kabanata 29

689 22 2
                                    

"What is this place?"

Naglalakad sa gilid ko si Mico, pero ang atensyon nya ay nasa nilalakaran din namin kagaya ko. Puro kulay itim lang ang nakikita ko sa paligid, mukhang pinanindigan talaga ng lalaking ito ang theme ng bahay nya.

Nanliliit ang mga mata ko habang inaaninag ang maliit na liwanag sa dulo ng hall na ito. Parang walang katapusan kung lakarin ang bahay nya. Animo'y kakasya dito ang ilang daang katao.

"This is the lost Muerto Gurreiro Headquarters..."

Nag angat ako ng tingin sa lalaking naglalakad sa tabi ko nang bigla 'yung magsalita.

"Lost headquarters?" I ask,

Binaling ni Mico ang tingin nya sa lahat pader sa kanan nito. "Every wall of this house tells thousand of stories. Mga kwento ng saya, lungkot at pighati. Mga kwentong kahit anong gawin ko nanatiling bukod tangi."

I pressed my lips before I roam my look around, "parang ang dami namang sekreto ng lugar na ito."

Ang mga nagtataasang pader na punong puno ng iba't ibang disenyo pero iisa lang naman ang kulay. Itim na hinaluan ng katiting na puti. May mga torch na nasa gilid nito kaya hindi nagmumukhang madilim ang paligid, at dahil din sa ilaw na 'yun na bibigyang diin ang kagandahan ng iba't ibang disenyo na nasa pader.

"And this place is way so quiet..." I murmured. Tanging tunog lang ng mga yabag namin ang naririnig ko sa paligid at wala ng iba bukod doon.

"It is because no one knew this place." Mahinang saad nya,

I take a glance at him with a confuse look. "huh? Paano nangyareng walang may alam sa lugar na ito?" Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong paligid. Sa tansya ko kakasya ang isang higante sa taas ng ceiling na ito.

"This place seems to be a meeting place of hundreds." Komento ko habang nakatingin pa rin sa lugar.

Natigilan ako sa paglalakad nang biglang huminto sa paglalakad ang lalaking nasa tabi ko. Bumakas ang pagtataka sa mga mata ko nang balingan ko ito ng tingin. I'm about to speak when he already spoke.

"Nandito na tayo," he said, "come here, Rei."

Taka kong binalingan ng paningin ang paligid. Puro mga pader lang naman ang nakikita ko dito, eto na ba ang pinunta namin dito? 

"Eto na 'yun?" I ask,

"Stand by me, you'll see what I mean." he replied,

Nagtataka man wala akong nagawa kung hindi maglakad palapit sa kanya. Wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid, tanging mga itim na pader lang.

Kumunot ang noo ko nang makita ko na parang nabigla si Mico nang makalapit na ako sa kanya.

"Why?" inosenteng tanong ko, "I thought you said--" 

"Are you comfortable when I'm near?" biglang tanong nito saakin, "or should I..."

Ilang beses akong napakurap nang makita ko na muli na naman itong humakbang patalikod. "No... no, I'm fine," 

"you sure?" 

Tumango nalang ako sa tanong nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. I have no idea why but I felt sudden comfort when I'm with this guy.

"Anong mayroon dito?" I ask,

"underground portal," 

Nilingon ko ang katabi ko nang makita ko ang biglang pag-angat ng mga sahig. Namilog ang mata ko habang pinagmamasadan ang pag-galaw ng lupa.

"A-anong nangyayare?"

"Relax, Rei. Nasa isang elevator tayo--"

"Anong elevator?" takang tanong ko bago lingunin ang paligid, "nasa ang elevator? I see none, Mico."

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now