kabanata 62

396 9 0
                                    

"Manong, dito nalang ho,"  I said at the taxi driver.

"Sige ma'am, itatabi ko lang..."

Nilingon ko ang bahay na sinadya ko talaga. Mukha itong kastilyo, ang puting mga gusali nito ay makakaagaw talaga ng atensyon sa lahat. Ngunit, hindi nakakapagtaka na walang gate ang bahay na 'to. Ni pintuan ay wala akong nakita.

The owner of this place is really tricky...

"okay na po," Napalingon ako sa gawi ng driver nang muli itong magsalita.

"eto ho," saad ko sabay abot ng bayad.

Akmang bababa na ako nang muling magsalita ang driver. "Ma'am, hindi ho kayo makakapasok jan. May sa-demonyo po ang lugar na 'yan."

Mahina akong natawa nang marinig ko 'yun na sinambit nya. "Ayos lang ho ako, kuya."

May sinasabi pa ang driver pero hindi ko na ito inintindi. Hindi ako natatakot sa demonyo na nasa lugar na ito, kung mayroon nga talaga... mas importante saakin ang bagay na syang sinadya ko talaga kaya ako naririto. Ang mga bagay na kailangan kong gawin pero hindi ko alam kung paano. Muli kong nilingon ang bahay na nasa harapan ko; tanging ang nag mamay-ari lamang ng bahay na ito ang makakatulong saakin.

"handa akong kausapin si Satanas, makita ko lang ulit sya." bulong ko sa sarili ko.

Casual lamang akong naglakad papalapit sa mga gusali na 'yun, pero habang humahakbang ako ay hinihahanda ko ang aking sarili sa mga patibong na pwede kong masagupa habang naririto ako. Alam kong hindi nya hahayaan na may makapasok sa bahay nya nang basta-basta.

Nakita ko ang pag angat ng mga lupa sa isang parte ng damuhan. Agad naman akong napaiwas. Mukhang nagkamali ata ako ng tapak.

"Ahhh!" sigaw ko, hindi ko inaasahan na sa likod ko ang unang tatamaan ng mga bato. Ang buong akala ko na nasa harapan ko ang patibong na nasa harapan ko.

Hahakbang pa sana ako ulit nang biglang umulan. Halos mapamura ako nang makita na ang paligid ko ay hindi nakakaranas ng ulan ngunit nararanasan ko 'yun. Tanging ako lamang ang nababasa ng ulan.

"RO!" sigaw ko sa may-ari ng bahay, "I know that you are there. Let me in, I want to talk to you."

Ilang linggo na... ilang linggo na ang nagdaan simula nang mangyare ang bagay na 'yun. Ilang linggo na pero ni anino nya ay hindi ko na muling nakita.

"RO, wag mo na akong paglaruan!" sigaw ko muli sa mga butil ng ulan na pumapatak sa ulunan ko.

Napabuntong hininga na lamang ako nang naramdaman ko ang pagtigil ng ulan. Kahit basang basa ako ay hindi ko 'yun inintindi. Iisa lamang ang importante saakin ngayon: ang rason ng pagpunta ko sa lugar na ito.

"I'm resting," napalingon ako likuran ko nang marinig ko ang boses na 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino 'yun.

"this better be good," he added,

"Robert..."

Marahan lamang itong tumango saakin. Hindi ko maiwasang mag-sisi kung bakit hindi ko sinama si Esha o si Khaning, ganyong alam ko na malapit sila sa lalaking ito. Halos sa isang paaralan lamang kami nag-aral lahat, ang kaso lang hindi ko naging ka close ang weirdo na ito.

"Ano bang kailangan mo?" walang ganang tanong nito. "sabihin mo na at wala tayong masayang na oras."

"dito?" I mumbled.

Umangat ang isang kilay nito habang nakatingin saakin. "talk... I don't have a lot of time to waste."

Marahan kong nilingon ang likuran nya. Nakita ko sa hindi kalayuan ang mga batang naglalaro sa kalsada, ganon din ang mga residente ng lugar na ito na animo'y nagkukumpulan. Alam ko na wala sa tono ni RO ang pagbibiro pero hindi ko pwedeng gawin kung ano ang gusto nya.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Where stories live. Discover now