kabanata 50

519 14 5
                                    

Ramdam ko ang malambot na kama sa likuran ko, ganon din ang malamig na paghaplos ng hangin dahil sa bintana na nakabukas malapit saakin. Tahimik ang buong paligid at tanging pag-galaw ng relo ang naririnig ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa ceiling.

Hindi pa rin ako makatulog simula noong gabing nagkausap kami.

I promise not to love him again,

Mariin akong napapikit kasabay nyun ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Ilang araw na rin... ilang araw na rin ang nagdaan simula nang tanggapin ko na ako sya.

"Amelia,"

Nilingon ko ang direksyon ng babaeng nagsalita. Nakita ko doon ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Ryleigh—Ally. Nakatayo lang ito habang nakatingin saakin, kapansin-pansin ang hawak nitong tray na may nakapatong na isang baso ng gatas.

"Malalim na naman ang iniisip mo, anak," she mumbled as she put down the tray.

I took a glance at window before looking at her, "nagpapaantok lang ako,"

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa dulong bahagi ng kama. Nangungusap ang mga mata nito. I stay quiet as I observe her eyes, the funny thing is; when I look at those pair of lenses. It's Ryleigh eyes I saw.

Noong bata pa lang kami ni Ryleigh, madalas syang tuksuhin ng mga kalaro namin na ampon. Marahil dahil wala syang nakuha na kahit anong physical feature sa mga magulang, dahil sa bagay na 'yun kaya laging may kaaway si Ryleigh. Pero hindi naman mailalayo na magkapatid talaga kaming dalawa, ni minsan hindi ko inisip na ganito pala talaga ang dahilan.

"You should sleep," she mumbled.

I nodded, "I will, of course,"

Hindi na ako muling nagsalita, nanatili nalang akong nakahiga sa kama ko. May mga bagay kasi siguro na hindi talaga natin kayang baguhin. Isang halimbawa na nyun ang katotohanan na pinaglaruan lang ako ng mundo.

"aalis na ako,"

Hindi na ako kumibo, ni balingan sya ng tingin ay di ko ginawa.

Risimei is sweet and kind, but being Amelia is a different story because she is broke and cold.

Nagbaba ako ng tingin sa gatas na nasa gilid ko. Walang gana ko 'yung tinignan, akmang kukunin ko na 'yun nang mag ring ang cellphone ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang makita ko ang pangalan ng tumatawag.

"too bad, Amelia can't be reached." mahinang saad ko bago patayin ang cellphone ko.

The world made me angry of itself. Ramdam ko ang pamamanhid ko kada araw na dumadagdag sa kalendaryo. Kung noon kayang kaya akong lapitan ng lahat, at nakikinig ako sa lahat-lahat. Ngayon ay hindi.

"malalate na ako," nakangising saad ko nang mahagip ng mata ko ang orasan.

Agad kong tinungga ang isang baso ng gatas na nasa harapan ko. Iniwan ko lang ang baso na pinaglagyan nyun sa lamesa, wala akong balak na ligpitin ito.

"This one will do," mahinang saad ko nang makapili na ako ng damit. Mabilis akong naglakad patungo sa bathroom para magpalit.

Napangisi ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Isang backless na itim na blouse ang suot ko ngayon, tinernuhan ko ito ng maiksing itim na skirt. I applied make-ups on my face too.

Noong akala ko ay ako si Risimei, wala akong ginawa para isipin ang kapakanan ng iba. Umabot na sa punto na lahat ng oras ko ay napupunta sa kanila, wala nang natitira sa sarili ko. Pero bilang Amelia... ibang usapan ang gagawin at sisiguraduhin ko na wala na akong matitirang paki sa mundo.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now