kabanata 60

420 11 2
                                    

Nanatili akong nakatingin sa kanya, pinapakiramdaman ko ang bawat emosyon na pinapakita ng mga mata nya. Alam kong nagagalit na sya. Ramdam ko ang bagay na 'yun.

Mula sa pagyukom ng mga kamao nya hanggang sa paraan ng pagtingin nya sa Madam ng mga Gideon: Galit sya.

"Mico..." I mumbled,

Ngunit parang hindi nya narinig ang bagay na 'yun, nanatiling diretso ang tingin nya sa babaeng nasa gitna. Pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay. Una, kinuha ang pamilya ko saakin tapos ang reputasyon ko na pinagkaingat-ingatan ko. Ngayon naman ang lugar na mahalaga sa taong ito.

Nabaling muli ang atensyon ko sa harapan ko nang marinig ko nanaman ang pagsabog. Parang biglang nagtaasan ang mga balahibo ko nang mapagtanto kung saang parte ng isla 'yun.

"Ang f-falls," nanghihinang saad ko.

Nakita ko ang hindi mabilang na bomba na binagsak sa parteng 'yun. Sa lugar kung saan minsa'y tinangka ni Mico na kitilin ang sarili nya. Lugar kung saan natuto syang huwag makaramdam ng takot. Pumatak ang luha sa mga mata ko habang nakatingin doon. Napakasakit isipin na wala man lang akong magawa para pigilin ang bagay na 'to dahil hawak pa rin nya ang buhay ng pamilya ko.

Napauwang ang labi ko nang muli kong lingunin ang direksyon ni Mico at wala na akong nakitang lalaki doon.

"Ahhh!"

"Mico," I mumbled as I heard the Madam shout.

Nakita ko ang pagtumba ng mga lalaking may hawak sa pamilya ko kanina. In my adrenaline, I run towards them. Nananabik akong mahagkan silang muli, pero natatakot akong baka hindi ko muna ipagpauna ang bagay na 'yun.

Mabilis kong kinalas ang pagkakatali sa mga paa at kamay nila. Inuna kong puntahan si mommy, ngunit agad ko namang kinalasan din si Ryleigh.

Parang may kumurot sa puso ko nang makita ko ang mamasa-masang mata ni mommy habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya ngunit lumuluha ang mga mata ko. Hindi ko mapigilang masaktan habang nakatingin sa kanya.

"A-are you okay, mom?" nahihirapan na tanong ko.

"A-anak..."

Pasimple kong nilingon ang direksyon ni Ryleigh. "Ate," saad ko bago gumapang sa direksyon ng dalawang armadong lalaki kanina na ngayon ay nasa lapag na. Kinuha ko ang dalawang baril doon, pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto kung nasaan ang mga magulang ko.

"Protect yourselves—"

"Saan ka pupunta?" Pagalit na tanong saakin ni Ryleigh.

Inabot ko sa kanya ang dalawang baril na hawak ko bago ako tuluyang sumagot. "I will after him,"

Hindi na ako nag-antay pa ng sagot nila. Mabilis akong tumayo, kahit na iika-ika ako ay naglakad ako papalapit sa direksyon nila Mico. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang marinig ko nanaman muli ang malakas na pagsabog.

"No!" Rinig kong sigaw ni Mico.

Para akong biglang nanghina. Sa bonsai garden nanaman ang mga binagsak nilang mga bomba. Kung nakaligtas ang lugar na 'yun sa unang pagsabog ay siguradong hindi ngayon. Hindi baba sa sampung bomba ang sumabog. Halos mabingi-bingi ako sa lakas ng mga tunog na ginagawa ng bagay na 'yun pero pinili ko na magpatuloy sa paglalakad.

An annoying occupied my ear, sa sobrang lakas ng pagtawa na 'yun ay parang mas nakakarindi pa 'yun kaysa sa bomba. Tinapunan ko ng tingin ang babaeng 'yun. Hindi ko na dapat ikataka pa ang pag-aasal ng isang 'to: may problema nga talaga sya sa pag-iisip.

"Itigil nyo 'yan!" parang may sumaksak sa puso ko nang makita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Mico habang nakatingin sa kabuohan ng isla.

Ang dating magandang isla ay ngayon pinupulbos na ng apoy. Hindi ko maiwasang masaktan para dito. Ako na baguhan palang na nakakita sa islang ito ay parang ingat na ingat sa lugar na ito, masakit na saakin nang makita ko ito na masira pero paano pa kaya ang taong nagtago sa paraiso na ito ng ilang dekada. Ito ang tahanan ng lalaking mahal ko.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now