Chapter 32: Kiss

5.3K 243 25
                                    


Kay dami ng university, ba't dito niya pa pinili mag aral?

Nalaman ko kay Rex na nag aaral si Tyrone dito sa kursong business ad.

Baka naman talaga may iba na siyang gusto na tagarito lang sa probinsya. Assuming lang si ako.

Ilang beses na kaming nagkakasalubong ni Tyrone sa campus, syempre deadma lang kami. Medyo may nag iba na sa nararamdaman ko, kung dati laging kumakabog ang dibdib ko kapag nandyan siya, ngayon parang wala na. Parang tanggap ko na, na wala na talaga kami.

Si Niccolo naman ang lagi kong kasama. Pansin ko na maraming nakakakilala sa kanya. Famous pala talaga ang gago.

Lumipas ang buwan at heto ako, nag t-training. Sa september ang simula ng tournament, kaya puspusan na ang training. Varsity din si Tyrone ng basketball kaya madalas ko siyang nakikita sa gymnasium. I wonder, kung hindi ba tutol ang parents niya na dito mag aral kaysa sa Maynila o pinalayas din siya tulad ko? Siguro siya ang nagpapaaral ng sarili niya na nagtatrabaho bilang water boy.

Nagtilian ang mga babaeng nanonood nang pumuntos na naman si Tyrone. Pansin ko, na nagiging star player na siya sa school na 'to at parang campus heartthrob na siya.

"Ang galing niya ah." sabi ni Niccolo. Nakaupo kami sa bleachers.

Nang matapos na ang tune up game ng basketball ay kami naman ang naglaro ng volleyball.

Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi nararamdaman ang pagod kapag babad sa paglaro. Nag eenjoy ako sa paglalaro ng volleyball.

Si-net ang bola sakin ng setter at buong lakas na pinalo ito. Nagiba ko naman ang block.

"Ay, sabi ko na!" rinig kong sabi ng nanonood samin. Pamilyar ang boses. Si Tyrone. Umiral na naman yata ang pagiging mapang asar niya. Rinig ko ang tawanan ng nakarinig sakanya.

Parang nahahalata ko na ako ang pinariringgan niya ah.

At naulit pa ang pagsambit niya nang mablock naman ako ng blocker.

"Ay, sabi ko nga ba, barbie."

"Hahahaha!"

Parang uminit naman ang dugo ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nagkakatuwaan ng nanonood samin ang mga varsity player ng basketball. Tanging sila lang naman ang nasa bleachers.

"Ikaw yata ang inaasar ni Tyrone." natatawang sabi sakin ni Niccolo.

Alam kong nagbibiro lang naman sila pero iba kase kapag si Tyrone ang nagsasabi niyan, nag iiba ang salita sakin.

At naulit pa ng naulit ang kantyaw niya.

"Ay, sabi ko na, sabi ko na barbie..." rinig kong kanta ni Tyrone at naghagalpakan sila ng tawa ng kapwa niya varsity player. Parang umuusok naman ang ilong ko.

'Relax Dwayne. Focus lang sa paglaro.' kumbinsi ko saking sarili.

Natapos naman ang training namin. Hindi ako nagpakita kay Tyrone na nagpapaapekto ako sa sinasabi niya. Nagfocus lang ako sa buong laro.

Inis at galit na ang nararamdaman ko sakanya. Para bang bumalik kami sa dati na magkaribal.

Nagkakasalubong kami ni Tyrone minsan sa campus, kasama ko si Niccolo at kasama niya rin si Rex at yung isang lalakeng teammate niya sa basketball. Sa tuwing maglalampasan na kami ay pinanlilisikan ko siya sa gilid ng aking mga mata, at ganun din siya, hindi nahahalata nila Niccolo.

Isang hapon, habang naghihintay na naman kami ng mga kapwa volleyball players dito sa bleachers na matapos ang basketball ay may tumamang bola sa ulo ko. Napadaing nalang ako sa sakit. Nagtetext kase ako, tinetext ko si Niccolo kung nasaan siya, kaya hindi ko tuloy nakita ang bola na patungo sakin.

My Beautiful Rival (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora