Chapter 21: Park

6.1K 241 19
                                    

Nung bata ako ay lagi akong naglalaro ng tagu-taguan, mahina ako sa larong 'to, mabilis akong nakikita ng taya. Pero ngayon, parang magaling na ako sa larong tagu-taguan. Isang buwan ang nakalipas na may relasyon kami ni Tyrone at walang makahuli samin. Wala manlang nakakahalata.

Minsan, pumupunta ako sa condo ni Tyrone para mag-movie marathon kami. Isang gabi, nanood kami ng bl series ng Thailand. Relate na relate kami sa pinapanuod. Iniimagine ko na kaming dalawa ang bida. Nanlumo ako sa katapusan ng kwento. Hindi nagkatuluyan ang dalawang bida. Ang ending kase, 'yung straight ay may anak na pala, so ayun, nagparaya ang isa. Ayaw niya maging hadlang sa pagiging ama nito sa kanyang anak.

Fiction lang naman siya pero parang ang sakit. Parang totoo. Parang nakikita ko na ang reyalidad na walang forever sa mga ganitong relasyon.

Isang araw, nadatnan ko si Tyrone sa condo niya na nakatapis lang ng tuwalya, katatapos lang maligo. Mukhang tinamaan na naman 'to ng libog, kase naman.. Napalunok ako nang makita ang umbok ng pagkalalaki niya. Kinindatan ako at nginuso ang kanyang baba. Muntik ko pang mabitawan ang dala kong mcfloat.

"Ah, k-kailangan ko na palang umalis, may gagawin pa ako." sabi ko sabay turo sa pinto at nilapag ang dala sa table.

"Wag kang umalis, pagbigyan mo ako ngayon."

"Ewan ko sayo, ang libog mo!" pilit na ngiting sabi ko. Sa pagtalikod ko ay hinigit niya ako at tinulak sa kama. Buti nalang malambot ang kama, kung hindi nabalian na sana ako ng buto.

"Ano ba, may gagawin pa ako eh."

Nakangiting-aso siyang pumaibabaw sakin. Parang nag init naman ang buong sistema ko nang tinanggal niya na ang tuwalyang nakatapis sakanya. Napalunok ako nang makita ang junior niyang nangangalit.

Sige na nga, at pagbigyan na ang lalaking ito nang makaraos na ng libog.

Dinampi niya na ang labi niya sakin. Tumugon naman ako sa nakakalasing niyang halik. Tumigil siya sa paghalik at humiga sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko at dinala sa junior niya. Napaungol naman siya nang mahawakan ko ito. Bumangon naman ako at pinaglaruan na ang kanyang pagkakalaki. Kita ko sa gwapong mukha niya na nasasarapan siya sa ginagawa kong pagtaas-baba ng kamay kong sinasakal ang kanya. Ang dalawang kamay niya ay nakaunan sa kanyang ulo. Habang tumatagal ay palakas na ng palakas ang ungol niya hanggang sa nilabasan na siya.



It's Valentines day, nang pinagtripan ako ng barkada. Hindi lang ako pati rin si Eros. Tinext nila si Kendra na makipagdate sakin, inakala nun na ako ang nagtext, na nahihiya lang akong makipagdate sa kanya. Ganun din kay Eros.

Napailing nalang ako. Nagtatawan sila Jiro at ang may pinaka may pakana ay si Ken. Mga gago talaga ang mga 'to.

Syempre, ano pa nga ba? Alangan naman indianin ko si Kendra. Haist!

Dumaan sa harap namin ang batalyon ng mga kalalakihan kasama si Tyrone. Nagtinginan kami ng palihim. Mukhang nababasa ko na ang kanyang tingin, 'yung alam mo na look.

"Saan ba ang date namin?" tanong ko, habang lumilinga sa campus. Hindi ko makita si Kendra.

"Sa may j-park, kaya pumunta ka, wag mong paasahin 'yung babae." ani Jiro.

"Wag ka ng umangal pa, buti nga dahil tinutulungan ka namin na mapasayo si Kendra at hindi sa gagong Tyrone na 'yun." sabi ni Ken.

Napasinghap nalang ako.

Gabi na ng tinext ako ni Tyrone na gumala daw kami. Gala? Ang tawag niya talaga sa date ay gala eh. Tsk!

Mga bandang 9 daw kami magkita sa may park. Buti nalang ibang park. Kinabahan naman ako. Hindi ko alam kung bakit.

Mga 7 ang sabi nila Ken na magkita kami ni Kendra. Mabilis na akong kumilos. Dapat ay mahigit isang oras lang ang date namin ni Kendra, kundi patay ako nito kay Tyrone. Nakasuot ako ng blue v-neck t-shirt, black jeans at white sneakers.

Luminga-linga ako sa park pagkapasok ko. Marami ang couples akong nakita na nag d-date. Tiningnan ko ang wristwatch ko at 6 minutes late na ako. Tumunog naman ang messenger ko sa cp at binasa ang message ni Kendra.

Kendra Raine: Hi, I'm here malapit sa seesaw.

Luminga-linga ako at nakita ko naman siya agad na nakaupo sa bench. She looks so innocent sa suot niyang yellow dress.

Napag isip-isip ko kanina pa, na kailangan kong ipagtapat sa kanya pagtapos na ang date namin na ayaw ko siyang paasahin. Pero, parang maaapektuhan nito ang pagkakaibigan namin. Haist! Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon.

"Tinext mo pa talaga ako, pwede namang personal." aniya.

Ngumiti nalang ako. Naalala ang pakulo nila Ken.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Hmm, bahala ka kung saan." kibit-balikat niya.

Ewan ko ba, at ang sikip ng dibdib ko habang naglalakad-lakad kami ni Kendra. Panay ang kwento niya. Kaya lagi daw siyang absent ng mga nakaraang araw ay dahil siya ang naging babysitter ng pamangkin niya.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 8:05 na.

Kumain pa kami sa isang korean restaurant. Kita ko sa mga mata ni Kendra ang saya na kasama ako. Naalala ko 'yung araw na umamin siya sakin na gusto niya ako. Mas lalo tuloy naging komplikado.

Mga kalahating oras kami sa pagkain. Lumabas na kami at tumunog na ang cp ko sa bulsa.

Tyrone
Wer na u?

Kumabog ang dibdib ko nang makita sa phone na 8:46 na.

Patay!

Mukhang napansin naman ni Kendra ang kinikilos ko at binabalewala niya lang ito.

"Thank you." aniya nang maihatid ko na siya sa kanyang bahay. Nagulat ako nang dinampi niya ang kanyang labi sakin. Mabilis niya naman itong kinalas.

Gusto ko na sanang sabihin sakanya na ayaw ko siyang paasahin pero umuurong ang dila ko. At naisip na next time nalang. Ayaw kong masira ang Valentine's day niya. Kailangan ko na kase talagang umalis na.

"S-sige." paalam ko.

Muli kong sinuot ang helmet at umangkas na ako saking motor. Kumaway siya sakin at ganun din ako at pinaandar na ang motor.

Malapit lang naman yung park na sinasabi ni Tyrone. 11 minutes na akong late.

Nagtaka ako dahil walang tao pagpasok ko ng parke. Diba dapat maraming tao ang nagd-date sa park kapag Valentines. Park din naman 'to ah. Nagulat ako at namangha nang umilaw ang mga nakasabit sa itaas na maliliit na bumbilya. At nakita ko na si Tyrone na naglalakad na papalapit sakin. Halos magkapareho lang kami ng suot.

"Gawin naman nating romantic." nakangiting sabi niya nang makalapit.

Kumurba naman ang bibig ko habang tinitingnan ang paligid. Talagang umeffort pa siya para lang dito ah.

Nakita ko naman na may naka set na table na may lamang pagkain. Grabeng effort naman talaga.

Hinigit niya na ako doon at pinaupo.

Naku! Busog pala ako. Kumain kami ni Kendra.

"Ma'am, reserved po kase ito." rinig kong sabi ng lalake.

"Gusto ko lang makita kung sino ang ka-date niya." rinig kong sigaw ng babae. Parang pamilyar ang boses.

Napatayo si Tyrone na gulat ang mukha. Nakatalikod pa ako at hindi ko pa kita ang kumosyon. Kumabog ng husto ang dibdib ko nang maisip si Kendra.

Tumayo narin ako at nilingon ang babae.

Dumagundong na ang kaba sa dibdib ko nang makita si Kendra na gulat ang mukha habang nakatingin samin.

Shit!

***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now