Chapter 34: Guilt

4.8K 212 11
                                    

Namalayan ko na lamang na may tumulak sakin pagilid upang maiwasan ang tumatakbong sasakyan. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid. Mabilis akong lumingon sa aking likuran at nakitang si Niccolo na nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit habang hawak ang mga tuhod. Dumagundong ang kaba saking dibdib.

"Niccolo!"

Mabilis akong lumapit sakanya. Kita ko sakanyang hitsura na nahihirapan siyang igalaw ang kanyang mga paa. Dumadaing siya sa sakit na nararamdaman. Hindi ko naman alam kung paano ko siya mahahawakan. Natataranta na ako sa nangyayari.

"Sorry, di ko sinasadya.." rinig kong sabi ng driver yata ng kotse na nakasagasa kay Niccolo.

"Tumawag na kayo ng ambulansya!" naririnig kong sigaw ng mga tao. Pinalibutan na nila kami.

Napatingala ako sa mga taong nakapalibot at nahagip ng mata ko si Tyrone na mababakas sa mata ang takot. Binalik ko ang tingin kay Niccolo na mababakas sa itsura na sobra na siyang nahihirapan.

Nanghihina ang mga tuhod ko nang nasa ospital na. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali sa labas ng emergency room. Lumapit sakin ang mga kapwa ko volleyball player, mababakas sa kanilang mukha ang lungkot at pagkadismaya sa nangyari kay Niccolo.

"Tinext ko si Mama na ibalita ang nangyari kay Niccolo sa pamilya niya." sabi ni Carla.

"Gagaling din yang si Niccolo, malakas kaya ang mga tuhod nyan." pampalakas loob samin ni Rex.

"Kasalanan ko 'to, hindi sana to nangyari sakanya." nangilid ang mga luha ko. Kung hindi sana ako tatanga-tangang tumawid ng kalsada, hindi ito mangyayari.

Naramdaman ko nalang na hinalu nila ako.

"Wag mong sisihin sarili mo."

Hindi ko rin maiwasang isipin si Tyrone. Unti-unting namuo ang galit sa sistema ko. Siya ang puno't-dulo nito.

Lahat kami ay naalerto nang lumabas ang doktor at sinabi nito ang kalagayan ni Niccolo. Tinanaw ko si Niccolo sa loob ng kwarto, gising siya na nakasandal sa headrest ng hospital bed.

"Dapat namin siyang maoperahan, nagkaroon ng fracture ang kanyang kanang tuhod."

Nanlumo nalang ako sa sinasabi ng doktor. Dumoble ang bigat ng nararamdaman ko nang maisip ang mga pangarap niya. He is known as powerful spiker sa university'ng pinag aaralan namin. Nakakapanlumong isipin na baka hindi siya makapaglaro sa nalalapit na tournament.

Nagsipasukan na sila sa loob, ako naman ay nag aalangan akong pumasok. Parang di ko yata kayang makita ang kalagayan niya. Hindi ako makatingin sa paa niya.

"Kamusta pre?"

"Magpagaling ka kaagad, maglalaro pa tayo bukas." siniko naman si Rex ni Jeron at nagsitahimikan sila.

Nagtama ang mga mata namin ni Niccolo.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Ba't mo naman kase yun ginawa? Hinayaan mo nalang sana ako." Hindi ko mapigilang sabihin ang gusto kong sabihin.

"Hindi ko naman alam na mahahagip pala ako ng sasakyan na 'yun." sabi ni Niccolo.

Napailing nalang ako. Ang bigat naman sa dibdib nito.

"Nangyari na eh, pilay na kung pilay." aniya sa mapait na boses.

Dumating na ang kanyang mga magulang. Mababakas ang pag aalala at lungkot ng mga ito.

Napasapo nalang ng noo ang mama ni Niccolo nang makita ang kalagayan ng anak niya, at ang papa niya na bagsak ang mga balikat.

'Kasalanan ko 'to. Ang tanga-tanga mo Dwayne, ang bobo mo. Ugh!'

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now