Chapter 24: Birthday

5K 214 24
                                    

Sasabihin ko ba kay Tyrone ang pinadala sakin na mensahe ng stalker niya o hindi na?

Napahilot ako saking sentido. Talagang tiniming naman ng stalker na 'yun na makipagbreak ako kay Tyrone sa mismong birthday nito sa february 19.

"Bro, mukha kang constipated." pansin sakin ni Eros. Nandito kami sa classroom.

"Okay lang ako." sabi ko.

Maghapon tuloy na laman ng isipan ko ang banta sakin nung stalker. Napahilamos ako saking mukha, kase naman nag quiz wala akong maisagot. Lutang na lutang talaga ako sa araw na ito.

Nung uwian na, pinanood ko ang pag alis ng mga kaibigan ko. Nandito ako sa parking lot, wala pang balak na umalis.

Naramdaman ko ang pag akbay sakin ni Tyrone. Alam ko na siya agad ito dahil kabisado ko na ang pabango niya. Ang bango niya, pati kili-kili.

"Saan tayo?" tanong niya.

Nang lumingon ako sakanya.. Naks, nagpagupit.

"Bahala ka." sagot ko.

"Tara sa condo." anyaya niya.

"Nanaman?"

"Sus, kunware ka pa, mas gusto mo pa ngang tumambay sa condo ko eh." panunuya niya.

"Boring kaya dun." giit ko.

"Wow ah, saan mo gusto?"

'Yun sanang something memorable. Sumagi na naman sa isip ko ang 3 days na 'yan, tsk!

"Dwayne!" rinig kong tawag. Bumungad samin si Kendra. Inirapan nito si Tyrone.

"Pahatid naman ako sa house."

"Huh?"

"Sige na please, naubusan kasi ako ng pamasahe." aniya. Napakamot nalang ako ng batok. Nakita ko ang pag irap din ni Tyrone samin. Hila-hila na ni Kendra ang polo ko.

Ano ba 'to?

"Sige na, Dwayne, ihatid mo na siya." si Tyrone.

Nakita ko ulit na umirap si Kendra kay Tyrone.

Napailing nalang ako. Wala naman akong magagawa, edi ihatid ang babeng 'to. Wala raw pamasahe eh, tsk!

Umangkas na kaming dalawa sa motor ko matapos magsuot ng helmet. Naramdaman ko ang biglang pagyakap ng mahigpit ni Kendra saking likod.

"Bagay din pala kayo nun." sabi ni Kendra habang nagdadrive ako ng motor.

"Hindi parin talaga ako makapaniwala, panu 'yan? Paano niyo aaminin sa pamilya niyo ang relasyon niyo?"

Tsk! Ang daldal niya.

Nagkibit-balikat na lamang ako.

Matapos kong maihatid si Kendra sa bahay nila ay tinext ako ni Tyrone na sa condo niya na ako dumiretso.

Pagpasok ko ng condo unit niya, naabutan ko siyang nanonood ng tv, hawak ang remote, parang walang gana maglipat ng channel.

"Anong ulam natin?" tanong ko. Tumabi ako sa kanya sa sofa.

"Anong gusto mo?" tanong niya.

"Uhm, hotdog." natatawang sagot ko. Tumaas ang gilid ng labi niya.

"Are you teasing me?" taas-kilay niyang tanong.

"Hindi ah. Ang dumi talaga ng utak mo." giit ko.

Nagluto nga siya ng hotdog. Habang kumakain na, pinipigilan ko ang sarili kong matawa. Napailing nalang siya.

My Beautiful Rival (BxB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin