Chapter 33

451 17 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa resort na pag-aari ng pamilya ni Kian.

Ang Alvarez Resort.

Hindi kasi nakarating sina mama galing baguio dahil sa maselang pagbubuntis niya kaya pinadalhan na lang nila ako ng pera pang-celebrate ko.

Nandito ako ngayon sa cottage namin at hinihintay ang pagdating ni Drake at Xyle. Kanina pa kasi kami nandito at sila na lang ang wala. Pina-imbitahan ko pa nga sa mga kaklase ko yung mga girlfriend nila ngayon at lima lang pala ang meron. Si Macy na boyfriend si Blue. Si Ellaine na boyfriend si Rusty. Si Dianne na boyfriend si Rex. Si Laiza na boyfriend si Klyde. At yung girlfriend ni Airoon na si Dannah. Puro naman sila mababait at friendly kaya nakapagpalagayan ko na sila ng loob.

Kukuha sana ako ng barbecue na niluluto nina Blue nang biglang nag-ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong unregistered number. Clinick ko ang accept saka ni-loudspeaker para marinig din ni Blue. Malay ko ba kung sino 'to.

"Hello? Sino 'to?" Agad na tanong ko.

"This is Quintos Hospital. I just want to know if you're related to the patient Mr. Perez?" Narinig kong sabi ng nasa kabilang liniya.

"Anong nangyari?!" Sigaw ko. Napatingin na rin sa akin ang mga kaklase ko at halos sabay-sabay silang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Mas maganda po kung pupunta na lang po kayo dito para mas malinaw po ninyong marinig ang pangyayari." Sabi nito saka in-end ang tawag. Agad naman kaming lumabas ng resort at nilabas naman ni Kian ang Van nila.

"Mauna na kayo roon. Kami na muna ang bahala dito." Sabi niya saka ako ang pinauna nitong pinasakay sa loob. Sumunod naman ang ilan sa mga kaklase ko at saka nagsimulang magmaneho ang driver. Andaming senaryo ang pumapasok sa utak ko habang hinihintay na makarating sa hospital. Pagkarating namin din ay dali-dali akong pumasok sa loob at hinanap ang sinabi ng tumawag sa akin kanina ang sinabing room. Pagkarating ko sa ICU ay agad akong napatakip ng mukha sa nakita kasabay ng pagmamalibis ng luha sa aking mata.

Nakita ko si Drake at Xyle sa isang malapad na higaan sa isang kwartong glass wall. Puno ng dugo ang noo at higit sa lahat ay merong tubo ang nakatusok sa likuran ni Drake at si Xyle naman ay malapit sa kinaroroonan ng kaniyang puso. Fuck!

Napatingin ako sa nurse na nasa aking harapan.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Ayon po sa cctv, may paparating na isang pagewang-gewang na kotse at dahil ai Mr. Quintos ang nasa harapan, kaagad nitong iniliko ang kotse sa gilid pero hindi niya nakita ang poste kaya nabangga po siya roon. At si Mr. Perez naman po ay hindi nakita ang paparating na kotse dahil sa likuran siyang bahagi, siya ang nabangga ng pagewang-gewang na kotse at tumilapon din ang kotse kay Mr. Quintos." Paliwanag ng nurse.

Napahawak ako sa noo ko saka tumingin sa kinaruruonan ng dalawa.

"Eh bakit hindi niyo pa simulang ang pag-oopera sa kanila? Nawawalan na sila ng dugo!" Sigaw ko.

"Hinihintay pa namin ang pagdating ng mga magulang nila, ma'am. Meron pa kaming ipapaperma bago maoperahan ang mga pasyente." Sagot niya sa akin.

Ako naman ay tahimik lang na umiiyak habang nagdadasal. Naghintay pa kami ng ilang minuto saka dumating ang parents ni Drake at Xyle. Umiiyak din sila kagaya ko at pagkaperma ay agad nilang ipinunta sa operating room sina Drake at Xyle.

Pumunta ako sa isang mirror glass na kung saan kita ang pag-oopera sa kanilang dalawa. Linalagare na nila ng dahan-dahan ang nakakonektang tubo sa dalawa at pagkatapos ay pwersahan nilang hinila mula sa kanilang katawan ang tubo. Napapikit ako nang medyo bumulwak ng konti ang kanilang dugo.

Napatingin ako sa nagbibigay sa akin ng panyo. Tatay ata ito ni Drake. Kamukha eh.

"You're Fuentez, right?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. "They are tough. Alam kong lalaban sila dahil alam kong hindi nila hahayaang mabuhay mag-isa ang pinakamamahal nilang babae." Sabi niya sa akin ng nakangiti.

"Tatay po kayo ni Drake?" Tanong ko.

"Yeah. Paano mo nalaman?" Tanong niya sa akin.

"Kamukha niyo po siya. Saka binibigyan niya rin po ako ng panyo kapag umiiyak ako. Siguro like father, like son." Sabi ko. Ngumiti lang tatay ni Drake.

"Grade 9 nung nalaman niya na na-diagnose siya sa sakit na Brain tumor. Pero sabi niya, ayaw niyang magpagamot. Hihintayin na lang daw niyang mawala siya sa mundo dahil hindi na raw siya makakaramdam ng sakit. But this past few days, bigla na lang siyang nagsabi sa amin na magpapagamot siya at tinatanong kung kelan kami pupunta. Pero nangyari 'to and base sa kwento ng nurse at pulis sa amin, medyo malala ang nangyari sa kaniya.And maybe, just maybe hindi na kakayanin ng katawan niya ang operasyon na ito at tuluyan ng mawala siya." Sabi nito sa akin at parang batang humagulgol sa harapan ko.

"Pero sabi niyo po malakas siya, di'ba? Lalaban siya alam ko. Sinabi niya sa akin na lalaban siya." Sabi ko habang umiiyak na rin. Napatingin ako sa mga nurses na parang nagpapanic na labas pasok sa loob. Napatayo ako nang makita kong parang nagkakagulo sa parte ni Xyle. "Anong nagyayari?" Kabadong tanong ko sa isang nurse na kalalabas lang mula sa loob.

"He's in cardiac arrest." Nagmamadaling sagot niya sa akin saka umalis. Ako naman ay pinapanood na i-check ang vitals at kung paano i-clear nung doctor si Xyle. Umupo ako saka pumikit para umusal ng dasal.

Lord please nagmamakaawa ako sayo. Wag mo naman munang kunin ang dalawang malapit sa buhay ko. Alam ko naman pong makasalanan ako at baka halos isumpa mo na ako sa kakamura ko pero kahit para sa kanila na lang at sa magulang nila. Saka magiging mabait na po ako in the future basta huwag mo po silang kunin sa amin. Please naman po oh.

Pati ang dasal na hail mary, our father, at glory be ay ni-pray ko na rin at pagkatayo ko ay hindi pa rin sila natatapos sa pagsalba sa buhay ni Xyle. Halos mabaliw narin ako sa kakadasal at halos lahat ng na ng santo ay natawag ko na rin.

Pero halos mawalan ako ng ulirat nang makitang nag-flat line ang machine. Hindi.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now