Chapter 38: Tease

5.2K 225 35
                                    

Ang daming masasakit na salita ang sinabi ko sakanya, pero nandito parin siya. Parang nakalimutan niya na yata ang pangtataboy ko sakanya noon.

"Kinalimutan ko na lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sakin. Let's start a new memories."

"Kahit lihim lang na relasyon, tatanggapin ko." aniya.

Paano magiging lihim ang relasyon namin kung may stalker?

Speaking of that devil, baka nagmamanman na naman iyon.

Nilibot ko naman ang aking paningin sa paligid.

"Pag nahanap mo ang stalker mo, tayo na ulit." sabi ko sabay tayo. Alam kong malabo na mahanap niya ang stalker.

"Talaga?" Parang nagliwanag ang itsura niya sa sinabi ko.

Tumango nalang ako.

Naglakad na ako palabas ng park, naramdaman kong nakasunod siya sakin.

"Matagal ko ng kilala ang stalker ko,"

Napalingon ako sa sinabi niya.

"Sino?" kunot noo kong tanong, at the same time kinabahan ako.

"Matagal mo na siyang kilala."

Napaisip naman ako ng mga taong kilala ko.

Sino?

"Dahil sakanya, kaya tayo nagkakilala," hint niya.

Unti-unti ko naman naisip kung sino.

"S-si Talia?"

Tumango naman siya.

"Paano mo nalaman?"

"Nung pumunta ka ng probinsya, hinanap ko naman ang stalker na sumira sa relasyon natin."

Napalunok nalang ako. All this time, yung babaeng yun lang pala ang stalker niya. Wew!

"So, tayo na?" agad na tanong niya.

Kumalabog ang puso ko.

"Wala na tayong stalker, kase nasa Quezon na si Talia."

Kahit na wala na siyang stalker. May posibilidad parin na malaman ng pamilya ko ang relasyon namin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ayaw ko ng maulit pa na tinaboy ako ni papa.

Susugal pa ba ako?

"Ito na ang huli nating pag uusap kung sakali mang hindi mo ako piliin, kaya, ano Dwayne? Can you give me a chance?"

Naglalaban na ang utak at puso ko.

Napatitig ako sa mukha ni Tyrone. Nangungusap ang kanyang mga mata. Inaamin ko na sa sarili ko, namissed ko ang kagwapuhan ng isang 'to. Namissed ko ang lahat sakanya.

Haist! Bahala na nga sa magiging desisyon ko, na kung saan ako masaya ay doon ako.

Napatango nalang ako ng dahan-dahan.

Ngumiti naman siya ng napakatamis, at niyakap ako ng mahigpit.

Para akong lumulutang. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-rami naming pinagdaanan, ay magkakabalikan pa pala kami.

Dumiretso ako sa apartment ni Niccolo nang magkahiwalay na kami ng dadaanan ni Tyrone. Sinabi ko sakanya na wag niya akong ihatid hanggang sa bahay, baka makita siya ni papa.

Mapaglaro ang mga ngiti ni Niccolo nang pinapasok niya ako sa apartment niya.

Kahit ngumiti siya, makikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Ano, kayo na ulit?" tanong niya.

"Alam ko namang may pagtitinginan pa kayo sa isa't-isa, kaya gumawa ako ng paraan para magkausap kayo." aniya.

My Beautiful Rival (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora