Chapter 28: Waterboy

4.8K 240 19
                                    

Dumating na ang araw ng tournament. Nakasuot kami ng blue jersey shirt at black short. Sa unang laro sa gymnasium, panalo ang aming team na umabot ng 5th set. Pero sa pangalawang araw ng laro namin, talo naman kami. Bumawi naman kami sa mga sumunod na laban at lagi kaming panalo at dahil dun, umabot kami ng championship.

"Kaya natin 'to!"

Pagbibigay samin ng kumpiyansa ni Niccolo na siyang team captain namin. Magkakaakbay kaming nakapalibot sa isa't-isa saka tinaas ang kamay at sigaw ng "Fight!"

Ginapangan naman ako ng kaba sa pagsisimula ng 1st set. Magaling itong team na makakalaban namin, sila 'yung nakatalo samin. Dahil nagkulang kami sa first ball ay natalo kami sa unang set. Kita ko naman ang game face ni Niccolo. Ang seryoso niya. Tinapik niya ang balikat ko nang nag time out.

Nagsimula na ang 2nd set at panalo kami. Panay kase ang palo ng open spiker namin na si Niccolo at ni Rex na isa ring open spiker. Hindi nila hinahayaan na ma-block sila ng blocker. Samantalang ako, bantay ng blocker, madali yatang mabasa ang set sakin.

Sa 3rd set ay panalo ang kalaban, bumawi sila sa defence. Binantayan nila ng maigi ang aming mga open spiker. Kita ko kay Niccolo ang pagod pero dahil siya ang team captain ay kailangan niyang ipakita samin na dapat ay lumaban kami.

Sa 4th set, parang nararattle na kami. Parang nawala 'yung game plan namin. Match point na nila, 24-21 ang score. Nakabend ang mga tuhod ko at nakalahad ang kamay kung sakin didiretso ang bola. Pinalipad na ang bola ng server ng kabilang team at saakin nga ito patungo pero sa kasamaang palad ay hindi ko narecieve ng maayos ang bola at napalayo at hindi na nakuha ng aming libero. Nanlumo naman ako. Naramdaman ko ang pagtapik sakin ni Niccolo at nag ok sign siya sakin.

"You did your best." aniya habang nagpupunas ng pawis. Pero kahit na sinabihan niya ako nun, ay nalungkot parin ako.


Nagkayayaan naman ang buong team na mag inuman nalang kinagabihan sa bahay ng kateammate namin na si Rex. Nagpaalam naman ako kay Lola na gagabihin ako sa pag uwi at pumayag naman siya. Wag lang daw akong umabot ng madaling araw.

"Ano ka ba, ayos lang samin, sanay na kaya kaming matalo." ngiting sabi sakin ni Niccolo nang magsorry ako sa kanilang lahat. Nagtanguan naman ang iba sa sinabi ni Niccolo at ngumiti sila sakin.

Uminom naman siya sa shot glass na may lamang alak. Matapos niyang ilagok ay sinalinan niya ng bagong alak at inabot niya sakin ito. Nilagok ko narin ang alak at gumuhit ito sa lalamunan ko.

Nakaakbay sakin si Niccolo habang nag iinuman. Nagkakatawanan na kami sa kwentuhan. May dalawa kaming teammate na bakla, nagkukwento sila sa naging jowa nila noon na naging ex na ngayon.

"Ang yabang nung Paolo na yun, eh juts naman siya." madamdaming sabi ni Carla na Carlo ang tunay na pangalan.

Nagtawanan naman kami.

"Ganyan kayo, pag naghihiwalay na, sinasabi niyo juts." natatawang sabi ni Jeron.

"Totoo naman eh, kapag tinitigasan si Paolo parang skinless lang na maliit ang notabells." At naghagalpakan na kami ng tawa. Napahawak ako sa tiyan ko na sumasakit na sa katatawa.

"Buti pa si Niccolo." sabay baling ni Carla sa katabi ko.

"Luh! Sabi na nga ba, binobosohan mo ko." si Niccolo.

"Puro ka kase pabakat sa tiktok." giit naman ni Carla.

Patuloy parin kami sa tawanan. Naisip ko, alam ba nila ang pagkatao ni Niccolo o nagma-maangmaangan nalang sila?

"Bagay pala kayo maging bromance." biglang singit naman ng isang bakla na si Mina samin.

"Oy, nananahimik si Dwayne." si Jeron.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Bagay kami? Nagkaroon tuloy ng awkward samin ni Niccolo.

"Dito ka na ba for good?" tanong ni Carla sakin.

"Ah, oo, dito na ako mag aaral ng college."

"Wala ka bang girlfriend?" tanong naman ni Leo na libero namin.

Umiling naman ako.

Sa iba naman na topic napunta ang kwentuhan. Habang tumatagal ay nabibigatan na ako sa pagkakaakbay sakin ni Niccolo kanina pa.

Nag groupie naman kami. Hindi nagtagal ay natapos na ang inuman, buti nalang at konti lang ang nainom ko kaya nakakalakad pa naman ako ng maayos pero itong si Niccolo ay tipsy na.

"Ihatid na kita sainyo." sabi niya nang maghiwalayan na ang barkada.

"Hindi na, lasing ka na eh." sabi ko.

"Tss, konti lang naman ang nainom ko, ang daya mo, akala mo hindi ko nahahalata na konti lang iniinom mo." aniya.

Napangiti nalang ako.

Nagsimula na kaming maglakad sa madilim na kalsada. May mga kabahayan naman kaming nadadaanan at may posteng hiwa-hiwalay.

"Alam mo, Dwayne, unang kita ko palang sayo, nilibugan ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

What the!

Iba talaga ang epekto ng kalasingan. Kung anu-ano ang sinasambit.

Bigla naman lumapit ang kanyang mukha sa leeg ko at napaiwas naman agad ako.

"Hmm, ang bango mo," aniya habang sinisinghot ang leeg ko.

Pinigilan ko ang ulo niyang lumapit pa sakin.

"Pa isa." aniya.

Para akong kinilabutan sa sinabi niya at nagulat nang dinakma niya ang ano ko.

What the fuck!

"Patikim." aniya pa. Napalunok ako at hindi makapagsalita. Napapamura nalang ako sa isip ko.

Nakaabot naman kami sa bahay niya na wala namang nangyaring kung ano. Pinilit niya pa akong ihatid, pero sa huli ay tinakasan ko na siya nang mabuksan niya ang gate ng bahay nila at sinarado ko ito sabay takbo.

"Ba't ka amoy alak ah?" bungad na tanong sakin ni Lola. Nagising ko siya sa pagbukas ko ng pinto ng bahay. Binigyan niya ako ng spare key.

"Ah, konti lang po ang nainom ko, La." sabi ko.

"Haay, pinag aalala mo ko hijo, matulog ka na."

Nahiya naman akong napakamot sa batok.


Kinabukasan, boring, dahil wala ng laro, tapos na ang tournament na tumagal ng isang linggo. Mainit pa ang panahon. Pumunta parin ako sa basketball court baka nandoon sila Niccolo pero wala sila, may mga nagbabasketball sa court. Napanguso nalang akong bumalik at nadatnan ko si Niccolo sa labas na ng bahay nila na nagcecellphone, nakaupo sa tumbang kahoy.

Napalunok ako nang maalala ang nangyari kagabi. Naaalala niya pa kaya ang ginawa niya?

"Oh, Dwayne, sa'n ka galing?" tanong niya nang makita ako.

"Sa court, akala ko kase nandun kayo." sagot ko. Tumango siya at tumayo.

"Pahawak nitong cellphone, magtitiktok ako." aniya. Tumango ako at ako na ang umupo sa tumbang kahoy.

Lumapit siya sakin at tinuruan pa ako kung saan pipindot.

"Oo, alam ko." sabi ko.

Nag ready na siya at nag aayos na ng buhok.

"Okay ready." aniya, at pinindot ko na ang button at nagsimula na siyang sumayaw.

I wonder how, I wonder why
Yesterday you told me 'bout the
Blue, blue sky
And all that I can see
Is just a yellow lemon tree

May nahagip naman ang mga mata ko sa isang lalake na bumaba sa mini truck. Napasecond look ako, at nanlaki ang mga mata ko.

Topless si Tyrone at binuhat niya ang mineral water mula sa sasakyan. Parang nag slomotion pa siya sa paningin ko habang naglalakad patungo sa isang bahay.

Kumunot ang noo ko at heto muli ang kakaibang tibok ng puso ko na sakanya ko lang maramdaman.

Anong ginagawa niya dito?



***

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now