kabanata 3

1.2K 28 4
                                    

 Kabanata 3: Why and How?

Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga asong palapit sa akin. Ramdam ko ang mga pagtingin nila sa akin, pati narin ang mga presensiya ng tao na nakapaligid sa lokasyon ko.

I am cornered.

"Mei?" I heard Jerome called.

My jaw clenched as I glance at him. Ngayon wala na akong pagpipilian, at wala rin akong pakialam kung anong mangyare. I pull myself together as I stand.

Ramdam ko ang paghapdi ng braso ko, pero hindi ko 'yun ininda, ni tinignan ay hindi ko ginawa.

"Wag nyong pakawalan ang mga aso!" I heard Jerome ordered.

Kumukulo ang dugo ko nang balingan ko ng tingin ang kasama nyang lalaki. Hanggang ngayon hindi ko parin lubusang mapaniwalaan ang lahat. Bakit nya kasama ang demonyong ito?

He kidnapped my friend and torture her, now he is with the nation's trusty person. Niyukom ko ang kamao ko bago ko salubungin ang tingin ni Jerome. Halata ang kaba sa mukha nya. Alam kong maraming tao na nakapaligid sa akin. Ang iba sa kanila ay mga tauhan ni Jerome. At wala akong pakialam sa iba pang mga tao na nakapaligid sa akin.

"You are a tyrant," Mariin na saad ko habang nakatingin kay Jerome.

"Risimei," Nag aalangan nyang nilingon ang lalaking nasa gilid nya. "you are mistaken."

Pasimple kong nilingon ang lalaking nasa gilid n'ya. Nanatiling masama ang tingin ko dito, pero parang wala lang sa kanya 'yun. Parang wala lang nag bago sa expression ng mukha nya. Ni kaba ay hindi ko mabasa sa mga mata nya.

What should I expect to a demon?

"Kaya pala, kaya pala..." Tatango-tangong saad ko. "Ngayon... alam ko na kung bakit mo kami laging tinutulungan, kasi pinagtatakpan mo lahat ng baho mo, Jerome!"

Humakbang ako papalapit sa kanya. Napalunok ako nang makita ko ang pagtama ng mga pulang ilaw sa damit ko. Damn. There are a lot of snipers here.

"Fuck you, Rojo!" Malutong na mura ko bago itaas ang gitnang daliri ko sa kanya. "Niloloko mo kaming lahat!"

"Risimei..." He murmured. Bakas ang pagkataranta sa mga mata nya. Makailang ulit din nyang sinulyapan ang lalaking nasa gilid nya.

"Don," Jerome murmured as he sensed the movement of the man standing near him.

Halos hanggang siko lang nito si Jerome. Pero ang tangkad nya ay bumabagay sa mukha nito. Pero kahit gaano kagwapo ang lalaking 'to, hindi parin matatakpan ang mga masamang gawi n'ya.

"At ikaw!" Matapang na saad ko.

I am fully aware on the number of guns that pointing in my head right now. Pero mas nanaig ang galit sa sistema ko. How could this people act normal—as if they don't hurt innocent people? Hindi ba nakokonsensiya ang mga 'to?

"Mei, calm down." Mabilis kong sinalag ang kamay ni Jerome. Nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Inis na tanong ko sa kanya, "Jerome, hindi ka ba nahihiya? Pinagkakatiwalaan ka ng taong bayan kasi akala nila maglilingkod ka para sa bayan, tapos ano 'to?"

Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Ano 'to, pera-pera nalang lahat?"

"Risimei!" Mariin na saad nya sa akin, pinamilugan din ako nito ng mata.

"Bobo ka kasi!" Sigaw ko sa kanya, "Kung gusto mong yumaman dapat nag negosyo ka nalang, hindi 'yung nanloloko ka ng mga taong naniniwala sayo!"

I oath to stand for those people of government. Hindi ko hahayaan na may maloloko. At ayokong-ayoko sa mga taong ganito.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now