kabanata 8

1K 25 9
                                    

 Kabanata 8: A hug of Demon

"You're still alive because it's still hell," he paused.

Marahan kong minulat ang mga mata ko nang marinig ko 'yun na sinabi nya. Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa lalaking may hawak na baril.

"you don't deserve this place," Saad nito bago lumapit sa akin.

Ilang beses akong napailing... Paano nangyareng buhay pa ako? Narinig ko ang putok ng baril kanina imposibleng...

"Can you stand?" He suddenly asks.

Pinanood ko siya sa paghubad ng suot nyang jacket. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba tuwing may nakikita akong lalaking ganon sa harapan ko. Parang bumabalik sa memorya ko ang lahat ng nangyare kanina.

"J-just kill me," Mahinang pakiusap ko sa kanya nang lumapit siyasa akin.

Walang emosyon siyang tumingin sa akin. Iniwas ko ang katawan ko nang lumapit siya, sa hindi malamang dahilan naramdaman ko ang pagpatak muli ng luha ko.

"I won't hurt you," He murmured.

Sa panahon na 'to. Hindi ko na magawang maniwala sa kahit sino, sobrang takot ang bumabalot sa sistema ko habang nakatingin sa direksyon nya.

"P-please..." I begged again. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa pamumuo ng luha.

Kasabay nang pagtulo ng luha ko naramdaman ko ang pagpalibot nya sa akin ng jacket. Seryoso ang mukha nito habang ginagawa nya 'yun. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang paghinga nya dahil sa lapit namin sa isa't isa.

"You need to trust me," Malumanay na saad nya. "it's hard but you have to learn to... even just for now."

Tinikom ko ang bibig ko bago ko pasimpleng nilingon ang paligid. Alam ko sa lugar na 'to; wala akong pwedeng pagkatiwalan na iba. Ibang-iba ito sa lugar na kinagisnan ko. Sukdulan ang kasamaan ng mga tao dito.

I am fully aware that people like them were existing in this world. But never in my life I thought that I'm going to have a chance to meet them.

"Andiamo,"

Bago pa ako tuluyang makapagsalita naramdaman ko na ang pag angat ng katawan ko sa sahig. Nilingon ko ang sahig, may kataasan na ang pagitan naming dalawa. Wala akong nagawa kung hindi humawak sa balikat nya... kahit sobrang kaba ang aking nadarama.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko, ni hindi ko 'yun makontrol.

"Stop crying," he seriously said.

Nag angat ako ng tingin sa direksyon nya. Wala akong nakita ni isang emosyon sa mga mata nito nang magtama ang paningin naming dalawa.

Naka suporta ang isang bisig nya sa alak-alakan ko habang ang kabila naman ay nasa likod ko. It's a bridal carry...

"Don," halata ang kaba sa boses ng lalaking nagsalita.

Nanlalabo man ang mata ko, binalingan ko ng tingin ang pinanggalingan ng boses na 'yun. Nakita kong nakatayo ang isang matangkad na lalaki sa tabi ng isa pang lalaki... muling pumatak ang luha sa mata ko ng mamukhaan ko sino siya.

siya 'yung isa sa mga lalaki kanina.

"Uccidi quegli uomini, ma torturali per primi." Rinig kong saad n'ya sa isang lalaki. Wala akong maintindihan sa mga winika nya basta ramdam ko lang na galit siya.

The taller man bows."Voi face ceea ce spui,"

Nag angat ako ng tingin sa lalaking may karga sa akin ngayon. Alam ko na hindi pwedeng pagkatiwalaan ang isang 'to pero wala akong magagawa kundi maniwala sa kanya ngayon.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora