Chapter 8: Sand

8K 326 19
                                    

Kinalas niya naman agad ang labi niya sakin at nilagay niya ulit ang hintuturo sa bibig niya.

"Shhh..."

"Tyrone!!" rinig kong sigaw ni Claire.

Natulala nalang ako sakanya.

Hinalikan niya ako? O guni-guni ko lang?

Pero...

What the fuck men!

Hinalikan niya ako! Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Pinagpawisan pa ako.

Lumingon si Tyrone sa gilid niya para tingnan kung nasaan na si Claire.

"Wala na." aniya.

Kung makaasta siya parang wala siyang ginawang kababalaghan ah.

Tumayo na siya at nagpagpag. Nilahad niya naman ang kamay niya sakin.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo akong mag isa.

Nakaka-awkward tuloy habang naglalakad na kami.

Parang wala lang talaga sakanya ang nangyari. Parang ako lang ang nakakaramdam ng ilang.

Namalayan ko nalang na lumapit kami sa dalawang lalakeng nagpo-poi dance dito sa dalampasigan. May kasama pang music background na Spanish.

Namangha naman ako. Parang sanay na sanay na sila sa paglalaro ng apoy. Para bang di sila napapaso.

Napalingon ako kay Tyrone nang magbanggaan ang mga braso namin. Nakapamulsa siya habang nanonood. Inirapan ko siya at lumayo sakanya. Ako lang talaga yata ang naapektuhan at nailang.

Bale nasa malayong harap niya na ako. Pinapagitnaan namin ang nagsasayaw na apoy. Nagfocus nalang ako sa magaling na nagpo-poi dance.

Napasulyap naman ako kay Tyrone na sakin na pala nakatingin. Sa mga mata niya nagrereflect ang apoy, para bang nag aalab ito habang tinitignan ako. Napaiwas nalang ako ng tingin. Nawi-wierduhan na talaga ako sakanya.

Muli ko siya tiningnan at sumenyas ako na aalis na. Tumango naman siya.

"Kuya, nakita mo ba si Tyrone?" tanong sakin ni Claire nang pumasok ako ng hotel room.

Umiling nalang ako at nahiga na sa kama. Nasapo ko ang noo ko. Kase naman, paulit-ulit nagsisink in sa utak ko ang halikan namin ng lalakeng 'yun. Kung nababasa lang ang utak ko ng kapatid kong si Claire, malamang nandidiri na siya.

Arrgh! Parang ang gulo ng utak ko.


Umaga nang nagising akong wala ang mga kapatid ko, baka nasa dagat na sila. Kumain muna ako ng breakfast na nakahanda dito sa room at lumabas na ng hotel. Palinga-linga naman ako kung nasaan na ang pamilya ko. At natanaw ko na ang mga kapatid kong enjoy na enjoy sumakay ng banana boat. Umupo muna ako sa sun lounger. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagselfie. Mamaya, ipopost ko 'to sa Instagram.

Nang matapos sa pag selfie ay nahiga na ako dito sa sun lounger. Inunan ko ang dalawa kong kamay ko at nilibang ang sarili sa tanawin.

Dumako ang mga mata ko sa paahon ng si Tyrone. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang buhok at winasiwas ang tubig doon. Parang nag-slomo siya sa paningin ko habang naglalakad na. Napatingin ako sa magandang katawan niya. At naisipang ikumpara ang katawan niya sa katawan ko. Mas malaki ang pangangatawan niya. Basketball player naman kase eh. Babad sa pagpapractice at sa gym.

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi at naisip na trip niya lang yung halikan ako. Wala nga sakanya eh, parang hindi big deal. Samantalang ako...

Di ko namalayang nakalapit na pala siya sakin. Umupo siya sa sun lounger sa tabi ko.

"Di ka pa ba magsi-swimming?" tanong niya.

"Mamaya na." sagot ko.

Humiga rin siya at ginaya ang posisyon ko. May dalawang babae naman ang napadaan sa harap namin na nakabini. Lumingon sila samin at kumaway. Ngumiti naman ako ng tipid.

"Hi boys!"

Lumapit naman samin ang dalawang babae.

"Hi, I'm Stacy." pakilala niya.

Bumangon ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.

"Dwayne." pakilala ko.

Lumingon ako kay Tyrone na tinanggap rin ang kamay ng babaeng lumapit sakanya at nagpakilala.

"But.. sorry, I'm taken." sabi ni Tyrone nang niyayaya siyang magswimming. Dismayadong tumango ang babae.

Ako naman, ano kaya ang sasabihin ko dito sa babae? Petite ang katawan niya, maganda rin siya.

"Can you join us to swim." alok sakin ng Stacey ang pangalan.

Wala ako sa sariling tumango at pinahawak muna ang cellphone ko kay Tyrone.

Nagpatianod nalang ako sa babae. Higit niya na ang kamay ko papuntang dagat.

"Ay, si Kuya, lumalandi." rinig kong sabi ni Claire sa malayo na nagkakayaking habang nakatanaw sakin.

"Taga saan ka?" tanong ni Stacy.

"Maynila." sagot ko.

"Ang layo mo pala, kami taga Cebu." aniya.

Napatingin naman ako sa kasama niyang babae.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo, ako si Vina." pakilala niya.

"Dwayne." pakilala ko.

"Friend mo ba 'yung si Tyrone?" tanong niya.

"Ah, medyo lang." sagot ko.

"Sayang, bet ko pa naman siya, taken na pala." aniya.

Taken? Baka palusot niya lang. Hiwalay na sila ni Talia eh. Natanaw ko naman si Tyrone na nag sa-sun bathing.

Di nagtagal ay nagpaalam na silang dalawa sakin dahil baka hinahanap na sila ng mga kaibigan din nila.

"See yah later." paalam ni Stacey.

Namalayan ko nalang na lumapit na pala sakin si Tyrone sabay bigay ng cellphone ko at inutusan akong tabunan siya ng buhangin. Tumango nalang ako. Humiga na siya at tinabunan ko na ang katawan niya ng buhangin. Hanggang sa ulo niya nalang ang hindi na natatabunan ng buhangin. Nakapikit siya.

Pinaglaruan ko naman siya. Naglagay ako ng buhangin sa gitna ng katawan niya. Nagform ako ng patayong buhangin.

"Hahaha!" Natawa ako at pinicturan siya.

Minulat niya ang ang kanyang mga mata at kumunot ang noo.

Tawa parin ako ng tawa.

Umiling naman siya at parang natatawa narin sa trip ko.

Kumuha pa ako ng buhangin hanggang sa tumaas na ito ng tumaas.

"Iba din ang trip mo ah." aniya.

"What did you do to him Kuya?" tanong ni Claire na lumapit na pala samin.

"Oh my god! My virgin eyes." sabay takip niya ng kanyang mga mata.

"Ang bastos mo Kuya, isusumbong kita." aniya pa. Patakip-takip pa ng mata pero sumisilip din naman.

"Umalis ka na nga, mag kayaking ka nalang doon." sita ko sakanya.

"You need help, Tyrone." tanong niya at umiling naman si Tyrone.

"See, umalis ka na, ginusto niya naman 'to." sabi ko at padabog nga siyang umalis papuntang tubig.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang nagiba ang ginawa kong pahabang buhangin below his abdomen.

Tumawa lang siya.

***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now