Chapter 17: Proof

7K 289 37
                                    

Nakaka flattered naman, dalawang tao ang umamin na gusto ako. Pero sino nga ba ang mas nangingibabaw?

Tumaas ang kilay ko at hindi ko na napigilang mapangiti nang pinusuan ni Tyrone ang dp ko sa facebook, na samantalang last month ko pa ito nai-update. Nanlaki ang mga mata ko dahil may friend request pa siya sakin. Syempre, inaccept ko na.

Nang muling pasukan ng eskwela ay hindi ako makatingin kay Tyrone sa tuwing nakakasalubong ko siya, samantalang siya, panay ang tingin sakin.

Bigla nalang may kamay na pumulupot sa braso ko.

"Saan ang punta niyo guys?" tanong ni Kendra samin habang naglalakad kami nila Eros sa corridor, uwian na ng hapon pero gusto nilang maglaro ng basketball.

"Sa gymnasium." sagot ko.

Sumama siya samin. Pumunta na agad kami ng court at naglaro.

Nakita ko naman si Tyrone na nakaupo sa bench kasama ang mga barkada niya sa basketball. May hawak siyang gitara at nagsimula ng magstrum.

"Yeah, when my world is falling apart, when there's no light to break up the dark, that's when I, I.. I look at you..."

Nakatingin siya sakin habang kumakanta. Parang nag slomo ang paligid habang tinitingnan ko siya. Nagulat nalang ako nang may nagpasa pala sakin ng bola.

Aray!

Natamaan ako sa ulo.

"Sorry," sabi ni Eros at dinaluhan nila ako.

Dinaluhan din ako ni Kendra.

"Are you okay?" alalang tanong niya.

Umupo muna ako sa bench na sapo ko ang ulo ko. Ang sakit. Parang pinukpok ng martilyo.

"Okay na ako." sabi ko kay Kendra

Nagpatuloy sa paglaro sila Eros, ako naman ay naupo na lang kasama si Kendra. Tumunog naman ang messenger ko na nasa bag ko. Kinuha ko at binasa ang mensahe.

Tyrone Enriquez: Ayos ka lang ba?

Sinulyapan ko si Tyrone na nakatingin sa cellphone niya.

Me: ok na ako

"Sino 'yang kachat mo?" tanong ni Kendra sabay tingin sa phone, bigla ko namang ipinasok sa bag.

"Ahh, sa gc." palusot ko.



Sa sumunod na araw ay may party pala kaming dadaluhan. Birthday ng mama ni Tyrone. Gaganapin ito ng gabi sa hall ng isang hotel.

I'm wearing black tux, slacks and leather shoes.

Sinalubong kami ng Enriquez family sa pagpasok namin ng venue. Kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Tyrone. Nakasuot siya ng white tuxedo na mas lalong nagpagwapo sakanya  Tumango siya sakin bilang pagbati. Patuloy ang pagkalabog ng puso ko. Ganito na lang lagi ang epekto niya sakin.

"Hi, kuya Tyrone.." nakangiting bati ni Claire.

Marami-rami ang panauhin. Karamihan ay mga negosyante. Iginiya nila kami sa rounded table kung saan din sila. Magkatabi si Tyrone at Claire, ako naman ang katabi ko ay si Mama at ate Hannah. Si Claire ay panay ang kwento kay Tyrone, nagbubulungan sila. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng bunso kong kapatid?

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang party. At pagkatapos ay dinner time na.

As usual, tungkol sa negosyo ang pinag usapan pero kalaunan, parang bigla akong na-awkward nang pag usapan nila ang love life ng bawat isa samin. Una, tungkol kay kuya Calvin at kay Ate Jessica sa kanilang buhay mag asawa.

"Itong si Tyrone, meron itong nililigawan eh kaso parang  nabasted nanaman." natatawang sabi ng daddy nito.

"Heto ring lalake namin, wala pa siyang pinapakilala samin na babae matapos yung break-up nila nung--" pinutol ko ang sasabihin din ni Mama.

"Ma!" Inirapan ko nalang siya. Nagtawanan sila.

Nagkatinginan kami ni Tyrone, heto na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.

"Meron akong bagong nililigawan ngayon," biglang sabi ni Tyrone.

Uminom ako ng tubig. Para akong na-tense.

"Hmm, dapat ay dinala mo siya rito." sabi ng mama niya.

"Actually, nandito lang siya." ngising sabi ni Tyrone.

Parang dumoble ata ang kabog ng dibdib ko.

"Really son? Where is she?" gulat na tanong sa kanya ng mama niya habang lumilinga na sa paligid.

"Secret." pilyong ngiti ni Tyrone. Pinandilatan nalang siya ng mama niya.

Napatingin ako kay Claire na mukhang kinikilig.

Assuming...

"Wag mo namang madaliin ang anak natin na magkanobya, darating ang oras na makikilala natin ang babaeng magpapabago sa kanya." sabat ng daddy ni Tyrone. Pero pansin kong ang mga mata nila ay pasimpleng tumitingin kay Claire.

"Excuse." sabi ko at tumayo na papuntang cr.

Humugot ako ng malalim na hininga. Parang nahirapan akong makahinga doon. At nang makapasok na sa cr, ay tinignan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Namumula ang tenga ko.

Nagulat ako nang sumulpot bigla si Tyrone.

"You look tense." aniya.

Natameme naman ako.

"Ang cute mo." aniya sabay pisil sa pisngi ko. Tinabig ko naman agad ang kamay niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, walang tao.

"Itigil natin ang kahibangan na 'to." sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi ako nahihibang, ito yung nararamdaman ko eh," sagot niya.

"Gusto talaga kita, gusto mo ng proof?" nakangiting tanong niya.

Parang may mga kabayo sa dibdib ko ang nagkakarera sa mga sinasabi niya.

Paano niya nagagawa na relax lang? Parang hindi big deal sa kanya ah. Samantalang ako, tensyunado sa lahat, lalo na sa nararamdaman.

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumapit ang mukha niya sakin at sa isang iglap ay magkalapat na ang mga labi namin.

Hinila niya ako sa isang cubicle at doon hinalikan ng todo. Gusto ko mang hihinto ito pero parang nalulunod na ako sa halik niya. Habol ko ang hininga ko dahil ayaw niyang tumigil sa paghalik. Ang labi niyang malambot ay parang nang aakit na tumugon din ako, at namalayan ko na lang na hinahalikan ko na siya pabalik. Abala ang isang kamay niya sa pagpisil sa dibdib ko. Nakikiliti ako.

Napadaing ako sa pagkagat niya sa labi ko, na parang gigil.

"Sorry," he chuckled.

Inayos niya ang kanyang damit at ganun din ako na nagusot.

"Hindi pa dito natatapos." aniya.

Siya ang unang lumabas. Ako naman ay naiwan dito sa loob ng cubicle. Dinama ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nag iinit ang mukha ko.

Nang makabalik ako sa table ay nagkukwentuhan sila. Tiningnan ko si Tyrone na kinakausap ni Claire. Sinulyapan niya ako ng konti at nagpatuloy na sa pagkwentuhan nila.


***

My Beautiful Rival (BxB)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang