Chapter 12: Threat

7.4K 307 11
                                    

Kinabukasan ng hapon, ako pa ang nauna sa coffeeshop. Hindi nagtagal ay nagulat nalang ako nang makita si Kendra na pumasok kasama si Tyrone.

"Hi! Kanina ka pa?" tanong niya sabay lapag ng libro niya.

"Oo, ba't kasama mo siya?" tanong ko nang hindi tinitingnan si Tyrone.

"Gusto niya raw sumama eh,"

"Paano ka makakapagconcentrate sa pag aaral niyan?" tanong ko.

"Mapilit siya eh, Tyrone, dun ka na sa kabilang table." utos ni Kendra.

Napahilot nalang ako saking sintido at pinindot ko ng mariin ang ilong ko. Tsk! Magpapaturo raw, baka landian lang nila ang mangyayari nito.

"Mag oorder lang ako." paalam niya at pumunta na ng counter.

Kita ko sa gilid ng aking mga mata si Tyrone na nakatingin lang kay Kendra at nagsesenyasan kung ano ang oorderin.

"Okay, let's start." ani Kendra nang makabalik at binuklat na ang libro. Dumating narin ang inorder niyang kape.

Nagsimula na nga kami sa pagpapaturo niya, nagtatanong siya at sinasagot ko naman. Kita ko sa gilid ng paningin ko na nanonood lang samin si Tyrone. Parang ako pa yata ang hindi makapagconcentrate.

Napalunok nalang ako sa nakabalandrang cleavage ni Kendra, nagsusulat kase siya.

Agad akong napaiwas ng tingin nang tumingala siya sakin at nagtanong at sinagot ko naman.

Yumuko siya ulit upang magsulat. Napaiwas nalang ako ng tingin sa harap ko at uminom ng kape.

Sa wakas, natapos narin ang pagpapaturo ni Kendra.

"Nagkagirlfriend ka na ba?" tanong niya.

"Oo, kaso hindi nagtagal." sagot ko at tumango naman siya.

"Why?"

"She cheated on me." sabi ko sabay sulyap kay Tyrone.

"Oww, sad.. marami talagang nagb-break dahil dyan." aniya.

"Kilala mo lang naman kung sino ang lalake niya," sabi ko. Mukhang makakaganti na nga ako ah.

"Hmm, sino?" takang tanong niya.

Lumapit ako malapit sa tenga niya para ibulong.

"Iyang manliligaw mo." ngising sabi ko.

Napatakip nalang siya ng bibig.

Napatingin ako kay Tyrone na kunot ang mga noo na nakatingin samin.

"Pero, di naman yata niya alam na may boyfriend ang nilalandi niya." sagot ko.

"Tss, kahit na, malandi siya!" Tinaliman niya ng tingin si Tyrone. Mukhang alam niya ng siya ang pinag uusapan namin dahil nakakunot parin ang noo niyang baling samin.

Talagang malandi. Malibog pa.

Pansin ko na naging malamig ang pakikitungo ni Kendra kay Tyrone nang lumabas na kami ng coffee shop. Baka naturn-off na siya?

Nauna na akong umuwi. Iniwan ko na sila.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nag pop up na message pagbukas ko ng facebook pagkapasok ko ng kwarto.

'Anong pinagchismisan nyo tungkol sakin ah?

Bigla akong kinabahan.

Nagtipa ako agad.

                                                                                          Wala

'Baka gusto mong malaman nya ang nangyari satin?'

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now