Chapter 35: Back

4.8K 215 23
                                    

Bumalik na nga yata si Tyrone sa Maynila, dahil sabi ni Rex na bigla nalang ito nawala na parang bula. Isang buwan na ang nakalilipas mula ng mangyari ang aksidente, heto at nakakalakad na si Niccolo na may suporta sa paa. Awang-awa na talaga ako sakanya sa totoo lang, nakakaguilty. Kaya nagsusumikap ako sa training. Tutuparin namin buong team ang pangarap niya na maging champion this year kahit pa hindi siya makapaglaro. Para sakanya ang larong 'to.

Kendra Raine: Miss na kita, Dwayne, kailan balik mo dito?

Eros Villanueva : I miss you Pre

Jiro Samonte : Hoy! Magtransfer ka na dito

Ken Joseph Montes: I missed you na, muah, chup-chup

Napangiwi nalang ako nang mabasa ang chat ni Ken. Nireplayan ko nalang silang lahat na miss ko narin sila.

Dumating na nga ang araw ng tournament. Nakapalibot kami buong team na magkadikit ang nakataas na mga kamay sabay baba ng kamay at sigaw ng fight.

Nakaabot naman kami ng final four, nakalaban pa namin ang malakas din na team. Umabot ng fifth set ang laban. Napahiyaw kami nang mag outside ang bola sa palo ng spiker ng kalaban. Natanaw ko si Niccolo na nasa bench na tuwang-tuwa sa pagkapanalo namin.

Championship game na. Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok kami sa court. Nilingon ko si Niccolo na nakaupo sa bench na todo ang suporta samin.

Ayan na naman ang kaba ko, hindi ko talaga maiwasan. Sinipagan ko nalang ang pagblock sa bola sa tuwing papalo ang spiker ng kalaban. Napasigaw kaming lahat nang sinet ang bola kay Rex at hindi ito nakuha ng libero sa kabila. Panalo kami in 4th set. Pati si Niccolo na papilay-pilay ay lumapit samin dahil sa tuwa. Kita ko sakanyang mga mata ang galak na nanalo ang volleyball team namin.

Hiling ko, na sana makapaglaro na siya next year.

"Panalo kami, La." natutuwa kong sabi kay Lola nang umuwi na ako sa bahay. Suot ko pa ang medal.

Nagtaka ako dahil hinihimas niya ang kanyang dibdib banda sa puso. Minsan, napapansin ko na talaga na matamlay na siya, nawala ang kanyang sigla.

"La, may masakit po ba sayo?" alalang tanong ko.

Ngumiti naman siya. "Ah, ayos lang ako apo, ano panalo kayo?"

Nakangiti naman akong tumango.

Dumaan ang araw na napapansin kong sobrang tamlay na ni Lola. Hindi muna ako pumasok para mabantayan siya. Nag aalala na ako. Tinawagan ko na sila Tito at ang mama ko sa kalagayan ni Lola.

"Lola, dalhin ka na namin sa ospital." Ayaw pa sana niya kaso napilit na namin. At doon sinabi ng doktor na may sakit sa puso si Lola na kailangang maoperahan sa lalong madaling panahon.

Naoperahan na nga siya pero hindi na nakayanan ng kanyang katawan. Pumanaw si Lola ng nobyembre. Ang sikip ng dibdib ko sa oras na 'yon. Nawala ang taong kinakapitan ko. Ang taong paborito ako, ang sakit lang na nawala na siya. Sa maikling panahon na nakasama ko si Lola, naramdaman kong may nagmamalasakit sakin.

Mabigat man sa dibdib pero kailangan tanggapin. Dumating sina mama at mga kapatid ko kasama si Papa dito sa probinsya. Umuwi rin ang tita ko galing ibang bansa. Ngayon lang nabuo ulit ang buong pamilya nang mawala si Lola. Tanggap ko naman na hanggang tinginan lang kami ni papa.

Ang sakit na ng lalamunan ko kapipigil sa pagluha habang dinadala na si Lola sa huling hantungan. Naalala ko ang mga araw na kasama ko siya.

Minsan, naikuwento ko sakanya na may minahal ako noon na kapwa ko lalake at ang hindi ko inaasahan na kanyang sasabihin ay, walang pinipili ang puso na magmahal.

Sa maikling panahon na nakasama ko si Lola ay madami akong natutunan. Babaunin ko lahat ng kanyang pangaral.

Dapat nga ay matuwa ako na pinapabalik na pala ako sa Maynila nila mama, pumayag na raw si Papa. Pero ayaw ko pang umalis dito sa probinsya. Tatapusin ko muna itong school year. Kaya mag isa lang ako rito sa bahay ni Lola. Dumaan ang pasko na mag isa lang ako. Ramdam ko ang lamig at kalungkutan.

"Happy new year!" Nagulat ako nang dumating si Niccolo ng new years eve. Mabuti naman at medyo nakakalakad na siya ng walang saklay.

"Ang lungkot mo naman dito, tambay tayo." anyaya niya.

Ayaw ko man ay pumayag nalang ako, kaysa naman magmukmok ako rito mag isa sa bahay.

Napatingala ako sa kalangitan nang pumatak na ang alas-dose. May mga naggagandahan ng fireworks display ang lumiwag sa kalangitan.

"Happy new year!!" sigaw ni Niccolo. Nandito kami sa harap ng bahay nila. Ang ingay na ng paligid. May mga nagpapaputok na ng firecrackers, may nagtotorotot, at may mga nagpupukpok ng drums.

Nakaakbay sakin si Niccolo. Pareho kaming nakatingala sa kalangitan.

"Hindi naman naging malas ang nakaraang taon dahil may nakilala akong nagbigay inspirasyon sakin." sabi ni Niccolo.

Nilingon ko naman siya at nakatingala lang siya habang kumakanta na.

He said: 'One day you'll leave this world behind
So live a life you will remember"
My father told me when I was just a child
"These are the nights that never die"
My father told me

Naisip ko rin ang nakaraang taon na malas para sakin.

Sana naman maging maganda, makulay at payapa ngayong taon.

Sa nagdaang tatlong buwan na pag aaral ko sa kolehiyo ay lagi kong kasama si Niccolo. Napagkakamalan nga kaming magkarelasyon. Unti-unti narin siyang nakakalakad ng maayos.

Hindi ko makakalimutan ang gabing may nangyari samin ni Niccolo. Nag iinuman kami sa bahay ng kaibigan namin na si Jeron. Hindi pa naman kami lasing ni Niccolo. Nang hinatid niya ako sa bahay ay nangyari nalang ang hindi inaasahan. Hinalikan ko siya pabalik.

Napailing nalang ako habang naalala pa ang sumunod na nangyari. We gave pleasure to each other. Hindi ko ipagkakaila, na nagustuhan ko rin 'yun. May sumagi nga lang sa isip ko na isang lalake na siyang una sakin.

"Kung magtransfer din kaya ako sa Maynila, doon sa ini-eskwelahan mo," biglang sabi ni Niccolo nang matapos na namin ang final exam. Nandito kami tumatambay sa bench.

"Bahala ka." nasabi ko nalang.

"Pangarap ko din kasing makapag aral sa Maynila." aniya.

"Kaso nga lang, baka hindi ako makapasok na varsity nila, makuha kaya nila ako?" bumaling siya sakin.

"Ikaw pa. Wag ka ngang nega." sabi ko.

Tumayo siya bigla at nagstreach ng paa. Umupo bigla sa tabi ko at nagbuntong-hininga.

"Kung hindi man nila ako makuha na maging varsity, edi magwoworking-student ako."

Tumango nalang ako.

Bago ako luluwas ng Maynila ay dumalaw ako sa sementeryo upang magpaalam kay Lola. Naglapag ako ng bulaklak at sumindi ng kandila.

"Mamimiss kita, Lola." sabi ko.

"Susunod ako, hintay mo ako dun ah." sabi ni Niccolo habang nakayakap sakin ng mahigpit. Nandito na kami sa bus terminal. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot nang bumitaw na siya ng yakap. Kumaway siya sakin nang pasakay na ako ng bus, kumaway rin ako pabalik. Hindi ko maiwasang mangilid ang mga luha. Nakakalungkot lang na iiwanan ko na ang lugar na 'to.

Makalipas ang mahigit walong oras ay nakarating na ako ng Maynila. Magkahalong kaba at pagkasabik ang pagbabalik ko sa bahay. Agad akong sinalubong ni mama at ng mga kapatid ko ng yakap. Parang kaytagal ng panahon na hindi kami nagkita-kita. Napatingin ako kay papa na nakatanaw lang samin.

****

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now