kabanata 41

573 17 3
                                    

Pinagmasdan ko ang nagtataasang gusali na dinadaanan namin ngayon. Ilang minuto na rin kaming bumabyahe ni Jerome, at hindi na ako makapaghintay na marating namin ang destinasyon namin.

"I warned you," May halong pagbabanta na saad ni Jerome.

I took a glance at him, bahagya nitong tinigil ang sasakyan kaya napunta agad ang tingin ko sa labas. Isang purong itim na bahay ang bumungad sa harapan ko. No doubt it belongs to the Kingpin.

"Nandito na tayo?" I murmured,

He nodded, "this is one of his countless house. Check if he is inside, pag hindi ka bumalik sa loob ng limang minuto... aalis na ako."

Marahan akong tumango sa sinabi nito, "okay,"

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko nanaman na muli syang magsalita.

"I already warned you," mahinang saad nito habang direktang nakatingin  saakin.

I nodded at him, "you don't need to feel any guilty. I got this one,"

Nang hindi na magsalita si Jerome ay bumaba na ako ng sasakyan. Ramdam ko ang paghaplos saakin ng malamig na hangin, nag resulta 'yun ng pagtayo ng mga balahibo ko pero hindi ko nalang ito inintindi.

Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan ang malaking bahay na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano nga bang matibay na rason ang hawak ko para pumunta dito. Pero isa lang ang sigurado... ginusto ko ito.

I want to see him again, that's all I want.

Agad akong naglakad papalapit sa doorbell. Pasimple kong nilingon ang sasakyan ni Jerome na nanatili pa rin sa likod ko. Mukhang hindi talaga sya aalis hanggang hindi nya masigurado na ligtas ako. After all he is still a friend.

"Just enter the house, Mei. He won't open that."

Napalingon ako sa direksyon ni Jerome nang bigla itong magsalita. Sinesenyasan nya na akong pumsok na sa loob. Kumunot ang noo ko nang muli kong pagmasdan ang paligid. Sobrang tahimik ng bahay nya, pero sya ang Kingpin. Baka may mga tao sa loob...

"Mei," muling tawag ni Jerome na parang pinagtutulakan na akong pumasok sa bahay. Ilang beses ko ring napansin ang pagtingin nito sa paligid. Parang pinagmamatsyagan nya lahat.

I sighed before I push the gate. Napauwang ang labi ko nang mapagtanto na nakabukas lang ito.

The hell?

Gumawa ng tunog ang gate na 'yun, kaya nasisigurado ko na may ideya na ang taong nasa loob na may bibisita sa kanya. Minadali ko ang pagsara sa gate, nanatili naman ang kotse ni Jerome na nasa labas.

Pinagmasdan ko ang paligid nang makapasok na ako sa gate. Nakita ko ang mga tanim na halaman doon, mukhang hindi na ito naaalagaan. Parang ang may-ari ng bahay ay hindi madalas na bumibisita sa lugar na ito.

Nagkibit balikat nalang ako bago ako maglakad palapit sa bahay. Marahan kong tinulak ang malaking itim na pintuan sa harapan ko. Kagaya kanina parang wala lang ang tao sa loob ng bahay na ito.

Naramdaman ko ang presensya sa gilid ko. Umangat ang gilid ng labi ko kasabay ng paghinto ko nang maramdaman ko ang malamig na bunganga ng baril sa gilid ng noo ko.

"Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?"

Madilim ang kabuohan ng bahay, at ni isa wala akong nakitang nakabukas na ilaw. Pero kabisado ko ang presensya ng lalaking ito. Alam kong sya 'yun, kahit hindi ko man talaga ito nakikita.

"Damn it," Nilingon ko ang gilid ko nang maramdaman ko ang pagbaba ng baril na nakatutok sa noo ko kanina.

"Am I not welcome here?" I ask,

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now