Chapter 3: Lump

10.7K 413 30
                                    

Kinabukasan ng gabi, nandito kami buong pamilya sa isang magarang bahay sa loob ng subdivison. Mamamanhikan kase ang fiancee na ni Ate Jessica. Nagulat kami kahapon sa sinabi niya na sinagot niya ng magpakasal sakanya ang boyfriend niya. Mahigit walong buwan palang na naging sila, sinagot niya na agad.

Sinalubong naman kami ni Calvin na fiancee ni ate Jessica at ng mama niya sa may gate at pinapasok na kami ng bahay nila. Namangha naman ako ng makapasok na dahil sumisigaw sa karangyaan ang pamilya nila. Dumiretso na kami sa rectangular table sa dining area. Tumayo ang Papa ni Calvin at nakipagkamay kay mama at papa. Matapos ang batian ay pinaupo na kami. Sa dulo ang papa ni Calvin, sa side niya naroon ang mama ni Calvin at sa tapat sila mama at papa. Magkatabi naman ang soon to be married. Magkakatabi naman kami nila Ate Hannah at Claire.

"Sorry, I'm late." rinig kong sabi ng dumating.

Nanlaki ang mga mata ko nang si Tyrone ito. Umupo siya sa tapat ko mismo.

"Siya nga pala si Tyrone ang bunso kong anak." pakilala ni Mr. Enriquez. Bumaling ito kila mama at ngumiti.

Umawang ang bibig ko. Putsa! Kapatid 'to ni Calvin?

Inaayos niya na ang kubyertos sa pinggan niya at sumandok na agad siya ng kanin. Napansin niya yata na nakatingin kaming lahat sakanya. Hindi niya pa yata ako nakikilala.

"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako." aniya.

"Okay, let's eat." sabi ng papa niya.

Nagkwentuhan naman ang mga magulang namin tungkol sa negosyo. Dati na pala silang magkakakilala.

Kumuha na ako ng pagkain. Ang dami. Mukhang gusto ko lahat ng pagkain. Pero, syempre nakakahiya din naman kumain ng marami. Kaya konti lang ang kinuha ko. Sa pagkain lang ang atensyon ni Tyrone pero nang iniangat niya na ang kanyang tingin, nanlaki ang mga mata niya at parang nasamid siya. Uminom agad siya ng tubig. Umubo-ubo pa. Tsk! Mabulunan ka sana.

"Tyrone, what's wrong?" tanong ng papa niya. Na sakanya tuloy ang atensyon ng lahat.

"Sorry." aniya at bumaling sakin. Yumuko ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Hindi nagtagal, kami na palang magkakapatid ang pinag-uusapan kung saan kami nag aaral.

"Same school pala kayo ni Tyrone." sabi ni Mrs. Enriquez.

Napatingin naman kami sa isa't-isa ni Tyrone.

"Yes, nakikita ko nga siya dun." sabi ni Tyrone.

"Oh, what happened to your forehead?" tanong ng mama niya. Napansin ata ang bukol sa noo ko. Narinig ko naman ang hagikhikan ng mga kapatid ko. Tahimik lang sila kase nahihiya.

Hinaplos ko naman ang bukol sa noo ko. Kung alam niyo lang, kagagawan 'to ng anak niyo. Kita ko sa gilid ng mata ko na natatawa si Tyrone. Tsk!

"Hmm, nauntog lang po ako." sagot ko.

"May girlfriend ka na ba?" tanong pa ni Mrs. Enriquez.

Tss, kung alam niyo lang, inagaw ng anak niyo ang girlfriend ko. Napasulyap ako ng konti kay Tyrone na tahimik lang at tumingin na ako sa mama niya.

"Dati po." sagot ko.

"Oh, so hiwalay na kayo? So sad." sabi ng mama ni Tyrone.

"Sana, hindi 'yan mangyari kay Tyrone, lalo na't babaero pa naman 'to, wag mong lolokohin girlfriend mo." natatawang sabi ni Mr. Enriquez.

"Pa, good boy ako." mayabang na sabi ni Tyrone.

Tsk! Good boy daw.

Na-divert din naman ang pinag usapan sa mga kapatid ko naman at pagkatapos ay tungkol sa engagement party na gaganapin na next week.

Mukhang napasarap ang kwentuhan ng mga magulang namin. Ilang sandali ay natapos narin ang dinner at umuwi na kami.

"Kuya, ang gwapo nung Tyrone." si Claire.

"Oo nga eh, pero sayang kase may gf na siya." sabi naman ni Ate Hanna.

"Girlfriend pa lang naman, di pa asawa kaya may pagasa pa 'ko." sabi ni Claire.

"Hoy, pag aaral muna atupagin mo." bulyaw ko.

"Duh! I'm 18 na, so pwede na akong magkaboyfriend." giit ni Claire. Napailing nalang ako.

Nagkasalubong naman kami ni Tyrone sa school ground kinaumagahan. Ewan ko ba, ang tingin parang nanghahamon. Nakakairita lang. Pansin naman 'yun ng mga kaibigan ko.

"See you sa labas, gago." tiim bagang na sabi ni Ken.

"Humanda siya, matitikman niya ang malutong-lutong kong kamao." sabi pa niya.

"Ikaw pa talaga ang pikon ano?" sabi ni Jiro.

"Eh kase naman, ang tinginan niya hindi lang kay Dwayne pati satin, mukhang nanghahamon." giit ni Ken.

"Kalma lang tayo." sabat ni Eros.

Nangyari na nga ang panggigigil ng barkada ko kay Tyrone dahil kinahapunan, ayun, nagsapakan na sa labas sa may parking lot.

Bigla nalang itong sinuntok si Tyrone.

"Hoy gago ka! Pumili ka ng kakalabanin mo!" panduduro ni Ken kay Tyrone na nakaupo na sa sahig.

Tumayo agad si Tyrone. "Ano bang problema mo ah?"

"Ikaw, akala mo kung sino ka! Wala ka naman pala eh." pang iinsulto ni Ken.

Napatingin sakin si Tyrone. Kita ko ang pasa sa labi niya.

"Hindi ako naghahanap ng gulo, baka kayo." aniya.

"Tara na pre." Pinilit nilang hinigit si Ken hanggang sa makasakay sila sa kotse.

"Dwayne, tara na." anyaya nila.

Mariin ang titig sakin ni Tyrone bago ako umangkas sa motor.

Ewan ko ba, imbes na magalit ako sakanya, parang naawa pa ako sa kalagayan niya.

**

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now