kabanata 73

436 8 0
                                    

Ngayon ko lang napagtanto, na ang pinakamasakit na bagay pala sa lahat ay ang makita mo ang lalaking mahal mo na kinukuha palayo... patungo sa isang lugar na alam mong hindi nya gusto. Sa lugar na hindi sya magiging ligtas, sya lugar na maaring makapanakit sa kanya.

Pumatak ang mga luha sa mata ko nang makita ko na makailang beses pa nyang nilingon ang gawi ko. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit.

Kahit nakatayo ako malayo sa kanya, nabasa ko ang pagbuka ng mga labi nito.

"I'll be back,"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, makailang beses akong hinarang ng mga pulis nang tangkain kong tumakbo palapit sa kanya. Kaya wala akong ibang napagpilian kung hindi pumirmi sa pwesto ko ngayon. Habang pinagmamasdan syang naglalakad palayo... parang nadudurog ang puso ko.

"Mei, pull yourself together the cops look at us suspiciously." Bulong saakin ni Ryleigh.

Maybe when it isn't this day, I will consider their thoughts but the hell I care about everyone, if I'm hurting too bad now. Ni ang mga reaksyon ng mga kaibigan ko ay hindi ko na pinansin; mas masasaktan lamang ako kapag ginawa ko 'yun. Kasi tuwing magtatama ang mga mata namin, nababasa ko ang galit sa mga mata nila.

What can I do in this situation? I am so cornered.

"Lahat ng person involved ay inaanyayahan na samahan kasi sa presinto..." saad ng pulis na tumayo sa harapan. Napunta ang atensyon ng lahat sa kanya, hindi ko masyadong makita nag logo na nakaindicate sa uniporme nya upang malaman ko ang rank nito pero kung hindi ako nagkakamali... it's police officer II.

Hindi ganon kataas ang rank nya pero base sa tindig ng lalaking ito at sa paraan ng pagsasalita nya; umaakto sya na parang chief of police.

"Malinis naman ata lahat kayo sa kasong ito..." Iba talaga ang tono ng lalaking ito, "...We are expecting you to the station—"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng pulis nang hilain ako ni Ryleigh, "We will only accept that invitation if you can read a warrant in front of us."

While she is talking to the authorities, I took that time to glance at my friend. Nakakapaso ang mga tingin nila saakin.

Aksidenteng nagtama ang mata namin ni Esha, parang may kumurot sa dibdib ko nang wala syang ganang tumingin saakin. Si Esha ang pinaka nagdepensa saakin kanina, halos lahat ng mga sinabi ni Corpuz na masama tungkol saakin ay sinalungat nya. Maiintindihan ko pa kung bakit hindi manlang ako nagawang ipagtanggol kanina ni Shiela. Asawa nya rin kasi ang involved at hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano nya ito kamahal.

"Me," I mouth out her name, expecting her to speak.

Pero parang may mga kutsilyo na sumaksak saakin na hindi magawang makita ng mga mata ko, nang mag-iwas sya ng tingin.

Even Jannilyn and Tresha can't look straight at my eyes. Nakakatakot din naman kasi na magkatitigan kami, nakakatakot na mabasa ko ang emosyon sa mga mata nila.

"Ms. Tantay, I do believe..."

"Mister, the law isn't self-explanatory." Natuon ang atensyon ko sa kapatid ko nang tumaas ang tono ng pananalita nito, "Kaya nga pinag-aaralan 'yan ih, kung self-expalanatory din naman ang mga batas ay nasisisgurado ko na hindi ka pulis ngayon..."

"With all due respect sir, we will go." Pagkasabi nyun ni Ryleigh ay tuluyan nya na akong hinila papalayo.

Gusto kong magpasalamat nang sambitin 'yun ni Ryleigh. Hindi na kasi ako makapag-isip ng maayos habang nasa loob ng café na ito. Ang daming nangyare na hindi ko inaasahan, sumuko sya...

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now