kabanata 25

646 15 0
                                    

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa bala na tinatanggal ko gamit ang gunting. Pilit kong kinokontrol ang kamay ko sa panginginig. I hope I can have some of Kyl's advices so I can perform this one right. Handa ako sa gyerang sasabakan ko, hindi ko lang napaghandaan ang bagay na kagaya nito.

"okay ka pa ba?" mahinang tanong ko sa kanya.

Hindi maitatanggi sa mga mata nito na nararamdaman nya na ang sakit. Hindi ko naman sya masisi, hindi lang ang isang ito ang tama nya. Mukhang buong katawan nya ay sinadyang puruhan.

To corner him, that's our mission.

To put him behind bars, for the nation...

"Do it—"

Hindi pa natatapos ang sasabihin nya nang matanggal ko ang bala sa braso nito. Ang tattoo na nasa braso nito ay naapektuhan dahil sa bala, ang lion na naka tattoo doon ay animo'y na sugatan. But even if it looks like wounded, it still look strong.

"ah," Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga.

Mabilis kong nilinis ang sugat nito. This man need to rest. Mukhang hindi na kakayanin ng lakas nya... mukhang gusto nya na munang pumitik para saglit na makatulog.

"puro sugat ka na," mahinang saad ko nang matapos kong linisan ang lahat ng sugat nya.

Naging tahimik lang sya sa buong proseso. Mukhang masyado syang nanghihina para magsalita. Inayos ko nalang ang mga telang nagamit ko sa pagbebenda sa katawan nya. Akmang tatayo sana ako para itapon ang mga retaso ng mga tela nang marinig ko itong magsalita.

"Are you going to leave me now?"

I glance at him, nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa banig. Hindi kagaya kanina, mas malinis na itong tignan ngayon. Pero nanatili syang mahina..

"do you want me to leave?" pabalik na tanong ko,

Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang bigla nyang imulat ang mga mata nya. Nanatiling blanko ang emosyon na nababasa ko mula doon.

"It's up to you," Mariin na saad nito bago muling ipikit ang mga mata nya. "but I should remind you, that every action have it's consequences."

Kumunot ang noo ko dito, "what are you trying to say?"

Imbis na sagutin nito ang tanong ko ay nanatili lang itong nakapikit. I'm about to shout when I saw that's his breathing became even.

He is asleep.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha nito. Those bruises didn't ruin his angelic face. Mukhang anghel pagtulog... kung sa mukha ka lang nito titingin, aakalain mo na inosente ito sa lahat ng bagay.

Napabuntong hininga nalang ako bago ko damputin ang bote ng gin at mga kalat sa paligid. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Maliit lang ang bahay na ito, pero mas lalong nag mukhang maliit ang bahay dahil sa tangkad ng lalaking nakahiga sa loob nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit nag titiyaga ang lalaking ito sa ganitong bahay. Kung pwede naman syang tumawag ng mga tauhan nya, at makuha sya dito agad agad.

He trust no one...

Muli ko syang pinasadahan ng tingin bago ako maglakad palabas ng bahay. Naramdaman ko ang malamig na paghaplos ng hangin sa balat ko. I remember the Cuizzon island here, 'yun nga lang hindi kulay puti ang buhangin sa lugar na ito. Pero wala namang kaso 'yun dahil tunay ngang nakakarelax ang buong lugar.

Niyakap ko ang sarili ko bago ako lumingon sa kubong nasa gilid ko. Ang barong barong na bahay na ito ay talagang maliit. Mga yero at tagpi-tagping flywood lang ang nagsisilbing dingding nito, habang ang maliit naman na bintana sa gilid nito ay may nakaharang na manipis na tela na nililipad din ng hangin ngayon.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Onde histórias criam vida. Descubra agora