kabanata 38

558 11 1
                                    

"May bantay sa gate," saad ko habang pasimpleng sumesenyas kay Luzane. 

Tumango lang saakin si Luzane bago kumatok sa gate. Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya, sobrang casual lang ni Luzane parang wala kami sa mga teritoryo ng mga kaaway. Parang hindi kinakabahan ang lalaking ito.

"Saglit lang!" A man shout inside,

Nagpanggap akong bumibili ng kwek-kwek nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Habang si Luzane naman ay kampante lang na humarap sa lalaki. Pasimple ko silang tinitignan habang nakapila ako sa bilihan ng kwek-kwek. Maraming mga tao na nasa paligid ko kaya kampante lang ako habang nakatayo sa lokasyon ko kasi alam kong hindi nila ako mapapansin.

Napansin ko agad ang usok na lumalabas sa vape ng lalaki na kakalabas lang ng gate. Nakauwang lang kasi ang gate kanina, kaya kitang kita ko ang lalaki na 'yun kahit noong nasa labas pa ito.

"Anong kailangan mo?" halata sa paraan ng pagsasalita ng lalaking ito ang angas.

Luzane take steps closer to him. "Sir, gumagawa ho kayo ng yelo dito?"

I pressed my lips as I heard Luzane talk. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Luzane. Anong koneksyon ng yelo dito? But knowing this man, bihasa na ito sa trabahong kagaya nito. Alam kong may rason kung bakit nya sinabi 'yun.

But it seems to be a dumb question...

"Anong sinasabi mo?"

Nakita ko ang pagturo ni Luzane sa gilid ng gate. Ngayon ko lang nakita ang isang papel na nakapaskil doon. "According sa lisensya nyo sir, gumagawa kayo ng yelo dito? Pwede ko pang makausap ang manager nyo kasi naghahanap talaga ako ng mag susupply saamin ng yelo."

Napalunok ako nang sabihin 'yun ni Luzane. Ang bilis ng takbo ng utak ng lalaking ito, mukhang hindi talaga sya papayag na mahuli sya.

"Ate anong bibilhin mo?"

Nag angat ako ng tingin nang magsalita ang babaeng nasa harapan ko. Nilingon ko ang paligid ko, wala na ang mga taong nakapila kanina sa harapan ko. I pull myself together before stepping near her.

Nilingon ko ang mga kwek-kwek na nakadisplay sa harapan ko ngayon. Pero pinakikiramdaman ko pa rin ang mga usapan ng lalaki sa likod ko.

"Magkano 'to?" I asked, 

She glance at me. Pinanliitan ako nito ng mata, animo'y kinikilala nya ako. "Trese po,"

Mabilis akong nagbaba ng tingin sa wallet ko. "Tatlo nga, pa plastic nalang ah."

Iniiwasan ko na salabungin ang tingin ng babaeng nasa harapan ko. Alam na hindi malabong mamukhaan ako ng isang 'to.

"Parang namumukaan kita ate--"

Agad kong nilagay ang hintuturo ko sa gitna ng labi ko nang sambitin 'yung ng babae. Hindi pwedeng masira ang plano namin, hindi pwedeng mangyare 'yun.

"Ate, ano pa pong b-bilhin nyo?" Tanong ng babae saakin.

Akmang magsasalita na ako nang marinig ko ang pagtawag saakin ni Luzane. Napauwang ang labi ko nang makita itong nakaakbay na sa lalaking nasa harapan namin.

I gulped before handing a hundred peso to the girl. "iwan ko muna saglit ah."

Kalmado lang akong lumapit kay Luzane. Maraming mga tao sa paligid, alam kong hindi nila iintindihin ang mga nangyayare ngayon sa pagitan ng mga lalaking ito. Nang marating ko na ang lokasyon nila Luzane, doon ko lang napansin ang patalim na nakatutok sa tagiliran ng lalaki.

"Pasok na ba tayo, pre?" Nakangiting tanong ni Luzane dito, "kakausapin pa kasi namin ang manager mo ih."

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Parang hindi naman nahalata ng mga tao ang nangyayare saamin.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now