Chapter 26: Home

4.7K 239 25
                                    

"What? Alam na nilang lahat?" gulat na tanong ni Kendra nang ikuwento ko sa kanya ang pagtira ko sa apartment ni Eros dahil pinalayas ako ni papa. Nandito kami sa coffeeshop nagkita.

Tumango nalang ako ng malumbay.

"Nakipaghiwalay ka nga kay Tyrone dahil ayaw mong mabuking, tapos 'yung stalker naman niloko ka lang." naiiling na sabi niya.

"Oh, ano, nag usap na ba kayo ni Tyrone?" tanong niya.

"Syempre hindi, nakipagbreak na ako sakanya eh."

"Kailangan may closure kayo." aniya.

Closure? Kailangan pa ba 'yun?

Matapos ng break-up namin ni Tyrone, hindi na kami nagpansinan pa. Parang hangin na ang turing niya sakin. Nakasalubong ko siya isang beses sa cafeteria. Nagbanggaan ang mga balikat namin pero parang sinadya niya. May galit talaga siya sakin. Hindi naman nahalata nina Ken ang banggaan namin ng balikat.

Kapag nagkukwentuhan ang barkada, halatang iniiwasan nila ang isyu samin ni Tyrone, nililihis sa ibang topic. Hindi na nila ginagawang big deal.

Hanggang sa isang araw, nakita ko si Tyrone mag isa sa gymnasium na nakaupo sa bleachers. Siguro ito na 'yung oras para kausapin siya. Kumabog ang dibdib ko nang malapitan na siya.

Tumingin siya sakin at kumunot ang noo.

"P-pwede ba kitang makausap sandali?" tanong ko.

Umirap siya. "Okay." malamig niyang sabi.

Nanatili akong nakatayo.

"Sorry kung--"

"Okay lang na naghiwalay tayo, tama ka, wala naman patutunguhan ang relasyon natin," malamig niyang sinabi.

"At isang pagkakamali ang relasyon natin, kita mo naman diba, nasira ang dalawang pamilya dahil satin."

Parang piniga ang puso ko sa mga sinabi niya.

Tumayo siya at tinitigan ako. Hindi ko naman kayang labanan ang titig niyang nanlilisik sakin.

"Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo, tangina mo!" mariin niyang sabi bago ako tinalikuran at banggain ang balikat ko.

Nangilid ang mga luha ko. Para bang sinaksak ng punyal ang puso ko. Umupo ako dahil nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko na napigilan ang mapaluha at pinahid agad ng kamao ko.

Ang sakit naman ng sinabi niya. Hindi ko naman 'to ginustong mangyari.

Sa isang buwan, binibigyan ako ni mama ng allowance na hindi alam ni papa. Binibisita rin nila ako sa apartment ni Eros at kinukumusta.

"Kumusta naman kayo ni Kuya Tyrone?" may bahid ng panunukso ang tanong ni Claire.

"Wala na kami, matagal na." irap na sabi ko. Hindi ko naman kase kinukwento sa kanila ang samin ni Tyrone.

"So, may pag asa na ako sakanya." siniko naman siya ni Mama.

"Buo na ba talaga ang desisyon mong manirahan sa lola mo sa probinsya?" malungkot na tanong ni mama.

"Opo, atsaka gusto ko naman doon eh." sabi ko, pero ang totoo nalulungkot ako dahil iiwan ko sila.

"Balang araw, pababalikin ka ng papa mo sa bahay, tatanggapin ka rin niya." sabi ni mama.

Sana.


Sa huling araw ng klase, nalulungkot ako. Ito na kase ang huling araw ng pag aaral ko rito sa kolehiyo dahil doon na ako sa probinsya magpapatuloy ng pag aaral.

"Dadalaw kami roon." sabi nila. Bakas naman ang lungkot ng mga kaibigan ko.

Nang makalabas na ako ng campus ay tinanaw ko ng huling sandali ang university'ng pinasukan ko. Parang piniga ang puso ko nang makita si Tyrone na nasa parking. May kasama siyang babae at sumakay na sila ng kotse.

Heto na ako, nakasakay na sa bus patungong probinsya. Malungkot kong tinanaw ang labas, kumakaway sakin si mama at ang mga kapatid ko. Gusto sana nila akong ihatid gamit ang sasakyan kaso tumanggi ako. Magiging abala pa ako sa kanila. Ang layo kase ng probinsya ni lola. Mapapagod lang sila sa biyahe. Ang sabi nalang nila, ay dadalaw sila.

Umandar na ang bus. Tila bumigat ang dibdib ko. May namuong mainit na likido sa mata ko at tumulo.




Makalipas ang mahigit walong oras na biyahe ay narating ko na ang probinsya ng CamSur. Bata pa ako nung huling punta namin dito ng pamilya ko. Bumaba na ako ng bus bitbit ang maleta. Naisip na, ito na ang bago kong pamumuhay kasama si lola. Hindi ko na kabisado ang lugar kaya nagtanung-tanong ako kung saan ang lugar na hinahanap ko. Tumawag si mama at kinumusta ang pagbiyahe ko at sinabi niya sakin na tinawagan niya si Lola na parating na ako. Sinabi niya pa ang eksaktong address ni lola.

Sumakay ako ng tricycle at makalipas ang mahigit kalahating oras ay narating ko na ang bahay ni lola.

Pinagmasdan ko ang bahay. Simple lang ito. Napapaligiran ng mga punong mangga.

May lumabas na babae at nagtaka ako.

Sino siya?

"Anong kailangan nila?" tanong ng isang ginang.

Inisip ko muna, na baka relatives ko siya pero hindi ko siya talaga maalala.

"Nasaan po si Lola Rosario?" tanong ko.

"Ahh, si Lola Rosario, doon siya nakatira." Turo niya sa sunod pa ditong bahay.

Ay, ngek!

Napakamot ako ng batok dahil sa hiya.

"Salamat po." nahihiyang sabi ko.

Naglakad naman ako doon sa tinuro niyang bahay. Halos kase pare-pareho ang bahay rito.

Nakita ko naman agad si Lola na nag iigib ng halaman sa bakuran at bigla siyang napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata niya. Ngumiti naman ako sakanya.

"Ang paborito kong apo na gwapo." magiliw niyang sabi sabay lapit sakin at yumakap. Yumakap narin ako pabalik.

Kumalas siya ng yakap sakin at namamanghang pinagmasdan ako.

"Ang tangkad mo na, at ang gwapo, kamukha mo ang lolo mo nung kabataan niya."

"Hindi naman La, mas gwapo pa ako doon eh." biro ko.

Hinampas niya naman ako sa balikat. "Ikaw talaga, pabiro kang bata ka, halika at pumasok tayo sa magiging tahanan mo na mula ngayon." Hinigit niya ako at pumasok kami sa simple niyang bahay.

***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now