kabanata 56

453 11 0
                                    

"Mag seatbelt ka na, ate," mariin na saad ko nang lingunin ko sya sa passenger seat pero sa halip na sundin ang sinasabi ko tumawa lang ito saakin. "FBI agent ka lumalabag ka sa batas,"

Akmang magsasalita pa ako nang makita ko ang pilit na ngiti ni Ryleigh. Nitong mga nakaraan, buhat na rin siguro ng trauma na naiwan saamin dahil sa pagkamatay ng ama namin ay nagbago ang mood swings ni Ryleigh. Hindi pa talaga kami lahat nakakarecover sa mga nangyayare.

"Mag seatbelt ka na nga, Ryleigh." Mahinang saad ni mommy, "baka malate pa tayo sa flight,"

Sinandal ko ang likod ko sa upuan nang maramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan. Malamig ang aircon sa kinauupuan ko pero hindi ko 'yun alintana, nilingon ko ang labas ng bahay namin. Simula bata palang ako dito na ako nakatira, kahit na may sarili na akong bahay walang papantay sa bahay na ito. Ang mga memoryang nabuo sa lugar na ito ay ni kailan man hindi mapapalitan.

"mom, bakit ka nga ulit tumawag ng travel agent kanina? Diba't sa DIA naman tayo..." takang saad ni Ryleigh,

Nalipat ang atensyon ko sa ate ko nang magsalita ito. "oo nga mom, natawagan naman natin sila Esha kanina ah,"

"She is your daddy's friend, nabalitaan daw nya ang nangyare sa ama nyo. Nag offer sya na sunduin tayo paglapag natin sa US, 'yun nalang daw kasi ang gusto nyang gawin para makabawi sa ama nyo." My mother said,

"safe ba 'yan mom?" I asked, "baka naman..."

Nagkatinginan kami ni Ryleigh nang sambitin ko ang huling mga salita. Nakita ko ang pag-sangayon saakin ni Ryleigh nang tumango ito.

"Ano bang pangalan nyan, mom?" she asked as she open her phone. "papabackground ko lang—"

"Ano ba kayong dalawa?" my mom sighed, "naiintindihan ko naman na sobra kayong natakot at nalungkot sa nangyare sa daddy nyo pero hindi dapat nanghuhusga agad ng iba. Ang lahat ng tao ay iba-iba huh?"

I pressed my lips as my I heard my mother's lecture. "mom, we are just making sure."

"Yap, I agree." Saad ni Ryleigh bago nito ibaling ang tingin nya sa harapan namin, "'yung bumaril kay daddy ay guard ng subdivision natin, sabi nya doon sa pulis na nagbabantay sa labas may ichecheck lang daw sya sa loob kaya sya pinapasok. Then the rest is history that we can't forget."

Natahimik ang sasakyan nang pakawalan ni Ryleigh ang mga salitang 'yun. Kahit ako ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyare noong araw na 'yun. Kaya pala sobrang kampante nila sa bahay nang araw na 'yun kasi akala nila protekatado na ang bahay. Lingid lang sa kaalaman nila na ang mismong tagapagbantay pa ang gagawa ng ganon kay daddy.

"Mave Gracias," biglang sabi ni mommy, "She's the travel agent. Na meet na naming sya noon, nang mag trip kami sa Europe ng daddy nyo. She is your daddy's scholar, maybe your ages are close."

"okay," saad ni Ryleigh bago kinalikot ang cellphone nya.

Napaismid nalang ako bago umayos ng pagkakaupo. Alam kong hindi tatantanan ni Ryleigh ang pagsisiyasat sa impormasyon ng taong 'yun. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa labas.

Pilipinas, ang bansang pinangakuan ko ng buhay ko. Nilaan ko ang kalahati ng buhay ko sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan nito. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nangyare, pero hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kaya kung nilaan ko ang mga oras na 'yun para sa sariling kapakinabangan ko. May mag-babago kaya? May mag-iiba kaya sa nararamdaman ko?

Kumunot ang noo ko nang biglang tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa driver's seat. Akmang magtatanong na sana ako nang makita ko ang tumpukan ng tao na nasa harapan namin.

"May nadisgrasya ba?" tanong ni Ryleigh,

Binuksan ko ang bintana ko, maraming sasakyan na kagaya namin ay napatigil din dahil sa nakita namin sa harapan. Maraming taong nagkakagulo sa paligid: ang ilan sa kanila ay napadaan lang at gustong makiusyuso habang ang ilan naman ay parang mga kamag-anak ng biktima.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now