kabanata 26

700 15 3
                                    

Isla de Regidor

Hindi na muling nagsalita ang lalaking 'yun matapos nyang sambitin ang mga salitang 'yun. Wala akong nagawa kung hindi ibaling ang lahat ng atensyon ko sa paligid, habang tumatagal lumiliwanag ang ilaw na nasa paanan naming. Kaya malaya kong nakikita ang mga maliliit na isda na lumalangoy sa paligid, ganon din ang iba't ibang coral reefs na pinalilibutan ng iba't ibang klase ng isda.

Nag baba ako ng tingin sa mga button na nasa harapan naming. The pilot is sleeping but the vehicle is still working, no wonder why... it's RO whom invented this one. Sapat na ang bagay na 'yun, para hindi ako magulat. Isa lang ang nakakapagtaka.

Why RO works for this guy? Kaibigan ni RO si KC, at alam kong hindi nya sasagasaan ang isang 'yun. RO is one of the kindest people I've met... maybe he had his own reason why.

Nilingon ko ang lalaking nasa gilid ko. Nanatiling nakasara ang mga mata nito, nagbaba ako ng tingin sa katawan nya na punong puno parin ng galos. Mariin akong napapikit nang makita ko ang mga bend ana lumuwag ang pagkakatali, marahil dahil sa biglang paggalaw nito kanina.

Damn, I owe my life to this man.

"We need to fix this one," mahinang saad ko habang nakatingin sa mga galos nya.

Hindi ko napigilian ang kamay ko na humawak doon. I can't imagine how sad the life of this man. Nakakapagod ang tumakbo sa mundo, nakakalungkot na malaman na kinatatakutan ka ng lahat ng tao. Bahagya akong yumuko para matanggal ko ng maayos ang benda na 'yun. Mula sa posisyon ko kitang kita ko kung gaano kagrabe ang pinsala na naiwan ng bala sa katawan nya.

"you have a lot of scars," mahinang saad ko habang pinapasadahana ng katawan nya. Pinadausosan ko ito ng daliri ko hanggang makabalik sa benda inaayos ko kanina. Mas diniinan ko ang pagkakabuhol sa mga 'yun.

Umayos na ang ng pagkakaupo nang matapos kong gawin 'yun. I felt didn't felt wetness on my body, kahit na basang basa kami ng tubig kanina. Ang dahilan siguro nyun ang maliit na makina sa gilid ko. It's seems like a dryer... RO always think outside the box.

"You hate it?"

Kumunot ang noo ko nang balingan ko ang nagsalita. Nakapikit pa rin ang mga mata nito, "ang ano?"

Saglit itong tumahimik, pero hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. Alam ko na may gusto syang itanong... ang kaso lang hindi ko ito maintindihan.

"those scars," Minulat nito ang mata nya pagkatapos sambitin 'yun. He's looking directly into my eyes...

I pressed my lips, "no, nothing wrong on them."

Pinanliitan lang ako nito ng mata na parang hindi magawang paniwalaan ang mga sinabi ko. Umagat ang gilid ng labi ko bago lumapit sa kanya, pinadaususan ko muli ng mga daliri ko ang katawan nito. Marami nga talaga syang pilat... pero hindi 'yun mahahalata kung hindi ka lalapit sa kanya. Naramdaman ko ang mabibigat na paghinga nito sa ulunan ko.

I gulped as I realize how near I am to him. Mabilis akong bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"I'm sorry 'bout that," I shyly smile at him. "I just can't help but to adore. Hindi pa ako nakakakita ng tao na may ganyan karaming pilat. I wonder how hard it is for body to endure the pain... kasi 'yung masugatan ka nga lang ng kaunti masakit na ih, kung ganyan pa kaya—"

"are you insulting me?" biglang sumeryoso ang aura nito,

I shake my head, "no... no of course, I am complimenting how strong you are. That's it."

Pasimple akong nagbaba ng tingin sa katawan nya. Malaki na man ang tattoo nito na nakakatakip sa halos lahat ng mga pilat sa katawan nya, at hindi naman halata 'yun dahil hindi naman kulay itim ang mga ito.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now