kabanata 15

844 16 1
                                    

"Mei, help us carry some..." saad ni Kyl,

Lumapit ako sa direksyon nila, ang buong atensyon pa rin ni Kyl ay nasa pagbababa ng mga pinamili nila. Habang ako ay naka Jerome lang ang tingin ko.

Batid kong nahihiya si Jerome habang nakatingin saakin ngayon. Kitang kita 'yun sa mga mata nya, walang gana akong tumingin sa kanya bago ko inilapt ang tingin ko kay Kyl.

"Mei," Kyl called,

Pinilit kong ngumiti nang magtama ang mata namin ng isang 'to. Ayoko na mapansin nila na may mali sa kilos ko. Mabibilis pa naman silang mag-isip.

"Why?" I ask as I grab some plastic bags. Magagaan lang naman ang laman ng mga 'yun kaya hindi ako nahirapan.

"That Mayor want to see you," natatawang saad ni Kyl saakin, "mukhang magpapalakas para sa eleksyon.'

Kung noon ang mga simpleng biruan na 'yun ay nakakapagpatawa talaga saakin. We trust each other, sino ba naman kasing mag aakala na lolokohin kami ni Jerome. Gayong pinagkatiwalaan namin sya ng husto.

"Oh," patay malisya na saad ko. 

Casual akong naglakad papasok ng bahay, para ilagay doon ang pinamili nila. Hindi ko akalain na makikita ko dito ang taong 'yun.

"Nandyan daw si Jerome?" Bungad na tanong saakin ni Esha,

Tumango lang ako, "saan ilalagay 'to?"

"Just drop those near the sink," Saad ng babae sa likod ko.

Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa nagsalita, boses palang alam kong si Kyl na 'yun. Binaba ko na ang mga hawak ko malapit sa sink.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Naririnig ko nanaman ang tawanan sa salas, mukhang nandito na ang manloloko na 'yun.

"Kakandidato ka ulit, Rome?" I heard Esha ask as I step closer to them,

Jerome chuckled, "Sanay na ako sa ganon ih,"

"Gantong mga tao ang dapat tularan," Khaning proudly said, "naglilingkod ng tapat sa bayan."

"Tama," Shiela agreed, "kailangan natin ng maraming ganyan."

Mariin akong napapikit nang marinig ang mga pagpuri nila kay Jerome. Naramdaman ko ang pag-angat ng dugo ko sa ulo ko. Damn, how could he afford to fool my friends and most importantly... the nation.

"Hindi rin," pabalang na saad ko na kinatahimik nila.

Nanunuri ang mga mata ni Kyl habang nakatingin saakin, si Esha naman ay mukhang nagatataka, ganon din si Khaning. Hindi ko na inintindi ang mga reaksyon nila. 

Walang emosyon ang mga mata ko nang lingunin ko si Jerome. Kampante naman nya akong tinignan, mukhang sanay na sanay na sya sa ganitong bagay.

"In this up-coming election, I want vote the right people for any position."  Kalmadong saad ko sa kanila.

Jerome laugh trying to break the silence, "eto talagang si Meimei oh,"

Nagkibit balikat nalang ako, "Tamang tao at mapagkakatiwalaan dapat ang maluklok sa pwesto. Hindi 'yung taong akala mo naglilingkod ng tapat, kabaligtaran pala ng lahat."

Nilingon ko si Jerome nang sabihin ko ang huling kataga. Kumurba ang ngisi sa labi ko nang makita ko na tumawid ang takot sa mata nya.

"Mei," I heard Khaning mumbled,

Mula sa gilid ng mata ko nakita ko ang pagtayo ni Jannilyn. Mukhang naramdaman nito ang pag angat ng tensyon sa loob ng kwarto.

"Mei, what's going on?" bulong nito nang makalapit na sya saakin.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now