Chapter 40: Angry

4.7K 208 17
                                    

"Shit!" malutong na mura ni Tyrone nang makita narin ang sinend ni Talia.

"What the fuck! P-papaanong may picture siyang ganito?" Kinuha niya ang cellphone ko. Bumalik siya sa pagkakaupo at problemadong napasapo sa noo.

Ako ang kinakabahan para sakanya. Picture lang yun, pero malaki ang epekto nito sa pagkatao niya.

Ba't naman kase nagbibihis siya sa harap ni Talia? Sakin nga, nagbibihis pa siya sa likod ng puno.

Napailing nalang ako.

Mukhang bitter pa ang babaeng 'yun. Hindi niya yata matanggap na kami ni Tyrone ang nagkatuluyan.

"Kailan pa yan?" tanong ko.

Mukhang nag alinlangan pa siya kung sasabihin niya ang totoo.

"Nung araw na bago tayo unang nagkita."

Bumalik naman sa alaala ko ang una naming pagkikita. Galit ako sa kanilang dalawa, lalo na kay Talia sa kataksilan niya.

"Nagsex kayo ng araw na yun?"

Yung may date sana kami ni Talia at pinaghintay niya ako sa park.

Nahihiya naman siyang tumango.

Ewan ko, kung ano ang mararamdaman ko. Pero nakaraan na 'yun. Hindi ko naman na mahal si Talia, dahil ang mahal ko ngayon ay ang minahal niya.

Tumagal ng ilang minuto ang pagkatulala niya hanggang sa makaisip na siya ng paraan.

"Pupuntahan ko si Talia." Tumayo na siya.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Sasama ako." sabi ko.

Kasalukuyan na naming binabagtas ang SLEX. Kumakabog ng matindi ang dibdib ko. Siya rin ay mukhang kinakabahan na. Mahigpit ang hawak niya sa manibela.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung ano ang idadahilan ko kilala mama kung bakit hindi pa ako makakauwi. Ayoko ng magsinungaling. Sasabihin ko na ang totoo na kasama ko si Tyrone. Emergency lang na hindi ako makakauwi.

"Dwayne, asan ka?" tanong agad ni mama.

"M-ma, hindi ako makakauwi ngayong gabi, emergency, kasama ko po si Tyrone." sabi ko sa kabilang linya.

Tumagal ng ilang segundo bago sumagot si Mama.

"Emergency? Bakit anong nangyari?

Sasabihin ko rin ba ang sinasabi kong emergency?

"Kase Ma, ano ah, problema lang ni Tyrone."

"Okay."

Pinatay ko na ang tawag at bumuntong-hininga.

Sana pagkauwi ko, hindi na maulit yung nangyari dati na pinalayas ako ni Papa.

Mabigat ang dibdib kong napatitig sa mga nadadaanan naming streetlights.

"Sisirain natin yung cellphone ni Talia na naglalaman ng picture kong hubo't-hubad." sabi ni Tyrone habang nakafocus lang sa daan.

"Paano kung nasend niya na?" tanong ko. Sa twitter niya yun panigurado ipopost. Marami pa naman yung followers.

Tiningnan ko ang cellphone ko at binuksan ang twitter account ko sabay hanap ng account ni Talia.

Lumuwag ang paghinga ko nang wala pa naman siyang pinopost.

"Wala pa." sabi ko. At dinelete ko na ang picture na sinend sakin ni Talia sa messenger.

Dahil sa kaba, hindi ako makatulog buong biyahe. Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Tyrone.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now