Chapter 37: Talk

4.7K 230 45
                                    

Niccolo:

Punta ka dito sa bar, kasama ko si Tyrone, umiinom kami.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang chat ni Niccolo kinagabihan.

Ang hilig talagang uminom nito.

At close na sila ni Tyrone?

Sabagay, palakaibigan naman kase nitong si Niccolo.

Pass ako. -reply ko.

Niccolo:

Okay.

"Dwayne, kumain na tayo." anyaya sakin ni Ate Hannah.

Bumaba na ako at naabutan silang lahat na nakaupo na sa mesa. Si papa ay nasa kabisera, tahimik lang. Simula ng bumalik ako ay kaswal naman na kaming nag uusap ni papa. Sabi sakin ni mama na nakamove on na raw si Papa kaya kalimutan ko na raw ang nakaraan. Masaya ako na balik na sa dati. Pero namimiss ko naman si Lola. Nakakaramdam ako ng lungkot kapag naaalala siya.

Nagring naman ang phone ko nang makabalik na ako sa kwarto matapos kumain.

"Niccolo, bakit?" tanong ko sa kabilang linya.

"Si Tyrone 'to, lasing na ang jowa mo, saan siya nakatira?"

Kumabog ang dibdib ko sa sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko ang screen at number naman ni Niccolo.

"Ah, eh, sa apartment niya." sagot ko.

"Saan?" agad niyang tanong.

Sa kaba, parang nauubusan ako ng mga salita. Ba't ba ako kinakabahan na kausap siya?

"M-malapit sa university." nauutal kong tugon.

"Saan doon? Pwede mo ba kaming samahan? Lasing na kase talaga siya."

Narinig ko pa ang boses ni Niccolo sa kabilang linya.

"Si Dwayne na ba yang kaushap mo, shabihin mo, siya nalang ang maghatid shakin."

What the hell!

Napasapo nalang ako sa noo ko. Napailing at tinanong na kung saan silang bar at sinabi naman ni Tyrone.

Nagpaalam naman ako kay Mama na may susunduin lang akong kaibigan na nalasing.

Nang makarating sa bar gamit ang motor ay nakita ko ngang lasing na si Niccolo sa loob ng bar. Nakasubsob na ang mukha sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Tyrone. Kumabog ang dibdib ko. Tumayo siya at inalalayan na si Niccolo na tumayo.

"Oh, Dwayne, shalamat naman at dumating ka, di kashi alam nito ang apartment ko." si Niccolo at umakbay na siya sakin.

Napailing nalang ako. Mukhang dinaya 'to ah. Kase yung kainuman, hindi pa lasing.

Sinakay na namin si Niccolo sa kotse. Umangkas naman ako sa motor ko at pinasunod ko nalang si Tyrone.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa apartment ni Niccolo.

Ako na ang umalalay kay Niccolo papasok ng apartment. Sinabi niya nasa pangatlo siyang kwarto.

"Salamat sa paghatid." aniya nang makahiga na siya. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan si Niccolo na mahimbing na ang tulog sa kama.

Nang makalabas sa apartment ay naabutan ko si Tyrone. Nakasandal siya sakanyang kotse at mariin ang titig sakin. Inaayos ko na ang helmet nang lumapit siya sakin. Naamoy ko ang alak sakanya. Dumadagundong na ang kaba saking dibdib.

"I missed you,"

Hindi naman ako makatingin sakanya.

"I missed your eyes, your lips, your neck," napatalon ako sa gulat nang hinawakan niya ako sa braso.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now