kabanata 35

640 18 2
                                    


Pinanood ko ang dahan-dahan na paglubog ng submarine, nakatingin lang ako sa mga mata ng lalaking 'yun. Nasa dalampsigan na ako at marami na akong naririnig na ingay galing sa pampublikong mga sasakyan. Malayong malayo ito sa tahimik na Isla de Regidor.

"Oh, bili na kayo mga suki!"

"Mura dito! Tilapya!"

Para akong nabingi sa ingay ng paligid. Alam kong kung may mamakita saakin na nakatayo ngayon, at nakatulala sa harap ng dagat. Iisipin nilang may sakit ako sa pag-iisip. Pero sa oras na 'yun, hindi ako natinag at pinanatili ko ang tingin sa lalaking nasa loob ng sasakyang pandagat na 'yun. Parang may humaplos sa puso ko nang masundan ko ang pagbuka ng bibig nya.

Goodbye, my moon

Sabay ng pagkurap ko ang paglaho ng sinasakyan nya. There is a part of me being sad, but I chose not to listen to it.

I pull myself together before roaming around. Maraming mga tao na sumisigaw para tumawag ng atensyon sa mga bumibili sa kanila. Maraming mga paninda na nagkalat sa lapag, kaya ng mga isda, gulay at marami pang iba. At hindi din maikakaila ang dami ng tao sa paligid... parehong mga tindera at mamimili.

"Ate, bibili ka ba?"

I take a glance at the right side. Nakita ko doon ang isang bata na nagbebenta ng mga isda. Halata ang pagkamadumi ng mukha nga batang ito, kahit ang mga kuko nya sa paa ay halos mapuno ng putik. Pero kahit may kapayatan ang isang ito... lumilitaw pa rin ang ganda ng ngiti nya.

Smile show at my face automatically as our eyes meet. Nagbaba ako sa mga pechay na nilalako nya, may isang placard doon na may nakalagay na 10.

"Ate, bumili ka na." she said,

I smile at her, "Wala kasi akong dalang pera, pero kung gusto... tutulungan nalang kitang makabenta?"

Nagtatanong ang mga mat anito, animoy hindi makapaniwala sa winika ko. "t-talaga po?"

Tumango ako bago maglakad palapit sa kanila. I really believe that every child must nurtured right. Sa kanila nakadepende ang kinabukasan ng mundo, may mga pangarap ang mga batang ito... may mga gusto silang gawin sa buhay. At walang nakakaalam sa ating lahat kung gaano kalaking impact ang maiiwan sa mundo ng mga pangarap nila.

"ilang taon ka na ba?" I ask,

"siyam po," mahinang saad nya bago umayos ng tayo. "Pechay kayo dyan, pechay po!!"

Tumayo ako ng maayos sa gilid ng isang ito. As I step near her and look at the world, I got the point of view too. May mga taong nag-iinuman sa tabi ng kalsada, at kitang kita 'yun sa kintatayuan nya. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang mga babaeng nagsisigawan sa harapan naming. Pero hindi 'yun alintana ng batang nasa gilid ko, ginagawa lang nito ang pagtatawag sa mga tao na bumili ng paninda nya. Nagsasawalang kibo lang sya sa mga nangyayare sa paligid, na animo'y hindi na 'yun bago sa paningin at pandinig nya.

"Ga'no katagal mo na 'tong ginagawa?" I asked,

Sa kabila ng pananahimik nya, alam kong apektado pa rin sya sa gulo ng mundo.

She shrugged, "hindi ko na po tanda, medyo matagal-tagal na rin po siguro. Nag mamaintance na po kasi ang mama ko, ang papa ko naman po sumama na sa iba."

"Pechay!" she shouted before continuing, "sila ate at kuya naman po ay may sari-sarili ng mga pamilya. Kaya ako nalang po ang tumutulong kay mama."

"Binili na po kayo ng pechay!" sinigurado ko na malakas ang boses ko nang sambitin ko 'yun. "Isang pechay ho ay katumbas ng tulong."

Nakita ko ang tinginan ng mga tao saamin. Parang biglang tumahimik ang buong paligid ng sambitin ko 'yun, pero hindi ako natinag.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon