kabanata 16

918 13 1
                                    

It's been days but still... I am silently disturbed by noise of the past.

This is the feeling that I hate. When I want to speak but I know it won't be good. I think, I am lost on my own thought.

Nasapo ko ang ulo ko, aksidente kong nabalingan ng tingin ang bintana. Nakita ko sa labas nito ang isang ibon. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na nakadapo ito malapit sa salamin ng bintana.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na naglalakad palapit dito. May kalakihan na ang ibon, it can fly alone. But it seems like that it is afraid to spread it's wings. Ilang minuto pa ang nagdaan nakatingin lang ako sa ibon na 'yun.

Why it is staying in one place, if it can fly to every location?

"damn," I murmured,

I glance at it's wings. Nakita ko ang sugat doon, mukhang binaril ang ibon na 'to. Ilang beses akong napakurap nang bigla nyang ibuka ang pakpak nya. Hindi ganon kaganda ang panahon nang mag-angat ako ng tingin. Makulimlim ang kalangitan, iilan lang din ang mga taong nakikita kong nasa labas. Nilipat ko sa ibon ang tingin ko; ilang beses itong bumagsak nang subukin itong lumipad...

I press my lips, I remember myself on that bird. Noong mga panahon na binubuo ko palang ang RTN, it's failure after failure.

Pero nanatili akong nakahawak sa pinaglalaban at pangarap ko. I can sense that people don't wanna see me succeed. I can see it, not just on their eyes but also by their action. But they don't understand what I want...

No one believes... but I keep going.

And like that bird, I fly.

"What are you looking at?"

Nilingon ko ang babaeng nagsalita sa likod ko. Nakita ko na nakatayo doon si ate, pinupunasan nya ang mga tumulong pawis sa noo nya. Mukhang kakagaling nito sa training.

"At that bird," I said,

Kumunot ang noo nito saakin, parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Walang salitang naglakad sya palapit sa kinarooonan ng ibon na 'yun, kaya muli ring nabaling ang atensyon ko doon.

In order to fly, you should never forget your why.

The reason why you suppose to fly. I flew because my wings made in metal, and the reason is those people at the ground whom need to be seen.

"May tama 'yung ibon ah." She said,

I take a glance at her before walking back at my bed. Hindi ko na muling nilingon ang ibon na 'yun, kasi alam kong makakalipad na ito. Kahit sugatan alam kong hindi sya nito maahahadlangan.

"Why are you here, ate?" I ask,

Umangat ang isang kilay nito, "bakit ayaw mo bang makita ako?"

"Ryleigh, stop showing that face. Nakakasira ng umaga."

"Ano 'yun Risimei?" mariin na saad nito bago ako batuhin ng unan.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatawa habang iniilagan ang mga pagbato nya. Mukhang triggered si ate nang marinig ang sinabi ko. Akala ko pa naman pagod na sa training ang isang ito, mukhang may energy pa rin pala sya para awayin ako.

"Wala ka bang mission?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad palabas ng kwarto.

Nasa condo muna ako nag stay temporarily hanggang hindi pa ako tuluyang nakakapagdesisyon kung anong dapat gawin. A lot of things bothering me lately... alam kong magiging ligtas ako kapag na nahimik na ako, pero alam ko rin na hindi ako magiging masaya sag anon.

I know that the count of victims won't be lessen if I remain my silence. Mas mapapalakas ko lang ang kapangyarihan nila na manakit ng iba, dahil may mga mamamayan na walang kamuwang-muwang sa mga taong nakapaligid at pinagkakatiwalaan nila.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now