kabanata 40

611 12 0
                                    

"I buy those children to save them, Rei."

Mariin akong napapikit nang maalala ko nanaman ang sinabi nya. The sincerity in his eyes, I see. But how could I believe when thousands of facts slapped me. Baka may mga tao nga siguradong hindi na magbabago, kasi kagaya ng isang puno na malalim na ang ugat... hindi na ito maaring bunutin muli at ilapat sa ibang lugar.

Inayos ko ang mga lapel microphones sa lapag. Mukhang kailangan na nga naming tanggapin ang mga bagay na hindi kami pwedeng magsama kahit magpumilit kami. Ang ibon ay hindi makakatagal ng dagat, ganon din ang isda na hindi kayang lumipad. Sadyang may mga bagay na hindi pwedeng ipagpilitan.

"Wait lang," I said as I heard doorbell,

Saglit akong nagtaka, wala naman kasi akong hinihintay na bisita. Pero baka ang Burgurls ito... wala pa namang pinagpalagpas na araw at oras ang mga 'yun.

Minadali ko ang paglalakad ko hanggang marating ko ang pintuan ng bahay ko. Wala akong kasambahay o mga guards, dahil palipat-lipat ako lagi ng tinutuluyan. Hindi naman ako napipirme sa bahay ko, minsan nasa condo ako, minsan naman na kanila mama. Madalas nasa trabaho ako at doon na rin ako nag-iistay ng ilang lingo.

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung sino ang nasa labas ng gate, "J-Jerome?"

"thank God, you are here." Humahangos na saad nito, "kung saan-saan na ako nakapunta, nandito ka lang pala."

"why?" Takang tanong ko, "I didn't expect you here."

He smiled at me, "I didn't expect to be talking to you too, today. But what I've about to say is really important... may bakanteng oras ka ba?"

Nakita ko ang ilang beses na pagsilip ni Jerome sa loob ng bahay ko, pero nanatili lang ang kamay ko sa handla ng gate. Hindi ko parin sya tuluyang pinapapasok.

"tungkol saan ba ang bagay na ito?" I asked,

"Bagay na dapat alam mo," Seryosong saad nya, "pwede na ba akong pumasok?"

Wala akong nagawa kung hindi pagbuksan ng gate ang lalaking ito. Kapansin pansin din na wala syang kasamang bodyguards, ni driver ay wala din sya. Mukhang sobrang biglaan nga ng pagputa nya dito.

"thank you," he said after I open the gate,

Nakita ko ang paglalakad ni Jerome papasok sa bahay ko. Jerome used to be a friend of mine and he is comfortable of doing that. Mukhang nakalimutan nya na ang nangyare nitong nakaraan... napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko.

Pasimple kong pinasadahan ang paligid bago ko tuluyang isara ang gate. Agad naman akong naglakad papasok sa bahay ng magawa ko 'yun, bumungad saakin ang nakaupong si Jerome sa sofa. Parang nasa loob lamang ito ng sarili nyang bahay.

"Let's jump into the topic, ano ba ang pinunta mo dito?"

He tilted his head, "Hindi mo manlang ba ako aalukin ng inumin?"

Nagmartsa ako papasok ng kusina nang marinig ko ang sinabi nya. Mabilis akong nagtimpla ng tsaa, ito ang bagay na alam na alam ko tungkol sa mayor na ito. He loves tea as much as he loves bonsai.

Nilapag ko ang tsaa malapiit sa kanya, "pwede mo na bang sabihin 'ang mga bagay na dapat alam ko'?"

Nakita ko ang pagsimsim nito ng tsaa bago tumingin saakin saakin. Ilang segundo syang natahimik, animo'y iniisip kung paano sya magssisimula sa sasabihin nya.

"Ruizzon and Regidor," Panimula nya,

Umayos ako ng pagkakaupo habang nakatingin sa kanya, muli ko nanamang narinig ang apelyido nya. May parte saakin na parang biglang naging interesado pero mayroon din naman na parang nawalan ng ganang makinig sa sasabihin nya.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon