Chapter 22: Stalker

5.2K 249 61
                                    

Palipat-lipat ng tingin si Kendra samin ni Tyrone. Ako naman, lalong kinakabahan. Anong ipapaliwanag ko?

"A-are you guys, dating?" kunot-noo niyang tanong.

Binalingan ko si Tyrone, nagkatinginan kami. Wala samin ang nakapagsalita.

"Oh my god!" Napatakip si Kendra ng bibig, nanlalaki ang mga mata.

"I can't believe this." aniya sabay tingin sa paligid at sa lamesa.

"K-kendra, magpapaliwanag ako," nilapitan ko na siya. Umatras naman siya nang umatras sabay iling.

"Mga bakla!" mariin niyang sinabi sabay talikod at patakbong lumabas ng park.

Bumagsak ang mga balikat ko. Hahabulin ko sana siya.

"Paano 'to?" baling ko kay Tyrone na nakangiti lang.

"Uy, nabuking na tayo, natutuwa ka pa dyan, paano kung magsumbong 'yun sa mga magulang natin?!" histerya kong tanong.

Nagkibit-balikat naman siya. "Edi, magsumbong siya."

Wow! Wala manlang bahid ng takot ang mukha niya, samantalang ako, heto at natataranta na.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Kendra ngunit hindi niya naman sinasagot.

Patay!

Sana, wag niya kaming ibuking.

Bumibigat na lalo ang dibdib ko sa mga naiisip. Napaparanoid na ako. Tiyak, na gulo ang maidudulot ko sa pamilya ko.

"Relax ka lang." Humarap sakin si Tyrone sabay lapat ng mga kamay sa balikat ko.

Patuloy ako sa pagtawag kay Kendra hanggang sa pinapatay na niya ito.

Napabuntong-hininga ako at para akong nanghihina.

Niyaya ako ni Tyrone na ipagpatuloy ang pagkain kaso parang hindi na ako ginaganahan. Hindi ako mapakali saking kinauupuan. Hindi ako nakakain at umalis na kami ni Tyrone ng parke.

"Hindi na kita tatanungin kung nag enjoy ka ba, dahil alam kung nasira ang moment ng date natin dahil kay Kendra." ani Tyrone habang nakasandal siya sa kotse niya. Nakapamulsa pa. Relax lang siya.

Kumamot ako sa noo ko. "Uwi na tayo."

Tumango naman siya at nilapitan ako.

"Kung sakaling malaman nila, walang bibitaw satin." seryoso niya ng sabi.

Namalayan ko nalang na magkalapat na ang aming labi. Hindi ako napatugon sa halik niya dahil nga sa iniisip ko parin ang nangyari. Hindi nagtagal, ay kinalas niya na ang kanyang labi.

"Ang cute mo kapag natataranta." nakangiting sabi niya at nagulat nalang ako ng dinakma niya ang pwetan ko.

"Ang manyak mo talaga." sabi ko. Lumayo siya sakin na natatawa.

"Pag ikaw nakalapit sakin, hihilain ko yang t*te mo." banta ko.

"Ugh!" ungol niya sabay sakay ng kotse.

Umiling nalang ako, napapangiti.

Todo ang kabog ng dibdib ko nang makauwi na ako. Pakiramdam ko, ay nakagawa ako ng matinding kasalanan.

"Ano hijo, naka score ka ba ngayong Valentines?" bungad na tanong sakin ni Papa, nasa sala sila ni mama naabutan ko pagpasok ko ng bahay. Nanonood sila ng tv. Mukhang nagcecelebrate din ng Valentine's dahil may bouquet ng bulaklak si Mamang hawak.

Tinapik naman siya ni Mama. "Ano ka ba naman, tinuturuan mo ang anak mo sa kabulastugan mo!" sita ni Mama.

"Binata na anak natin, syempre natural na 'yan." natatawang giit ni papa.

Nagmano na ako sa kanilang dalawa at umakyat na ng hagdan. Wala ako sa mood makipag usap sa kanila. Labis akong kinakabahan. Sinalubong pa ako ni Claire at kinumusta ang date ko. Inirapan ko nalang siya at pumasok na ng kwarto ko.

Kinabukasan, mukhang napuyat ako. Mga ala-una na yata ako nakatulog kaiisip sa nangyari.

"Kuya, may nagpapabigay nito sayo." sabi ni Claire pagkakababa ko. Inabot niya sakin ang isang brown envelope. Kunot-noo ko itong tiningnan. Muling bumalik ang kabog ng dibdib ko.

Umakyat ako muli at pumasok ng kwarto.

Ano kaya 'to?

Binuksan ko na ang envelope at laking gulat ko nang tumambad sakin ang mga pictures namin ni Tyrone. May picture nung magkasama kami sa Amusement park, 'yung pumasok ako ng condo ni Tyrone at 'yung hinalikan niya ako kagabi.

May nakasilid na papel at binasa ko naman ang nakasulat dito.

Hi, Dwayne.

Sa pag i-stalk ko kay Tyrone, nakita ko tuloy ang baho mo. Ang landi mong bakla ka. Nakakasuka kayong dalawa. Mga bakla! Gosh!

Pumasok sa isip ko si Kendra. Posibleng siya ang may gawa nito.

Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib dahil sa matinding kaba. Natatakot na ako.

Sa pagpasok ko ng campus, para akong natutuliro. Para bang hinuhusgahan na ako ng mga tao.

Tulala ako habang nagkikwentuhan sina Jiro tungkol sa mga naka-date nila kagabi. Ang iingay nila, nandito kami sa gilid ng football field na nakaupo sa damuhan. Breaktime at dito kami tumambay.

"Ano, hindi mo sinipot si Shan cai?" gulat na tanong ni Ken kay Eros.

"Ano sa tingin mo, pupunta ako! Never!" natatawang sabi ni Eros.

"Tol, kawawa naman." sabi ni Jiro.

Panay naman ang linga ko sa buong campus.

Nasaan kaya ang lalakeng 'yun?

Sa halip ay si Kendra ang nahagip ng mga mata ko. Palabas na siya ng campus.

Lalakasin ko ang loob kong kausapin siya. Tumayo ako at nagpaalam kina Eros na may pupuntahan lang.

Mabilis naman ang lakad kong habulin si Kendra. Hanggang sa naabutan ko na siya sa may waiting shed na naghihintay ng sasakyan.

"Kendra!" tawag ko.

Kumabog ng matindi ang dibdib ko nang makaharap na siya.

"Oh, bakit?" tanong niya.

Para naman akong nahihirapang huminga.

"About last night? Don't worry, hindi ko kayo ibubuking." aniya.

Nabigla ako sa sinabi niya. Ang inexpect ko kase na sasampalin niya ako dahil pinaasa ko lang siya at niloko.

"Nagulat lang talaga ako, pinaasa mo lang ako ng gabing 'yun, dalawa pala ang dinate mo, two timer ka! It's really hurts you know.. At lalake pala ang kaagaw ko, at oh my god! Si Tyrone?" May bahid na ng sakit ang kanyang boses.

"Uhm, h-hindi mo sana ipagkalat yung mga pictures." kabado kong sinabi.

Kumunot naman ang noo niya. "Anong pictures?"

"Yung pinadala mo saking mga larawan namin ni Tyrone sa bahay kaninang umaga."

"What?! Wala akong picture niyong magkasama." tanggi niya.

Napaisip naman ako. Sa sobra kong taranta, hindi ko naunawang mabuti 'yung sulat.

Sa pag i-stalk ko kay Tyrone..

So it means, stalker siya ni Tyrone?

"Hala ka! May stalker kayong dalawa, paano 'yan? Edi ipagkakalat niya ang relasyon niyo ni Tyrone."

***

My Beautiful Rival (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon