Chapter 33: Hate

4.9K 217 6
                                    

Ewan ko ba, kung naaalala pa ni Niccolo ang ginawa niyang paghalik sakin kagabi. Sa training kinahapunan, na-o-awkward na ako sakanya samantalang siya parang wala lang nangyari. Hindi mababakas sa hitsura niya ang pagka-awkward sakin.

"Well red!" sambit ni Niccolo nang makapagblock ako. Nablock ko lang naman ang malakas din samin sa opensa na si Rex.

Nag apiran kami ni Niccolo sabay tapik sa braso ko. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na dumating na ang mga player sa basketball at pinanood muna kami.

"Baka naman kase type mo siya kaya mo kinakantyawan, ikaw ah, ayiee.." rinig kong tukso ng mga basketball player at nagtawanan sila.

"Yuck! Kadiri." rinig kong boses ni Tyrone.

Parang uminit ang mukha ko doon ah.

Buong laro ay hindi ko siya binalingan ng tingin. Pero parang nararamdaman ko ang matalim niyang tingin sakin.

Nang matapos na ang laro namin, palabas na ng court nang may bumangga sa balikat ko.

"Aray!" daing ko sabay hawak sa kanang balikat ko. Kase naman ang lakas ng pagkabunggo nito sa balikat ko. Paglingon ko sa nakabunggo sakin, si Tyrone na nakatalikod na nagpapatalbog na ng bola. Inirapan ko nalang siya.

Umupo muna kami at nagpahinga. Nagsimula ng maglaro ang mga basketball player nang maalis na ang net sa gitna ng court. Pinagmasdan ko si Tyrone na maangas maglaro. Tinaliman ko nalang siya ng aking paningin. Kagabi nakita niya ang paghalik sakin ni Niccolo, mukhang galit at umuwi na agad. Pero ayoko naman mag assume na nagseselos siya. Wag daw akong assuming eh.

Napatingin si Tyrone sa gawi ko at nakita niya ata ang talim ng tingin ko sakanya. Inirapan niya agad ako.

"Luh! Parang galit," pansin ni Niccolo na nasa tabi ko.

"Parang nahahalata ko kay Tyrone, na lagi siyang naiirita sayo." sabi sakin ni Niccolo. Napapansin niya din pala.

Nagkibit balikat nalang ako.

"May naaalala ka ba kagabi?" pag iiba ko ng usapan.

Nag isip naman siya ng ilang segundo. "Wala, bakit? May nagawa ba akong hindi ko alam? O ikaw ang may ginawa sakin?" malisyoso niyang tanong.

Napailing naman ako agad.

Hindi niya talaga yata naaalala. Mabuti naman.

"Ahh, naalala ko na," nagulat naman ako sa biglaan niyang sinabi.

"Yung hinalikan kita, ang sarap pala ng labi mo pare, nakakaaddict. Gusto mo ulitin ko?" bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Sa gulat, natampal ko ang gwapo niyang mukha.

"Sige, later na lang." natatawa niyang sinabi.

Pambihirang lalake 'to, bigla-bigla nalang nanghahalik ng walang pahintulot.

"Uyy, ang sweet niyo dyan dalawa." panunukso ng teammate namin. Nasa likuran nila kaming bleachers.

"Ehem, ehem, may namumuong loveteam, magsi-shift na ba ako to NicoDwayne." sabi ni Carla. Napuno na tuloy ng tuksuan sa banda namin. Nag init naman ang mukha ko, siguro sa hiya.

"Tumigil nga kayo!" saway ni Niccolo, at lalo tuloy lumakas ang tawanan nila.

Natahimik nalang ako na may ngiti sa mga labi.

Nagulat nalang ako nang may bolang lumipad sa banda namin. Napatili tuloy ang iilan samin.

"Ay! Muntik pa akong mafeslak." sabi ni Mina.

Napatingin ako sa court nang nagtatawanan na sila.

"Say sorry, Tyrone, ang lakas mo naman kaseng pumasa ng bola." natatawang sabi ng isang player.

Nagpakita nalang si Tyrone ng palad samin bilang pagpaumanhin. Umirap naman ako. Parang nahahalata ko na sinadya niyang mapunta rito ang bola. Iniinis niya ako, edi iinisin ko rin siya. Akala niya ah.

Nilibre naman ako ni Niccolo ng street foods sa labas ng skul nung uwian. Nakita ko naman si Tyrone na may kasamang babae, 'yung sinasabi niyang hinahabol niya kaya wag daw akong maging assuming na ako ang hinahabol. Pumunta rin sila dito sa hilera ng mga nagtitinda ng street foods. Ang sweet nila sa isa't-isa. Nakaakbay si Tyrone sa babae at may binubulong ito. Ngumiti sila sa isa't-isa. Tsk! Ang lalandi nilang tingnan.

"Oh, luto na." sabi ni Niccolo sa barbeque na binili namin.

Kinuha ko naman sakanya ang isaw, sinawsaw at kinain. Ang sarap.

Natawa nalang ako nang pinapaypay ni Niccolo ang kanyang labi. Napaso yata.

"Ang takaw kase eh." natatawang sabi ko.

Habang tumatawa ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata na sa katabi na namin sila Tyrone.

"Ate, pabili ng isaw." sabi ng babae.

Panay naman ang iwas ko ng tingin sa kanila.

"Masarap ba 'yan?" rinig kong tanong ni Tyrone.

"Oo naman, wow ah, rich kid ka ba at hindi ka pa nito nakakatikim?" malumanay na tanong ng babae. Gusto ko naman gayahin ang boses niyang nagpapabebe.

"Heto, ayaw mo?" turo ni Niccolo sa kwek-kwek. Tumango nalang ako. Binigyan niya naman ako. May naalala naman ako sa pagkaing 'to. Kumain kami nito ni Tyrone sa Amusement park.

"May Amusement park ba rito?" tanong ko kay Tyrone.

"Ah, oo, may malapit dito." sagot ni Niccolo.

"Bakit, gusto mong mamasyal?" tanong niya.

Nag isip pa ako ng ilang segundo. "Hmm, parang gusto ko."

"Sige, mamasyal tayo doon pag may time gumala." si Niccolo sabay biglang subo sakin ng kwek-kwek.

"Meron ako oh, sinubuan mo pa ako." sabi ko habang ngumunguya.

"Buti nga sinusubuan ka pa eh." natatawang sabi ni Niccolo.

Napatalon ako sa gulat nang may maramdaman akong malamig sa paa ko. Nakapasok sa loob ng sapatos ko ang lamig.

"Ay, nahulog." rinig kong boses ni Tyrone. Rinig ko din ang mahinang tili ng babaeng kasama niya.

Yumuko ako at nakitang may plastic cup na nahulog na naglalaman ng palamig.

Natawa nalang si Niccolo.

Pinanlisikan ko naman ng aking mga mata si Tyrone.

"Sorry kuya, hindi sinasadya ni Tyrone." ang babae ang humingi ng tawad. Si Tyrone ay kita kong may bahid ng ngiti ang labi.

Nagtiim bagang nalang ako at nagmartsa na palayo sa kanila.

"Wait, Dwayne, wag mo kong iwan." habol sakin ni Niccolo.

Pinagpag ko nalang ang sapatos kong nabasa habang naglalakad patawid ng kalsada. Tsk! Nakakabadtrip talaga siya.

"Dwayne!" rinig kong sigaw ni Niccolo. Nanlaki ang mga mata ko nang may kotseng papasalubong sakin dito sa gitna ng kalsada.


***

My Beautiful Rival (BxB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum