Chapter 23: 3 Days

5.1K 232 52
                                    

Kaya pala hindi ko makita si Tyrone sa eskwelahan dahil nasa condo siya. Rason niya, wala daw silang pasok. Hapon nang pumunta ako sa condo niya at kinuwento sakanya ang problema.

"Baka si Kendra," bintang niya.

"Hindi raw siya," sabi ko.

"Isipin mong mabuti kung sino 'yang stalker mo." pamimilit ko.

"Sa dami ng babae ang umaaligid sakin, hindi ko alam kung sino." aniya.

"Wow, gwapo mo naman!" natatawang singhal ko.

"At ikaw ang pinili ng gwapong 'to." Kumindat siya sakin.

Umirap nalang ako. "Palitan mo na nga 'yung topless mong profile picture."

"Sige, sabi mo eh."

Kase naman, baka dahil doon may nang i-stalk sakanya.

Inabot naman ako ng gabi sa condo niya at nanood kami sa Netflix. Umuulan, kaya hinintay ko pang tumila ito.

At ayan nanaman ang pang aakit niya sakin. Nakaboxer lang siya at bakat ang pagkalalaki niyang galit na. Nanlaki pa ang mga mata ko sa hawak niyang condom. Para namang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Parang tinamaan narin ako dahil nang iinit na ako. At doon na nangyari ang kauna-unahang pagpasok ng kanya sakin.

"Tol, lagi ka nalang tulala." pansin sakin ni Jiro habang kumakain kami sa cafeteria.

"Ah, may iniisip lang." sagot ko.

Nagulat nalang ako nang dumating si Kendra na may dalang pagkain sa tray. Tumabi siya sakin. Ngumiti siya at ngumiti naman ako ng pilit. Sakto namang pumasok si Tyrone dito sa cafeteria kasama ang mga kapwa niya varsity player. Sumulyap siya sakin at dumiretso na sa counter.

"Ang galing niyong magtago ah," bulong ni Kendra sakin. Nakita ko naman ang mapaglarong ngisi ng mga kaibigan ko. Ano na namang iniisip ng mga 'to?

Napa "Shhh.." nalang ako sakanya.

Kumurba ang mga bibig nina Ken at nagngisian sila.

"Napag isip-isip ko, may pag asa pa naman ako dahil titigas pa naman 'yan kahit papaano." bulong ulit ni Kendra sabay pasada ng tingin sa baba ko. Parang namula naman ako.

"Tumigil ka." suway ko.

"Naol!" biglang sambit ni Ken at nagtawanan sila. Tsk!

Umirap nalang ako sa kanila at nagpatuloy sa pagkain. Napasulyap ako kay Tyrone na natapos na mag order at umupo sa table hindi kalayuan samin.

"Gusto mo?" tanong sakin ni Kendra habang hawak ang pizza.

Umiling naman ako.

"Sige na, oh.." Nilapit niya sa bibig ko ang pizza.

Wala na akong nagawa at kinagatan nalang ang pizza. Nakita ko naman na may sauce na kumalat sa gilid ng labi ni Kendra.

"May sauce," nguso ko habang ngumunguya ako ng pagkaing binigay niya.

"Saan, papunas naman," Nilapit ni Kendra ang kanyang mukha. Gamit ang thumb ko ay inalis ko ang sauce sa gilid ng labi niya.

"Aww, sweet naman. Ken, may sauce ba ang gilid ng labi ko? Papunas naman oh.." panunuya ni Jiro sabay lapit ng mukha kay Ken.

"Yaks! Kadiri ka 'tol, umalis ka nga." Tinampal ni Ken ang mukha ni Jiro. Nagtawanan naman kami.

Habang tumatawa ako ay nahagip ng paningin ko si Tyrone na matalim ang tingin sakin.

"Ay, sorry..." Nagulat ako nang nabuhusan ng juice ang pantalon ko. Natabig kase ni Kendra ang baso ko na may lamang juice.

Tumayo ako at nakita ko na ang basa, na nasa ano ko mismo.

Shit!

Nagulat ako nang pinunasan bigla ni Kendra ang pantalon ko.

"Uy," Napaatras ako. Kase naman diniinan ni Kendra gamit ang panyo niya ang nabasang parte ng pantalon ko malapit sa may zipper.

Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Napatingin ako sa paligid, may mga nakatingin na samin.

Mapaglaro naman ang mga ngiti ni Kendra sakin. Samantalang si Tyrone ay matalim parin ang tingin samin nang masulyapan ko.

"Sorry, may jogging pants ka bang dala?" tanong ni Kendra.

"Wala." may bahid ng inis ang sagot ko. Umupo muna ako.

"Ako, meron, pahiramin kita." ani Eros.

"Magbihis ka na, lalaki 'yan kapag natuyuan ka." si Ken, na natatawa.

"Wala naman 'yang scientific basis." giit ni Eros.

"Meron kaya." angal ni Ken.

"Maganda nga yun na lumaki eh." mahinang boses ni Kendra pero narinig yata nila.

At naghagalpakan sila ng tawa.

Napailing nalang ako at dinama ang malamig na juice na na tagos na yata sa boxer ko.

Shit na malagkit!

'Let's talk.'

Ang natanggap kong text message ni Tyrone kinahapunan.

Nag alinlangan naman ako kung pupunta ako sa condo niya. Baka kase kung anong gawin nun. Parang galit eh.

'Kung iniisip mo na iri-rape kita, Hindi!' text niya ulit.

Sa huli, heto na ako sa harap ng condo niya kinagabihan. Binuksan niya ang pinto at pinapasok na ako. Kumalabog ang puso ko sa kaba nang wala siyang imik.

Umupo ako sa sofa at ganun din siya. Nakabukaka ang legs niya sa harap ko, nakaboxer lang siyang suot.

Pinasadahan niya ng tingin ang pantalon ko. Nakasuot ako ng jogging pants na pinahiram sakin ni Eros.

"Pinapaselos mo ba ako kanina?" tanong niya.

Agad naman akong umiling. "Hindi ah."

"Tuwang-tuwa ka pa na dinakma 'yang betlog mo!" singhal niya.

What the!

Napatalon ako sa gulat nang mabilis ang kamay niyang dumakma sa ano ko. Tinapik ko naman ang kamay niya.

"Manyak mo!" singhal ko.

"Ako lang dapat ang humawak nyan." aniya.

"Hindi ko naman sinadya na gawin ni Kendra 'yun." giit ko.

"Kung ako kaya, ipadakma ko 'to sa iba, matutuwa ka?" tanong niya.

Aba! Syempre hindi.

"Hindi ko nga kase pinadakma!" muling giit ko, natatawa.

Natapos din naman ang pagtatalo namin. Sa huli, heto kami, nanonood sa netflix, at nang matapos sa panonood ay nagready na akong umalis. Wala namang nangyari kung ano sa pagpunta ko ng condo niya. Gusto niya akong ihatid sa bahay kaso tumanggi ako dahil may motor ako.

Pagkagising ko ng umaga, pagkababa ko, ay inabutan ako ni papa ng isang brown envelope.

Shit! Ano nanaman 'to? Baka ang larawan ay... wag naman sana. 'Yung nag aano kami ni Tyrone, natatakpan ng kurtina ang glass window. Kaya imposibleng ganun ang nakuhang larawan.

"Ano 'yan?" tanong ni Papa. Buti naman, at hindi niya pinakealamanan ito.

"Ah, eh, group project po namin." palusot ko. Tumango naman siya.

Bumalik ako sa kwarto. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang envelope. Bumungad ang isang malaking picture na naghahalikan kami ni Tyrone doon sa park, yung gabi ng Valentines.. Nakita ko namang may nakasulat sa likuran nito. Kumabog ng husto ang dibdib ko nang mabasa ito.

'I'll give you 3 more days na maging kayo pa ni Tyrone, break up with him after. Kapag hindi, makikita na nila ang tunay mong kulay, baklang Dwayne.'

***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now