Chapter 41: Time

6.1K 266 21
                                    

A/N: This is the last chapter. Next update is epilogue. Thank you🙂

**

Nang araw na yun, hindi ko na hinintay pa na palayasin ako ng sarili kong ama na hindi tanggap ang relasyon namin ni Tyrone, kusa na akong lumayas. Pinigilan ako ni mama at ng mga kapatid ko pero buo na ang loob kong lumayas ng bahay. Sumama talaga ang loob ko nang sinabihan ako ni papa na sana hindi nalang ako pinanganak. Kung paano niya kami dinuro ni Tyrone, na para bang nakagawa kami ng matinding kasalanan.

Ang laki ba talaga ng kasalanang nagawa ko upang kamuhian ako ng sarili kong ama? Na pati existence ko, pinagsisisihan niya.

Kasabay ng paglalakad ko sa kalsada ang siyang pagbuhos ng ulan. Tsk! Pati ba naman panahon ay nakikiayon sa kalungkutan ko. Tumingala ako sa kalangitan at hiniling na sana maging okay na ang lahat. Ang tanong, maaayos pa ba ang problema kong 'to? Uminit ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapaluha. Pansin ko na pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko. Siguro iniisip nila na baliw na ako. Bahala sila sa kung ano ang isipin nila tungkol sakin.

Tumutunog ang cellphone ko kanina pa. Sumilong na ako sa gilid ng isang tindahan bitbit ang isang di kalakihang maleta. Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone. Si Tyrone pala ang tumatawag.

"Dwayne, asan ka?" tanong niya sa kabilang linya.

"Naglalakad-lakad." napapaos kong sinabi.

"Huh? Saan?"

Nilibot ko ang paningin. Malayo na pala ang narating ko sa paglalakad.

"Hindi ko alam. Gusto ko munang magpakalayo-layo."

"Saan nga? Sunduin kita."

"Secret." sabi ko. Narinig ko ang singhal niya.

"Sorry nga pala nang iniwan kita kanina, pinaalis ako ng mama mo eh."

"Okay lang naman, mamaya ka na tumawag."

"Magkita nalang tayo mamayang gabi sa park na tinatambayan natin." aniya.

"Sige." Pinatay ko na ang tawag. Bumuntong-hininga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Saan ako pupunta ngayon? Saan sa mga kaibigan ko?

"Oh, Dwayne, anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Ken. Hapon na nang sa apartment niya ako pumunta.

"Pwede bang dito muna ako pansamantala?" nanginginig kong tanong. Nilalamig na kase ako, basang-basa ako sa ulan.

"Pasok ka nga muna."

Pumasok na ako. Nanginginig akong nakayakap sa sarili.

"Naglayas ka ba sainyo?" tanong niya nang nakita niyang may dala akong bagahe.

Tumango nalang ako.

"Pwede ka naman tumira dito," aniya.

"Salamat." mahinang sabi ko.

"Nag away na naman ba kayo ng papa mo?" tanong niya.

"Oo. Nakita niyang magkasama parin kami ni Tyrone." sagot ko.

Tumango naman siya.

Habang kumakain na kami ay maingat siya sa mga tanong niya sakin lalo na kung tungkol kay Tyrone. Kinwento ko sakanya na nagjoyride kami ni Tyrone at ang tungkol doon kay Talia na balak ikalat ang hubad na larawan ni Tyrone.

"Buti nalang.." naiiling na sabi ni Ken.

"Anong buti nalang?" tanong ko.

"Buti nalang, hindi kumalat yung nude picture ni Tyrone, kundi pornstar na siya" naiiling na sabi niya.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now