Chapter 11

571 28 0
                                    

"Happy birthday Xyle Bryan!"

"May you rest in peace! Bud!"

"Pagkain na naman!"

Bati ng mga naroon. Nagulat nga ako dahil nandito lahat ng mga kaklase namin.

Napatingin ako sa nasa gilid dahil mayroong hospital bed doon. Si Blue! Agad akong tumakbo patungo kay Blue at umupo sa hospital bed niya.

"Kumusta?" Tanong ko.

"Eto gumagwapo na." Natatawang sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

Napatingin ako sa biglang humawak sa balikat ko.

"Oh! Macy? Nandito ka rin?" Masayang sabi ko saka ito na ang pinaupo ko sa hospital bed. Siya ang girlfriend eh.
"Binibisita ko lang kasi kanina si Blue ng sinabi nilang nasa rooftop daw. Napagkamalan pa nga nila akong kayo eh kaya nauna na silang kumain bago dumating ang celebrant." Natatawang kwento ni Macy habang sinusubuan si Blue. Nakitawa na rin ako at nagpaalam na nang nakita kong sinesenyasan ako ni Drake na lumapit sa kaniya. Pagkarating ko doon ay binigyan niya ako ng plato na may pagkain.

"Inuna mo pa ang makipagkwentuhan kesa sa gutom mo." Sermon niya sa akin pagkabigay niya ang pagkain.

"Psh." Sabi ko na lang saka kumain. Pagkasubo ko ng tatlong subo ay tumingin ako sa kanya. "Hindi mo man lang sinabi na birthday pala ng presidente natin." Sabi ko at sumubo na naman.

"Eh ikaw diyan nakikipag-away bigla-bigla pagkagising. " Sagot niya.

"Eh ang rude ng bibig eh." Sabi ko. Napatingin siya sa akin at umiling-iling.

"Para kang patay-gutom kumain." Sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang isang tissue. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy kumain.

"Bakit naman dito pa nila naisipang magparty?" Tanong ko.

"Di pa raw kasi pwedeng ilabas si Blue kaya dito nalang." Simpleng sagot niya.

"Eh sabi mo sa presidente naman itong hospital. Paano pa nasurprise?" Tanong ko.

"Tanggapin mo na ngayon na medyo may pagkabaliw at pagka-slow ang mga kaklase natin." Sagot niya ng natatawa.

"Kaya pala ipinagpabukas mo angvpamimili ng pagkain. Ito ba ang pagkakaabalahan mo ngayon?"

Tumango ito. "Oo. Ayaw ko kasing ipinagpapaliban ang mga birthday ng mga kaklase natin lalo na kung kaya ko namang pumunta."

Tumango ako saka tumingin sa plato ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang tinitingnan ang ibang kaklase namin na naglalaro at mayroon ding nagvivideoke sa gilid. Napatingin ako sa presidente namin na medyo naiirita sa mga nasa harapan niya. Sino ba namang hindi? Nagmistulang parang bar itong kwarto at kinabitan pa nila ng ilaw-ilaw sa taas. Yung iba't-ibang kulay na gumagalaw. Medyo nahihilo na nga rin ako eh.

Napatingin ako sa mga nasa gitna at napatawa ako ng malakas.

"Putik!  Andami pala tayong takas mental na kaklase. " Sabi ko habang tumatawa pa rin. Paano ba naman kasi, para silang mga baliw na sumasayaw sa harapan.

"Tara na." Aya sa akin ni Drake.

" Ha?" Tanong ko dahil di ko alam kung saan niya ako inaaya.

"Tss. Sayaw tayo!" Sigaw niya at hinila ako hanggang sa gitna at nakisayaw. Ako naman ay nakatayo lang doon at pinapanood silang sumayaw. Natatawa na lang ako sa mga walang kwentang mga step nila. Wala sa tono ang step eh. Napatingin sa akin si Drake at nang nakita niya akong hindi gumagalaw ay hinawakan niya ang bewang ko saka iginalaw-galaw. Natatawa na lang ako.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now