Chapter 5: Boxers

9.6K 350 91
                                    

Napasapo nalang ang kamay ko sa noo nang maalala na naiwan ko pala ang damit kong nabasa sa banyo niya. Ang balahura ko naman.

Kasalukuyan ko ng nilalabhan ang pinahiram niyang damit. Tinignan ko naman ang boxer niya matapos kong ikusot. Naalala ang sinabi niya. Tsk! Akala mo naman. Eh ang panghi naman ng boxer niya. Natawa ako sa naisip ko.

Nagtanong ang mga kaibigan ko kung ano daw ang dala ko sa paper bag kinabukasan sa school.

"PE uniform ko 'to." palusot ko.

Nakatambay kami sa bench sa gilid ng football field kinahapunan. Palinga-linga naman ako kung nasaan ang gago. Siguro nasa basketball practice.

Nang matanaw namin na papalapit na si Barbie ay naisipan ni Eros na manood ng basketball kaya pumunta na kami ng basketball gym. Nagets din namin agad ang anyaya ni Eros. Nilalayuan niya lang si Barbie. Naabutan namin naglalaro ang mga varsity player. Nakita ko si Tyrone na seryosong naglalaro. Naka jersey'ng suot. Pawis na pawis.

"Booo!!" kanyaw ni Ken kay Tyrone na hindi na-shoot ng 3 points ang bola. Kahit kailan talaga, ang mga kaibigan kong 'to lalo na si Ken, mahilig mangantyaw.

Natapos naman na ang laro. Nang lumabas na kami, kunware ay may naiwan ako sa gym.

"Mauna na kayo, may naiwan ako." sabi ko sa kanila at bumalik na ako sa loob ng gym. Nakita ko naman pumasok na ng locker si Tyrone kaya sinundan ko siya.

Naabutan ko siyang hinubad na ang jersey niyang pang-itaas at nagpupunas na ng pawis. May abs ng konti. Tumaas ang kilay niya nang makita ako.

"Uhm, isosoli ko pala itong hiniram kong damit sayo, salamat." sabi ko sabay abot sa kanya ng paper bag.

"Ito rin 'yung damit mo." Kinuha niya sa locker niya ang paper bag at inabot rin sakin.

"Nga pala, sa pagmamadali ko, di ko namalayan na nasuot ko 'yung boxer mo."

What the!

Ngumisi niya. "Sorry, ibabalik ko din naman."

Nabaling ang tingin ko sa short niya at nakita ang garter ng boxer ko na suot nga niya.

Kinuha niya ang inabot kong paper bag. Nang kukuhanin ko ang paper bag na abot niya ay kunware niya itong nabitawan.

"Ay!" nagulat ako.

Nasalo din niya naman agad.

"Ay! Sabi ko na." Ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko.

May binulong siya pagtalikod niya, pero narinig ko naman.

Anong barbie?

Naghubad siya bigla ng jersey short kaya nakita ko na ang boxer ko na suot niya. Fit na fit sa kanya.

Lumingon siya sakin at kinindatan ako bago pumasok ng cubicle.

What the!

Ano yun? Tsk!

Napailing nalang ako at lumabas na ng locker room. Kita ang pagtataka naman ang mga ka-teammate ni Tyrone na naroon ako sa locker nila. Binalewala ko nalang ang tingin nila at lumabas na ng gym.

"Cheeers!!!"

Sabay-sabay kaming nag umpugan ng baso na may lamang alak. Nandito kami ngayon sa isang bar ngayong gabi. Hahanap na naman daw kasi sila ng babae.

Hindi nagtagal ay pumunta na kami sa dancefloor. Talon ng talon ang mga kaibigan ko habang may hawak ng baso. Habang nag he-headbang ako ay nagulat ako nang may nabunggo ako saking likuran.

My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now