Chapter 25: Fooled

4.8K 228 27
                                    

Wala ako sa sarili nang makauwi na ng bahay. Parang pinipiga ang puso ko. Ang sakit.

Pero tama lang itong desisyon ko kahit masakit. Mas importante ang pamilya kesa sa relasyon namin.

Nagising ako ng maaga dahil papasok pa ako sa eskwela. Bumaba na ako ng hagdan at nagulat nang sinalubong ako ng sapak ni papa. Natumba ako. Napaupo sa sahig. Naguguluhan ako habang dumadaing sa sapak niya. Nahihilo ako.

"Punyeta kang bata ka!" galit nitong sigaw habang dinuduro ako. Inaawat naman siya nila mama at ng mga kapatid ko.

Naguguluhan ako. Anong ginawa ko? Hanggang sa tinapon sa pagmumukha ko ang mga litrato. Nanlaki ang mga mata ko sa larawan. Ito 'yung picture namin ni Tyrone na magkahalikan. Kumalabog ng husto ang puso ko sa kaba at takot.

"Kailan pa 'yang katarantaduhan niyong dalawa ah?!" nangangalaiting sigaw ni papa.

"Pa, huminahon kayo." saway ni ate Hannah. Si Claire naman ay napapatakip nalang ng bibig hindi makapaniwala.

Hindi ako nakapagsalita. Nangilid ang mga luha ko.

"Ano, inaamin mong may relasyon kayo ng Tyrone na 'yun?!" duro ulit ni papa sakin. Mabilis itong nakalapit sakin at kinwelyuhan ako. Napasigaw naman sila mama at inawat si papa.

"Bakla ka ba ah?"

Kitang-kita ko sa mga mata ni papa ang galit at pagkamuhi sakin. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Parang dinudurog ang puso ko sa nangyayari. Nakatanggap na naman ako ng suntok niya saking mukha. Napahiga ako sa lakas ng suntok sakin. Napatili ang mga kapatid ko.

"Sebastian, tama na!" rinig kong sigaw ni mama.

Padabog na umalis si papa na lumabas ng bahay. Hindi ako makatayo, dahil nahihilo ako at nanghihina ang mga tuhod.

Paano may mga picture silang ganun? Gayong sinunog ko na 'yun. Minessage ko pa nga yung stalker nang makauwi ako na nakipaghiwalay na ako kay Tyrone.

Tumayo ako at nakitang umiiyak si mama. Si Claire at ate Hannah ay inaalu siya. Umakyat ako at nagkulong sa kwarto. Napasabunot nalang ako saking buhok.

Tumiim ang bagang ko at nagbukas ng messenger. Nanginginig ang kamay ko habang tumitipa ng mensahe sa stalker.

Me:

Paanong may picture silang nakuha?

Jm Lee:

Uto-uto ka talaga, Dwayne, HAHAHAHAHA!

Uminit ang ulo ko sa reply niya. Lahat yata ng mura ay nasambit na ng utak ko.

Puta!

Nagpaloko ako!

Arrgh!

Naibato ko ang cellphone sa kama at gigil kong naikuyom ang aking kamao.

Malaman ko lang talaga kung sino kang hayop ka!

Pinahid ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko gamit ang kamao.

Sa mga oras na 'to, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, takot, lungkot, pangamba at galit.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ako pumasok sa eskwela ng araw na 'yun. Nagkulong lang ako sa kwarto. Kumatok si Claire at hinatiran ako ng pagkain. Kita sakanyang mga mata ang awa habang tinitingnan ako.

"Kumain ka, kuya."

Tinanggap ko naman ang pagkain. Wala akong balak kumain, hindi ako ginaganahan. Sinarado ko ang pinto at muling humiga at natulala sa kisame.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now