kabanata 61

431 12 3
                                    

Sa mundong pabago-bago, dapat handa ka sa mga mangyayare sa buhay mo. Hindi mo aasahan na gugulatin ka ng mundo sa mga surpressa nito. Ang simple ay pwedeng maging malalala sa isang iglap, kaya dapat lagi kang handa. Ngunit ang mga bagay na 'yun ay tila na limot ko na.

Mamasa-masa ang aking mga mata habang nakatingin sa babaeng nakaratay sa kama. Parang may kumurot sa puso ko habang nakatingin sa kanya.

I pressed my lips, ang gusto lang naman namin ay ang makawala sa mundong ito. Hindi ko maiwasang maisip: kung hindi sana ako tumulong sa aksidente na 'yun baka ngayon masaya na kaming naninirahan sa ibang bansa. Baka ngayon masaya na kaming magkakasama na naninirahan doon. Pero may mga inaasahan na magagap.

Your life won't run with sun shines and rainbows every day. I am aware on that... I just can't help but to feel surprise.

"Mei,"

Nanatili akong nakatingin sa ina ko na wala pa ring malay hanggang ngayon. Malinaw kong narinig ang pagtawag saakin, pero hindi ko inabala ang sarili ko na lumingon.

"Mei,"

"unggoy," Naramdaman ko ang pagpalo sa braso ko kasunod nang pagtawag saakin ni Esha, pero nanatili akong walang kibo,

"Mei, you need to eat..." mahinang saad ni Kyl sa gilid ko. "...baka ikaw naman ang mag passed out."

"Babanatayan ko muna si mommy," mahinang saad ko,

"Mei, tara na," saad ni Khaning sa gilid ko.

I pressed my lips, nanatili lamang akong nakatingin sa ina ko na nakaratay pa rin sa kama.

"Pag hindi ka sumama saamin, bubuhatin ka talaga namin." May pagbabanta sa tinig ni Esha nang sambitin nya 'yun.

I heard footsteps louder, "game ako jan, saang side ba ang bubuhatin ko?" rinig kong saad ni Khaning kasabay nang pag-hawak nito sa mga binti ko.

Namilog ang mata ko nang maramdaman ko 'yun. Akmang ibubuka ko pa ang bibig ko nang maramdaman ko ang pag-hawak muli sa kabilang side ng binti ko.

"Dito nalang ako," saad ni Tresha na pumwesto na rin sa gilid ko.

"sa pwet nalang ako—"

Mabilis akong tumayo nang marinig ko na sambitin 'yun ni Esha. Marahas akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga habang nakatingin sa kanilang lahat.

"G-gurls," hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang nang banggitin ko ang tawagan namin.

"Ano hindi ka pa rin sasama?" may panghahamon sa tinig ni Esha.

I sighed, "paano si mommy?"

"Ang grupo ni Rein ang mag babantay kay Tita Rhett," malumanay na saad ni Kyl.

Khaning step near me, "sila David naman kay Ryleigh. You don't have to worry Mei, hindi naman sila mapapabayaan."

Saglit na natahimik ang mga kaibigan ko animo'y inaantay ang magiging pagsagot ko. Kanina ko pa nararamdaman ang pagkalam ng sikmura ko dahil hindi ko pa nalalamanan ito simula noong pumunta kami dito.

"pwede bang dito nalang—"

"Mei, we are family." Mahinang saad ni Esha. "'wag mo naman sanang makalimutan na hindi ka namin papabayaan."

"We are Burgurls, we won't let each other down," nakangiting saad nito saakin.

Hindi ko maiwasang makaramdaman ng konsensya nang muli kong marinig ang mga katagang 'yun. Parang ang tagal-tagal na simula noon.

"O-okay..." I sighed in defeat. Wala akong nagawa kung hindi maglakad palapit sa kanila.

"Mei, 'wag mo ng intindihin muna sila tita," mahinang saad ni Jannilyn sa gilid ko, "hindi naman sila papabayaan nila Colonel."

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now