kabanata 39

537 16 2
                                    

"Ang laking pera ang mawawala saatin," pag-uulit ng lalaki.

Mariin akong napapikit. Bakit ba maraming mga tao ang nabubulag sa salapi? Walang magagawa ang pera kung hindi naman papatulugin ng 'yong konsensya. Walang magagawa ang karangyaan, kung hindi mo naman talaga malalaman ang kahulugan ng kalayaan.

"hindi ba kayo nag-iisip?"

Namayani ang galit ang inis sa damdamin ko. Hindi na ako nakapag-isip ng tama, hinawakan ko ang baril na dala ko kanina. 

I stand slowly, "Bobo ba kayo?"

Napunta saakin ang atensyon nilang lahat. Walang gana kong tinignan ang bunganga ng baril na nakatutok saakin ngayon. Dahil sa pagtayo ko, mas malaya kong nakikita ang mga itsura ng lalaki na nasa harapan ko.

Alam ko na nagulat din sila. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko nararamdaman ang kaba, ganoong alam ko na nasa panganib ang buhay ko ngayon.

"Para sa pera, maninira kayo ng buhay ng iba?" Inis na saad ko,

The man they called Don smirk at me. "Tantay pala ang isang 'to, kaya lang hindi nag-iisip."

Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa banyagang nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali isang chinese ang isang ito. Base sa pagkakasabi nya ng mga bagay na 'yun, mukhang matagal na syang nakatira sa Pilipinas dahil bihasang-bihasa na ito sa lenggwahe natin.

"Intsik pala ang isang 'to," Naiiling na saad ko sa kanya. 

Napalunok ako nang biglang itutok nito sa noo ko ang isang baril. Naramdaman ko ang lamig na buhat nyun sa noo ko.

I pressed my lips, "Can I say something before I die?"

Narinig ko ang tawanan nila, "feel free, Tantay."

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko ang isang basag na salamin sa likod ng lalaking ito, nag rereflect 'yun sa mga tao na nasa taas. Nakita ko ang uniporme ng mga pulis doon.

"The law couldn't be break by small mind," Nakangising saad ko sa kanya. "and with that statement... you've tried but seems not enough."

Mabilis kong sinapa ang sikmura ng lalaking ito sa harapan ko. Nakita ko ang pagbulagta ng dalawa pang lalaki na kausap nya kanina. Nakita ko ang mga balang tumagos sa katawan nilang dalawa.

"Mei, bakit ka sumunod?" tanong ni Luzane saakin,

I glance at him, "Nasan na ang mga bata?"

Inalalayan ako nito na maka-akyat sa hagdan. Ang dalawa pang pulis na kasama nila ay syang nag posas sa tinatawag nilang Don kanina. 

"Na rescue na silang lahat, wala namang nasaktan sa mga ito."

Marahan akong tumango sa kanya. "Anong nangyayare sa labas?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na itanong ang bagay na 'yun, dahil sunod-sunod na putukan ang umalingawngaw sa paligid.

I thought everything is under control.

"May mga dumating kasi," Luzane said, kumunot ang noo ko nang mahalata ko nanaman ang inis sa boses nya. Pero pareho kasi kami ng lalaking ito na galit sa masasamang tao, baka isa 'yun sa nakaapekto sa emosyon nya. 

I take a step near the door, "sinong dumating?--"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang malakas na pagsabog. Napatakip ako ng ilong ko nang makita ko ang paglabo ng paligid dahil sa makapal na usok.

"L-Luzane," uubo-ubong saad ko. 

Ramdam ko ang pagkati ng lalamunan ko dahil sa usok na nalalanghap ko, parang bumabara din 'yun sa ilong ko. Nahihirapan na akong makahinga... nahihirapan na rin akong makakita pa. Kinapa ko ang pader na nasa gilid ko. 

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now