, dito lang naman tutungo ito eh." aniya.

Lumilinga parin ako sa paligid. Naku po! Baka may makarinig.

Binalik ko ang tingin sa kanya. Tumaas ang mga kilay niya, nag aantay ng sagot ko. Kumabog ang dibdib ko. Bumuka ang bibig ko pero walang salita ang lumalabas. Tinikom ko ang bibig ko at napakamot na lang sa batok.

"Dwayne!" rinig kong sigaw ni Ken upang mapatalon ako sa gulat.

Magkabilang inakbayan ako ni Ken at Eros.

"Nandito ka lang pala, tara, punta na tayo ng bar." si Jiro.

Napatingin ako kay Tyrone na nakatingin sa gilid, imiiwas ng tingin kina Ken.

Tumango na lang ako at nagpatianod sa kanilang lumakad sa campus.

Tulala naman ako nang nasa bar na kami. Ang iingay nina Jiro, samantalang ang tahimik ko naman. Iniisip si Tyrone. Ugh! Nababaliw na ako kaiisip sa nangyari kanina. Siguro, kung hindi umepal 'tong mga kaibigan ko..

Nahagip ng paningin ko si Tyrone na nasa bar counter. Sabi na nga ba na susulpot siya dito. Uminom siya ng alak sa baso at pagkatapos ay nilingon ako sabay kindat. Lumakas na naman ang pintig nitong puso ko. Napaiwas naman ako ng tingin sakanya.

"Pre, ano, kayo na ba ni Kendra?" tanong ni Jiro.

Umiling naman ako.

"Ang hihina niyong mga nilalang, pareho kayo ni Eros." pang aasar ni Ken at tinampal naman siya ni Eros.

"Bakit, totoo naman ah, natotorpe ka lang kay Shan cai." angal ni Ken.

"Yuck! Di ko yun gusto." giit ni Eros.

Hindi naman kami tumagal sa bar, mga bandang alas-syete ay lumabas na kami.

Nauna na silang umalis at naiwan naman ako. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Tyrone. Kabisado ko na ang pabango niya.

"Tara, sa condo ko." anyaya niya.

Nanlaki ang mga mata ko at inalis ko ang mabigat niyang braso na nakaakbay sakin.

"Uy, alam ko ang nasa isip mo, wala akong gagawing masama sayo, unless ikaw ang may gagawing masama sakin." panunuya niya.

Inirapan ko nalang siya.

"Lika na, punta tayo sa rooftop ng condo." pilit na paanyaya niya.

"Anong gagawin natin dun?" tanong ko.

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon