kabanata 53

478 11 4
                                    

Binalingan ko ng tingin ang gilid ko, kung saan nandoon ang bukana at pasukan ng veranda. Nanatiling nakayuko ang ulo ni Ally habang nakapatong 'yun sa lamesa. Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, paran nakikipagkarera 'yun.

Save Amelia...

Agaran akong tumayo, na para bang nasa gitna ako ng isang panganib. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maniwala sa sinabi ni Mico, hindi ako si Amelia pero malapit ito saakin. Kung sino sy ay 'yun ang dapat kong alamin.

"Bakit ka nagmamadali, Amelia?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yun sa likod ko. Sa hindi malamang kadahilanan gumapang sa sistema ko ang takot. I pull myself together as I look at the woman whom talked at my back.

"diba't nagkakasiyahan pa kayo ni Ally kanina?"

Marahas akong napalunok nang makita ko ang kakaibang ngisi sa mga labi nya, hindi nya naman 'yun pinapakita noon. Kahit ang mga mata nya ay hindi din maintindihan ngayon, namumula ang gilid nito. Is she using drugs?

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin ako sa kanya, "m-may kuk-kunin lang ako,"

I want to slap myself at this time, for I can't hide the nervousness I felt. Even the liquor I drink a while ago, didn't save me.

She tilted her head as she laughed, "Amelia... Amelia," naiiling na saad nito saakin.

Napaatras ako nang humkbang ito papalapit saakin, sa bawat hakbang na ginagawa nya lumalakas ang pagtawa nito. Para akong nakahaharap sa isang baliw ngayon, na hindi ko naman nakita at napansin noon.

"Anak," she mumbled, at this time her tone became more serious. "bakit ka lumalayo? Come here, mommy wants to talk to you."

Mas lalong gumapang ang kaba sa sistema ko, pero pilit kong pinapapatag ang bawat emosyon na nararamdaman ko. Ni kailan man ay hindi ako kinausap ng ganito ng aking ina.

"You are sick in head," mahinang saad ko,

Pinagmasdan ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya, mula sa pag ngiti ay napalitan 'yun ng pagkunot ng noo. Humakbang ako ng isa pa patalikod, napauwamh ang labi ko nang maramdaman ko ang bakal na hawakan ng hagdan. Damn it, it's a staircase railing...

"Amelia, I don't teach you like that!" she suddenly shouted,

"Mom," I mumbled, pasimple kong nilingon ang likuran ko, napakalapit ko ngayon sa baitang ng hagdan. Natatakot akong magkamali ng pag-hakbang dahil na sisigurado ko na malalaglag ako doon. Muli kong binaling ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"what it is?" she asked,

Nanliit ang mata ko nang mapansin ang nailawan na patalim na hawak nito. Ngayon ko lang nakita ang bagay na 'yun. Where did she get that?

This woman is really crazy.

"If I just know that you will end up like that," humigpit ang pagkakakapit ko sa raillings nang muli itong magsalita. Inalabas na nito ang patalim na kanina'y hawak-hawak nya.pinadaos-usan nya ng kamay ang patalim nyun.

"can you put that down," pilit kong pinapatatag ang boses ko habang nakatingin sa kanya. "mom..."

Nakita ko ang pag ngisi nito saakin, "pinatay na sana kita noong bata ka palang," kasabay nang pagbigkas nya ng huling salita ay ang pag angat ng patalim sa kamay nya.

Ramdam ko ang pag lamig ng palad ko habang direkta pa rin akong nakatingin sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko dito, dahil ramdam ko na wala sya sa tamang katinuan. Hindi malabong masaktan ako nito ngayon.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon