Chapter 6: White

9K 357 57
                                    

Paika-ika ako habang inaalalayan ni Tyrone papasok ng building. Akala ko nawala na ang sakit sa paa ko pero nung lumakad ako ay kumirot ito bigla. Para bang may naipit na ugat.

"Sabi na kasing dalhin na kita sa ospital." si Tyrone habang nasa elevator kami.

Suminghap nalang ako.

Sa 4th floor ang unit niya. Pagkapasok namin ay kinuha niya agad ang sinasabi niyang ointment sa may divider.

"Ako na," sabi ko sabay kuha sakanya.

Nakahalukipkip lang siya habang pinapanood ako.

"Dito ka na matulog." aniya.

Masakit ang paa ko. Nakakatamad ng maglakad. Baka bukas ng umaga, magaling na 'to. Kaya sige dito nalang ako magpapalipas ng gabi.

Pinapatulog niya ako sa kama pero nagpumilit ako na sa couch niya nalang. Nakaramdam na ako ng antok at bumigat na ang talukap ng mga mata ko.





Nagising ako sa sinag ng araw sa may glass window. Narinig ko ang boses ni Tyrone na kumakanta sa banyo.


'Pag automatic na ang luha
Tuwing naghahating-gabi
'Pag imposibleng mapatawa
At 'di na madapuan ng ngiti..


Lumabas naman si Tyrone sa banyo na bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya. Kumakanta parin siya.

Kumapit ka kaya
Sa akin nang ikaw ay
Maitangay sa kalayaan ng ligaya
Tayo na, tayo na
Ika'y magtiwala sapagka't ngayong gabi
Ako ang mahiwagang elesi..

Infairness, maganda ang boses niya.

Pumikit ako bigla nang lumingon siya sakin dito sa kama. Narinig ko ang pagbukas niya ng kanyang cabinet. Minulat ko ng konti ang isa kong mata at naaninaw ko ang pag alis niya ng tuwalya. Nakita ko tuloy ang puwet niya.

Wow! ang puti.


Nakatalikod siya at nakaharap sa cabinet habang sinusuot ang kanyang boxer.

Napapikit ako ng mariin nang lumingon siya sa gawi ko. Ewan ko ba, bigla akong kinabahan. Baka sabihin niya binobosohan ko siya.


Naramdaman kong kinalabit niya ako sa tagiliran. Kunwareng nagising ako at nagkusot ng mga mata.

"Umaga na?" tanong ko at bumangon na. Nakabihis na siya ng white shirt at black short.

Tumango siya. Tinignan ko ang cellphone kong may text ni Eros kung nasaan daw ako. Napaisip naman ako. Hindi pwedeng malaman nila na na nakitulog ako sa condo ni Tyrone.

'Umuwi ako sa bahay.' reply ko.

May nagdoorbell naman at pinagbuksan ito ni Tyrone. Kinabahan pa ako. Baka kapamilya niya ang naroon. Nakahinga ako ng maluwag nang tumambad sa pinto ang delivery boy na may dalang pizza box.

"Kain ka na." aya niya sabay lagay ng pizza sa mesa.

Dumiretso muna ako ng banyo. Wala na ang kirot ng paa ko. Nakakapaglakad na ako ng normal.

Bumalik na ako at umupo sa harap niya. Ang bilis niya naman kumain, halos kalahati nalang ang pizza.

"Kain." aniya habang puno pa ang bibig ng pagkain.

Kinuha ko ang isang slice ng pizza at ito'y kinain.

"Parang babae ka naman ngumuya." nakangising sabi niya.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now